Wedding gown

84 3 0
                                    

A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!

-
Chapter 39.

" Yey! Ang ganda ng gown ko! " masayang sabi ni zoe nang makita na namin ang pinagawa naming gown. Ang ganda ng gown at tiyak na babagay 'to kay zoe. Ang liit ng bewang niya't fit sa kanya ang gown.

" I hope my mom will like my wedding gown!  And even tita amyleth. I know magugustuhan din niya ang wedding gown ko. Parehas kaming babae at ramdam ko yun 'no! " masayang sabi ni zoe habang dala dala ang kahon ng gown niya

" Thank you! " sambit ni zoe sa assistant at umalis na kami't nauna na kaming mauwi sa bahay naming Norden Family.

**

" Wow! Ang ganda naman ng wedding gown mo hija! Ganyan yung pangarap kong wedding gown noong dalaga pa ako eh. " Masayang sambit ni mommy habang inaamoy-amoy ang wedding gown.

" Talaga po tita? Haha, gusto niyo po sayo na lang 'to pagka-gamit ko eh. Tapos suotin ninyo kung kakasya " natatawang sambit ni zoe.

" Mommy oh, mukhang inaasar ka ng fiancee ko. " singit ko habang tumatawa

Sinamaan ako ng tingin ni mommy

" Apo, ganyan din ang wedding gown kong isinuot noon nang ikinasal ako kay Grandpa reynaldo mo. " wika ni grandma habang naka ngiting naka tingin sa wedding gown ni Zoe.

" Lola Allison, nasaan na po ba si Lolo Reynaldo? " tanong ni sweety

" Wala na siya. Namatay siya noong ikinitil na ang buhay niya dahil napag kamalan siyang nang-halay ng isang batang babae. " Sambit ni grandma at ngayo'y nagiging emotional na siya kaya't nilapitan ko siya para yakapin

" Tama na, mabuti pa 'wag na natin pang pag-usapan 'yon. " Sambit ni zoe at niyakap niya rin si grandma.

" Osyaaa!! Basta ang isipin na lang natin mama, yung mga magiging apo natin pag katapos ikasal nila zoe! " natatawang sabi ni mommy kay Grandma.

Nag tawanan kami nang sabihin niya yun. Lukarit lang din talaga ang mommy ko pero mahal na mahal pa rin namin 'yan.

"Tita, 'wag po kayong mag-alala, kami na po ang bahala ni zake na mag bigay ng apo sa inyo. " Sambit ni zoe na ikina-init ng mga pisngi ko. Hindi ko akalain na sasabihin niya yun kay mommy kaya't tumawa ako

" Ilang apo ba gusto mo mommy? " Tanong ko

Pumalumbaba si mommy at tumingin sa kisame. Pinag-iisipian niya pa talaga ha?

" Mga tatlo " ani mommy habang naka ngiti

" Tatlo lang pala eh- "

" Tatlong dosena. "

Halos mag-init ang katawan ko nang marinig ko ang sagot ni mommy. Nakakahiya 'to para kay zoe. Masyadong brutal si mommy para gustuhin ang magka-apo ng tatlong dosena.

" Biro lang. Mga dalawa lang talaga "

" Sure ka wa? hindi yan dalawang dosena? " tanong ko at tinignan ko ng matalim si mommy.

" Oo naman. "

**

" Mommy! Heto na ang wedding gown ko! " Masayang sabi ni zoe nang maka-uwi na siya sa kanila.

Nag mano ako kina tito vellion at tita crissy

Binuksan agad ni tita crissy ang kahon ng wedding gown at 'tsaka niya inilabas ang gown na ibinili namin ni zoe

Halos matawa ako nang makita kong literal na nanlaki ang mga mata ni tita crissy pero mahina lang ang tawa ko.

" Oh my god! Ang ganda ng wedding gown mo baby zoe! " Manghang sabi ni tita crissy.

" Samantha, bagay na bagay sayo 'yan sigurado ako. " Sambit naman ni tito vellion habang naka ngiti sa aming dalawa ni zoe.

" Tita, tito.. Excited na ba kayo sa kasalan? " tanong ko habang naka ngiti.

Tumango sila parehas " Of course. Salamat at madali namin kayong napag sundo para sa kompanya natin. Kaya ngayon, mas lalago't magiging maayos na ang kompanya ng Norden at Perez " ani tito vellion.

" Mahal ko po ang anak ninyo tatlong taon na ang nakakalipas 'till now. " tugon ko

" Sana all. " sambit ni tita crissy habang naka tingin kay tito vellion

" Minahal din naman kita ah, hindi lang three years kundi five years simula noong highschool pa tayo hanggang sa kolehiyo " sambit ni tito vellion at kinindatan niya ako.

" Oo at sa loob ng limang taon na yun, hindi lang ako ang minahal mo. Sina beronica, beth, britney- "

" shut up. Ang mahalaga ikaw ang naging asawa ko sa kabila ng lahat ng yun "

Ang cute nilang tignan na dalawa. Sana ganito rin kami ni Zoe hanggang sa pag tanda. Pero si zoe lang ang minamahal ko mula pa highschool. Wala na akong minahal pang iba kundi siya lang.

She will be my first and last..

***

Okay maigsi muna, bawi na lang next chapter babies! :* uwu :>

I Fell Inlove with Ms. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon