A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 34." Good Morning fiancee ko! " masayang bati ko nang makita kong naka-upo si zoe sa upuan niya't tinabihan ko siya hangga't wala pa si jasmine.
" Good morning din fiancee ko "
" Ayieeeeee! "
" Yooown! Ayos na sila! "
" Zake and Zoe! You may now kiss! "
Yan ang mga salitang naririnig namin ngayon. Ilang araw lang naman kaming hindi nag pansinan ni zoe.
Tumatawa si zoe habang umiiling-iling.
" Kumain ka ba ng breakfast mo? " tanong ko kay zoe.
" Yes. Ikaw ba? "
" Kumain na ko. " naka ngiting sagot ko.
Nang dumating na si Jasmine, nakakarinig na ako ng mga bulungan sa likuran ko. Tumayo na ako't bumalik na sa upuan ko. Posible kayang alam na nila ang dahilan kung bakit hindi kami nag pansinan ni zoe noong mga nakaraang araw?
" Ang KATI ng braso ko. Paki-KAMOT nga! " madiing sambit ni Faye na ubod ng kaartehan habang kinakamot ang braso niya't naka titig ng masama kay jasmine.
" Wag mo kasing KAMUTIN lalo lang KAKATI! " madiing sambit naman ng alipores niyang babae habang nag bubulungan sila.
Napa tingin si Zoe sa mga babaeng nag bubulungan at 'tsaka niya tinitigan ng masama ang mga 'to. Nararamdaman kong naaawa siya kay jasmine dahil sa mga bulung-bulungan.
Dumating na si Mr. Dy. Umano at nag discuss na siya. Nakaka bored at nakaka-antok pero mas maganda siyang mag discuss kaysa kay Mr. Chugis.
" Zake tara na. Sumabay ka ng mag recess. " aya ni zoe sa akin. Tinignan ko naman si jasmine na naka yuko lang habang nag ce-cellphone. Naaawa ako sa sitwasyon niya dahil naging parte pa rin siya ng buhay ko dahil nga naging kaibigan ko siya. Naging mabuti siyang kaibigan sa akin at talagang nag kamali lang kami noong nag pa-party siya. Pinatawad ko na si Jasmine noong nalaman kong naging katulong siya ni zoe.
Tumayo ako't dahan dahan akong sumunod kay zoe palabas ng room.
" Zoe, Zake! Totoo ba? " tanong sa amin ng isang babaeng lumapit sa amin.
" Ang alin? " nag tatakang tanong namin ni zoe. Ang lalas ng kutob ko na tungkol 'to kay jasmine.
Tumawa siya ng mahina " Ahas pala ang bestfriend mo zoe? "
" How did you know? "
" Naririnig ko lang. Kalat na yung baho niya dito sa S. Dyanasty University. " sambit nung babae habang naka ngisi.
" Wag niyo na kaming pakealaman. " sambit ni zoe ng seryoso habang naka kuyo ang mga kamay niya
" Excuse us " wika ko at umalis na kami ni zoe. Habang nag lalakad nami papunta sa canteen, tahimik lang siya't parang wala sa sarili
" Zoe " wika ko pero tulala lang siyang nag lalakad. Nararamdaman ko ang pag-aalala niya kay jasmine. Sana bumalik na siya sa dating siya. Yung dating zoe na ibinababa ang pride para sa bestfriend niyang si Jasmine.
Nang maka rating na kami sa canteen, bumili na agad kami ng makakain. Marami pa ring nag bubulungan pero alam kong nang dahil yun sa aming dalawa ni Jasmine
" Ano? May nangyari sa kanila? Ew " parinig ng isang babae habang kausap ang isang lalaki. Naka tingin lang sila sa amin habang nag bubulungan sila. Yung tingin nila, parang pinandidirian nila kami.
" Don't mind them. " bulong ko kay zoe na naka awang ang bibig.
Umalis na kami sa canteen at tumambay muna kami sa bench
" Zoe, " sambit ko
Tinignan niya ako " Yes? "
" Hindi ka ba naaawa kay jasmine? " tanong ko habang naka ngiwi
" Why would i? "
" Kasi zoe, naging best friend mo siya. Hindi mo ba naaalala yung mga pinag samahan ninyo kung paano kayo nag simula? Hindi mi ba siya na-mimiss? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo? " seryosong mga tanong ko sa kanya. Tinititigan ko siya na pinag lalaruan ang mga daliri niya
" Yes. She's my bestfriend pero bakit niya yun nagawa sakin? Yun lang ang hindi ko m-matanggap " sa puntong ito, hindi niya na napigilan pang lumuha. Naka dukdok ang ulo niya sa balikat ko habang umiiyak siya.
" Nag kamali lang siya zoe, tandaan mo 'to, kung ikaw man ang nasa sitwasyon niya, mararamdaman mo rin yung nararamdaman niya ngayon. Naging bestfriend mo rin siya sana mapatawad mo na siya. Kalimutan na natin yung nakaraan. Ang mahalaga pinag sisisihan niya na ang nagawa niyang mali. Maski nga ako nag sisisi rin dahil hinalikan ko siya. Pero by this time, pinapangako ko sa'yo, hinding hindi na ako gagawa ng mga ikakagalit mo. Pangako. " wika ko habang hinahaplos-haplos ko ang likuran niya.
" Sa totoo lang, na-mimiss ko na siya. Na-mimiss ko na ang dating kami. Ngayon pa lang ata ako na-kokonsensya dahil sa mga ginawa ko sa kanya. Zake, kakausapin ko na siya mamaya. "
Nang sabihin niya yun. Nabuhayan ako ng lakas. Nagka-gana ang buong diwa ko.
" Are you sure zoe? Gagawin ko yun? " masayang tanong ko
Tinignan ko siya't nakita kong naka ngiti siya
" Yes. Miss ko na si jasmine "
My heart melt after she said that. Kung pwede ko lang yakapin si zoe dito ginawa ko na. Kaso PDA na 'to kapag ginawa ko yun eh.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
Bumalik na kami sa room at nakita namin si jasmine na naka dukdok lang sa desk niya. Tumabi na si zoe sa kanya at tsaka ako bumalik sa upuan ko. Sana magka-ayos na kaming tatlo. Sana magka-ayos-ayos na kami. Sana silang dalawa ni jasmine mag kaayos na din. Miss ko nang makita sina zoe at jasmine na nag kukulitan
After an hour nag uwian na kami't nilapitan ko si zoe. Tahimik lang si jasmine buong araw. Walang pumapansin sa kanya. Ni-wala na siyang ibang kaibigan kundi si zoe lang. Na-mimiss ko na din ang dating sigla ni jasmine. Namimiss ko na yung samahan naming tatlo noon
" Jasmine, kakausapin kita mamaya " cold na sabi ni zoe kay jasmine at tumango lang si jasmine
Umalis na kami at nauna na kami kay jasmine. Sinabay ko na sa sasakyan si zoe at hinatid ko na siya pauwi.
Malapit na jasmine. Mag kaka-ayos na tayong tatlo.
***
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Novela JuvenilNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...