A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 31.Zake's Point Of View
Kamusta na kaya si zoe? Sana maayos ang pag trato niya kay jasmine doon sa kanila lalo pa't katulong niya si Jasmine. Na-kokonsensya ako sa ginawa ko. Nang dahil sa halik ko, nag karoon na kami ng problema. Pero kasalanan ko ba talaga ang lahat ng 'to?
" Zake, ano bang ginawa ko kahapon kina zoe? " tanong ni grandma sa akin
" May pinakitang CCTV Footage kahapon si jasmine sa amin. " sagot ko
" Ano yun kuya? " tanong naman ni sweety.
At Ni-kwento ko na sa kanila ang mga nangyari kahapon.
" Mabuti kung ganun! Virgin ka pa kuya! " sambit ni sweety habang tumatawa. Alam kong natuwa sila dahil walang nangyari sa amin ni jasmine. Para kay zoe lang talaga 'tong akin kaya hindi napunta kay jasmine 'to noong gabi na yun.
Ngumiti si grandma " Riley apo, you better watch your words. "
Tumikom ang bibig ni sweety at ngumiti siya sa amin. Nahihiya 'tong babae na 'to dahil sa sinabi niya. Ang bibig kasi eh! Hindi matikom-tikom. 'Yan tuloy, kung anu-ano na ang nasasabi.
" Apo, mabuti na lang at tinulugan mo si jasmine noong oras na yun. Dahil kung hindi, baka posibleng mabuntis mo siya "
Mahina akong natawa " Opo grandma. Mabuti na lang po talaga "
" Pero, ano naman ba yung trabaho na ibibigay ni zoe kay jasmine? Mukhang kinakabahan ako huh? " ani lola habang naka hawak sa dibdib niya
" Magiging katulong po ni zoe si jasmine " tugon ko na ikinalaki ng mga mata nila ni sweety.
" What kuya!? " gulat na tanong ni sweety't tumango ako
" Tama ba yang naging desisyon ni zoe? " tanong ni grandma
" Uh- hinahayaan ko lang po siya sa gusto niya. Baka kasi ako ang pag buntungan niya ng matinding galit niya eh. "
" How about jasmine? Hindi ka ba naaawa sa sitwasyon niya? Babae siya zake and I understand her situation right now "
" Alam ko naman po na matapang na babae si jasmine eh. "
" Pero kahit na nagkamali yung tao, naaawa pa rin ako " ani grandma habang naka ngiwi. Alam ko naman yung nararamdaman ni grandma. Ramdam ko ang pagka-awa niya kay jasmine. Naaawa rin naman ako pero hindi ko naman pwedeng diktahan si zoe sa mga gusto niyang gawin. What she wants she gets.
" Grandma, hayaan na po muna natin si zoe sa mga gusto niya. Hindi ko siya pwedeng diktahan sa mga gusto niyang gawin dahil baka mas lalo lang lumala ang problema namin " wika ko
" Yes lola allison. May point si kuya. Baka kapag sinuway ni kuya si zoe baka sa kanya naman magalit lalo si zoe " pag sang-ayon naman ni sweety
" Grandma, tulungan niyo po ako kay zoe. Wala pa rin akong nakikitang improvement sa kanya eh. Basta't ang alam ko galit na galit pa rin siya sa akin. "
" Sige apo. Tawagan mo si zoe at ako na ang sasagot. "
Ngumiti ako ng malawak at 'tsaka ko ni-dial ang phone number ni zoe. Sana naman bumalik na ulit kami sa dati ni zoe. Kahit hindi ngayon oh!
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Novela JuvenilNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...