Talak

107 2 0
                                    

A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!

-
Chapter 43.

" Ano bang ipapangalan natin sa magiging anak natin? " tanong ko kay zoe habang hinihimas himas ko ang tiyan niya. Pabilog na talaga ang tiyan niya at malaki-laki na rin kaysa noon

" Secret. Malalaman mo na lang kapag nanganak na ko " aniya at kinindatan ako

" Nag secret pa weh! Asawa mo naman ako " sambit ko at ngumuso ako para masubukan kung sasabihin niya na sa akin.

" Wag mo kong dinadaan-daan diyan sa panguso-nguso mo zake. Ang panget mo! "

Simaan ko siya ng tingin " Wow ha? Maka pangit ka akala mo namang hindi ka nabaliw sakin "

Umirap siya " baka nga ikaw nabaliw sakin eh! Akalain mo yun? Pinag tiyagaan mo akong mahalin noon ng TATLONG TAON? Sinong baliw satin ngayon? " madiin niyang sambit

Ngumiti ako " Ako. Ako baliw, SAYO "

" whatever. Ibili mo nga ako ng fries! "

" No! Hindi pwede! Bawal sa baby ang fast foods. Makakasama yan sa baby boy natin! "

Sumimangot siya " Ehh- okay. Apple na nga lang. "

Tumayo na ako't kinuha ko siya ng apple sa kusina

" Ayan apple " wika ko at iniabot ko sa kanya

" Ano gagawin ko diyan? Kakainin ko agad? Hindi mo manlang maisip na balatan? Pahihirapan mo ba ko? Babalatan lang hindi mo pa gawin! Nako zake ako'y - "

Hinalikan ko siya para mag tigil na sa kaka-kuda. Ang sakit sa ears! Para akong binubungangaan ng nanay ko noong bata pa ako. Pero mas malala ang bunganga niya kaysa sa nanay ko. Kumbaga sa Max Level, lalagpas pa sa max level ang pag bubunganga niya!

Pagka-halik ko sa kanya, binalatan ko na ang mansanas. May mga kamay naman siya bakit hindi siya mag balat nito? Naku talaga, kung pwede ko lang siya sagut-sagutin sa personal ginawa ko na eh. Kasi baka ma-high blood pa siya at baka mamaya madamay ang sanggol na nasa sinapupunan niya.

Gusto kong mabuhay si baby para naman may mapaiyak ako gaya ng pagpapa-iyak o pang-aasar na ginagawa ko kay sweety noong binata pa ako. Ngayon may asawa na ako.

Mabunganga na, makuda pa! Jusko po. Masyadong aktibo kapag buntis, e! Mga babae nga naman kay hirap intindihin. Iniintindi ko siya dahil mahal ko siya. At 'tsaka buntis siya't natural lang 'yon sa mga babae. Nagiging emotional sila masyado kapag buntis

" Okay na! Happy? " tanong ko habang malawak na naka ngiti kay zoe. Yung ngiti na hawig kay MOMO! Jusmeyo marimar!

Pumalakpak siya " Yipieeee! Salamat zake! I love you! "

" I love you too. Alam mo naman na gusto kong nakikita kang masaya, e "

" Nako ikaw talaga, ka'y kulet " aniya at kinain niya na ang mga mansanas na binalatan at hiniwa ko.

Hiniwa ko na! Baka mag bunganga na naman eh! Talak ng talak na parang puwet ng manok ang asawa ko pero mahal na mahal ko 'yan.

" TAO POOOOOO!!! " sigaw ni jasmine sa labas ng bahay namin. Lintik na bunganga 'yan. Siguro ang laki ng bunganga ni jasmine kaya nakakasigaw ng ganito kalakas. Parang wala ng bukas eh!

I Fell Inlove with Ms. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon