The truth.

94 2 0
                                    

A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!

-
Chapter 29.

Zake's Point Of View

" Apo, kamusta na ang kalagayan mo? Ninyo ni zoe? " tanong ni grandma sa akin

Umiling ako " Wala pa rin po. As usual, ganito pa rin kami. Walang pag babago. Pero naka-usap ko po siya kanina. "

Nanlaki ang mga mata niya at 'tsaka siya ngumiti

" Oh? Kamusta naman ang pag-uusap ninyo? "

" What kuya? Nakapag-usap na kayo ni zoe? Anong sabi? Anong say? " singit ni sweety nang bumaba siya galing sa kwarto niya at tumabi siya dito kay grandma sa sofa habang nag hihintay ng sasabihi ko

I sighed " Wala. Pinag sasampal niya ako. Then i explain her the truth. "

Halos malaglag ang panga nila nang marinig ang sagot ko

" Ginawa niya sayo yun kuya!? " gulat na tanong ni sweety habang naka hawak ang dalawang kamay niya sa bibig niya.

" Oo. Pero lahat yun tinanggap ko dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. " sambit ko

Hinawakan ni grandma ang mga kamay ko at 'tsaka ko naramdaman na humihikbi na siya. Ayaw ko siyang makita na umiyak lalo pa't hindi ako sanay na makitang umiiyak si Grandma.

" Alam ko ang mga pinag dadaanan mo apo.. Pero mag tiwala ka lang sa s-sarili mo na aayos din ang lahat. God will be your strength. " aniya at niyakap namin ni sweety si Grandma

" Yes grandma. I know. Alam ko naman na magiging maayos din ang lahat. " tugon ko at hinaplos ko ang likod niya.

Inalis ko na ang pag kakayakap ko.

" Yan ang gusto ko sayo eh. Matapang at malakas kang lalaki. " sambit ni grandma at ngumiti siya.

" Of course. Nangako ako kay zoe na babalik ako sa kanya at maaayos din ang lahat ng 'to " ngumiti ako ng may buong lakas.

" Ayan. Tama 'yan apo. Be strong enough para harapin ang lahat ng pag subok sa relasyon ninyo. "

" Yan ang kuya ko! Matapang sa lahat ng bagay! " wika naman ni sweety at 'tsaka niya ako hinalikan sa pisngi ko. Sweet talaga sa akin itong babae na 'to kaya sanay na ako sa mga halik niya.

<-------------------------------->

Tumunog ang cellphone ko nabasa ko ang pangalan ni jasmine na nag text. Ano na naman ba yun? Tch! Nakakasira ng araw 'tong babae na 'to!

From: Jasmine

I need you and samantha

Hindi na ako nag reply dahil ayaw kong malaman yung sasabihin niya. Ano naman kaya yun? Hindi kasi ako interesado. Mano pa kung mahalaga yung sasabihin niya eh.

So I decided to ignore her message at nag libang muna ako sa pag cecellphone ko. Tinitignan ko ang mga pictures namin noon ni zoe.

Naka peace sign pa siya habang naka ngiti at ako naman seryosong naka tingin sa labi niya dito sa picture.

Ang ganda niya at perpekto na ang mukha niya. Na-mimiss ko tuloy yung dating kami. Na-mimiss ko na tuloy siya. Pero hindi pa rin ako susuko kahit na ipagtabuyan niya ako.

" Samatha Zoe, i miss you " bulong ko sa sarili ko habang seryoso kong tinitignan ang lahat ng mga litrato naming dalawa dito sa cellphone ko

I Fell Inlove with Ms. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon