3 Years

275 15 5
                                    

A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!

-
Chapter 2.

" Uy zake! " Bati sa akin ni Jasmine nang mag kita kami dito sa Subdivision na tinutuluyan namin. Ngumiti siya kaya't sinuklian ko din siya ng ngiti.

" Oh? " tanong ko

" Sorry pala sa nangyari kahapon " Aniya habang naka nguso

" Wala 'yon, wala ka namang kasalanan eh. Sadyang masungit lang talaga ang kaibigan mo " Wika ko habang naka ngiti't nag kakamot ng batok kahit na hindi naman makati ang batok ko.

" Akong bahala, tutulungan kita sa bestfriend ko "

" Really? 'Wag na baka magalit pa sayo yun. "

" Hindi yan. Basta mag tiwala ka lang, ako na ang bahala sa inyong dalawa. Not now but as soon as possible pag lalapitin ko kayong dalawa. " proud na pag kakasabi ni jasmine sa akin kaya't napa-ngiti ako.

" Really? You can do that for me? "

" Of course. Crush kita eh. At 'tsaka ako na ang mag paparaya kasi malabo naman na magustuhan mo ako. " Naka nguso niyang sabi.

" Salamat, jasmine " wika ko at pinisil ko ang pisngi niya.

" Walang problema zake basta para sayo. Hindi 'ba kakaibigan mo si Zoe? "

" Actually, balak ko siyang ligawan. Mula pa nung Unang kita ko sa kanya. "

Nanlaki ang mga mata niya at nakita kong lumunok siya

" Gosh! Ang bilis mong mahulog ah? "

" Matagal ko na siyang gusto. It's been 3 years pero ngayon pa lang ako kikilos na pa-ibigin siya "

" Nako! Kumilos ka na bago ka pa maunahan ni Larry. "

Halos mapa-samid ako dahil sa narinig ko. Titignan mong tahimik si Larry pero may tinatago pa lang landi?

" Actually, katawan at mukha pa lang talo na siya sayo eh. "

" I know, puti lang naman ang nag dala sa kanya kaya kung titignan mo siya, parang gwapo. Pero PARANG lang. "

" Oo nga. "

Nag-isip na ako kung paano ko liligawan si Zoe.. What if mag pakitang gilas ako sa harapan niya? What if mag cart wheel ako? 'Chos. Dapat yung romantic na talagang magugustuhan niya. Hindi pwede yung simpleng simple lang.

" Hindi ba taga dito lang si Zoe? " tanong ko kay Jasmine. Ang pag kaka-alam ko kasi taga dito lang din siya. Bali mag kakasama kami sa iisang subdivision na tinutuluyan namin.

" Oo, malapit siya sa Isang club house "

Iisa lang ang club house dito sa subdivision so it means, malapit lang siya dito sa bahay namin?

O.O

" Mag kalapit lang pala kami ng bahay eh!! " natutuwang sambit ko.

" Ay! Oo nga noh! Basta kumilos kilos ka bago ka maunahan ni larry! 2 weeks niya na ngang pinag titiyagaan si Zoe eh! Kahit na pinag susungitan na siya gu- "

" Enough. Ako na ang bahala sa diskarte ko. Makukuha ko din 'yang kaibigan mo. "

" Good Luck "

" Alamin mo nga bawat ginagawa ni larry kay zoe. Isumbong mo sa akin bawat detalye na ginagawa niya para kay zoe "

" Oo ako ang mag si-silbing spy mo sa kanila " aniya

Ngumiti ako " Salamat "

Ngayon lang ako nakipag-usap ng ganito sa babae. Syempre bestfriend niya yung taong gusto ko eh. Kaya ito ako sisipsip sa bestfriend ni zoe. Alam kong masakit para kay jasmine na nag karoon ako ng feelings para sa bestfriend niya, pero ano ba naman ang magagawa ko? Hindi ko naman kayang kontrolin ang nararamdaman ko para kay zoe.

I Fell Inlove with Ms. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon