A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 44." Samahan mo kong mag shopping zake " sambit ni zoe at bigla siyang nag puppy eyes sakin.
" Buntis ka at baka mapagod ka pa kaya ako na lang. Ano bang ipapabili mo? " tanong ko at hinagod ko ang buhok niyang naka harang na sa mukha niya
" Hindi. Gusto ko kasama kita. Baka may lumandi pa sayo dun. Wala pa ako! Baka sabihin mo single ka pa! At baka kalimutan mo ako - "
" Oo na oo na. Isasama na kita. Tara na "
***
" Uy gusto ko nito. Eto, ito, 'tsaka ito. " masayang sabi niya at todo baba lang siya ng mga pinipili niya sa push cart.
Ang dami niya ng nakukuha. Puro pagkain! Puro din naman junk foods kaya patago kong binabalik yung ibang mga kinukuha niya. Baka kasi magalit. Bugahan pa ko ng apoy tsh!
" enjoy your foods, baby "
Ngumiti siya't napansin ko ang pamumula ng mukha niya
" Salamat z-zake. Ilang buwan na akong nag bubuntis at malaki na talaga ang tiyan ko. Sana healthy si baby pag labas. "
" Oo naman. Healthy ang magiging baby natin. Wag ka lang pasaway! Wag kang kain ng kain ng preservatives! Junk foods, fast foods basta yung mga masasamang kinakain, wag kang kakain non. Maliwanag ba? " tanong ko habang naka taas ang dalawang kilay
" Madilim pero sige " pampipilosopo niya
Maraming babaeng nag titinginan sa aming dalawa. Mag katabi kami ni zoe habang tinutulak namin ang cart at para mas maging proud pa siya sa aming dalawa, inakbayan ko siya at para na rin malaman ng iba na mag-asawa na kami at sa kanya lang ako pang habangbuhay.
" Ang sweet talaga ng asawa ko. " Aniya habang naka ngiti
" Oo naman. Asawa mo ako eh. At 'tsaka ayaw kong maging paranoid ka. Ikaw lang naman ang mahal ko, e. Kaya nga pinapatunayan ko na sa iba ngayon pa lang na sayo lang ako at akin ka lang. "
" Ihh! Eneveee! " Maarteng sabi niya at tumigil kami sa pag tutulak ng cart at naka harap siya sa akin habang naka ngiti siya ng malawak.
Kinurot ko ang pisngi niya
" Oh puso mo baka mahulog. "
" Nahulog na nga ihhh. Z-sheyk ( Zake ) Naman eh! " sambit niya at inilagay niya ang buhok niya sa likod ng tainga niya. Nako pabebe na ang asawa ko =_=
" Hays, bumili ka na nga lang ng bumili diyan like biscuits and of course yung fruits. " wika ko at sinimulan ko na ulit i-tulak ang push cart.
Habang nag lalakad lakad kami, ang dami niya na namang inilalagay na mga pagkain. Ang kinuha ko lang na para sa akin Yogurts at 'tsaka gummies eh. Favorite kasi 'yan ng fafa zake ninyo.
-
Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang total price ng mga ipinamili namin." 8,370?! " Gulat na tanong ko kay zoe. Naka ngiti lang siya at maya maya pa ay ngumuso nang samaan ko siya ng tingin
Binayaran ko na ang mga ipinamili namin at 'tsaka na kami umalis sa mall.**
" Ang dami mong ipinamili wah? " tanong ko kay zoe nang maka uwi na kami sa bahay namin.
Ngumuso siya " Hindi ka pa nasanay? Eh worth 100,000 pa lang yata ang nagagastos natin within 6 months eh. Mag seseven months na! "
" Hayst. Tandaan mo, kahit na marami tayong pera, matuto kang mag tipid. Mahirap kumita ng pera. Lalo pa't sinasalinan lang tayo ng pera ng magulang natin sa ATM Card natin. " paalala ko. Gastador kasi 'tong babae na 'to nang mag simula na siyang mag buntis. Maya't maya gutom kaya tumataba na siya or baka naman kasama na talaga yun sa pag bubuntis niya? Ang pagiging mataba?
" Oo na. Sorry na "
" Dapat lang. Hindi mo ba napapansin? " tanong ko
" Na ano? "
" NA BABOY KA NA! " madiing kong sambit at bigla niya akong hinampas
" Aray! Eto naman, nag bibiro lang ako eh! " natatawang sambit ko habang hinihimas himas ko ang braso ko.
" Maka baboy ka akala mong hindi mo ko asawa ha?! "
" Sorry na "
Natahimik na kami at kumain na naman siya ng kumain. Ang timawa na ng asawa ko. Kung noon timawa siya, mas timawa siya ngayon. Bwahahhaha!
Kinain ko na rin yung yogurts ko para naman may magawa ako dito habang pinag mamasdan ko siyang kumain.
Parang hindi ko 'to pinapakain ha? Yung totoo? Ilang taon ko kaya 'to hindi napa-kain?
**
Author's Note:Short chapter na po ulit. Pasensya na. Kaunting paalala lang po, kapag maikli ang chapter na nai-pupublish ko, it's either tinatamad ako, busy , or inaantok na ako.
Anywaysss, salamat sa pag basa! :*
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Teen FictionNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...