A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 19.Naalimpungatan ako dahil sa lamig dahil bukas pala ang aircon dito sa kwarto ko kaya't pinatay ko na. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakita kong 4:32 AM pa lang.
To: Fiancé ko ❤️
Good morning Zoe! Kumain ka na agad pagka-gising mo okey? I love you!
Nag iwan ako ng mensahe para Kay zoe para naman pagkagising Niya magandang mensahe ang bubungad sa cellphone niya kapag binasa niya yun.
Natulog na ako ulit dahil inaantok pa ako.
<--------------------------->
" Kuya! Gising na! Kakain ka na! " narinig ko ang nakaka-iritang Boses ni sweety kaya't napakunot noo ako. Kay aga aga nambubulabog! TSS. Bumangon ako sa higaan ko at mariin ko siyang hinampas ng matigas Kong unan sa pag mumukha niya tsaka ako bumaba sa kwarto ko.
Nag patimpla na ako ng kape para naman maging maayos ang mood ko.
" Ito na po ang kape niyo sir " sambit sa akin ng katulong.
Ininom ko Ito agad at halos matawa ako nlang makita ko si sweety na nag kakamot ng ulo habang naka simalmal.
" Oh ano inaarte-arte mo diyan? " tanong ko habang iniinom ang kape ko.
Umirap siya " Ikaw kasi eh! "
" Bakit ako? " naka ngising tanong ko.
" Syempre hinampas mo ako ng unan! Tsss! Nakakainis ka! "
" malamang. Alam mo naman na ayaw ko ng ini-istorbo ang tulog ko eh. Di ba? "
" Edi sige. Hindi na lang kita gigisingin sa susunod. "
" Mabuti kung ganun. "
Pumwesto na ako sa hapag kainan at nag Simula na akong kumain. Nakaramdam na ako ng gutom eh. Wait- naalala ko si Zoe baka nag-iwan na din yun ng message sa akin. Agad akong nag punta sa kwarto ko para kuhanin ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko.
From: Fiancé ko ❤
Good morning din zake. Ang aga mo naman nagising? Kumain ka na ba? I love you too.
I replied immediately :
Naalimpungatan lang ako dahil sa lamig. Kumakain pa lang ako. Ikaw ba?
From: Fiancé ko ❤
Kumain na ako. Eat well ^_^
Bumaba na ako para ipagpatuloy ang pagkain ko. Masyado akong nadadala Kay Zoe eh.
" Kuya bakit ngiting ngiti ka diyan? "
" Pake mo? "
Sinamaan niya ako ng tingin habang nag kakalikot siya sa cellphone niya. Ganyan talaga ako sa kapatid ko pero mahal ko yan. Bwahahaha!
Nang matapos na akong Kumain at mag tooth brush, umupo na ako sa sofa at katabi ko na ngayon si sweety na naka nguso habang nag ce-cellphone.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Teen FictionNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...