A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
PANGWAKASZake's Point Of View
" Ang bilis ng panahon 'no? Parang high school at kolehiyo pa tayo noon, tapos ngayon mag-asawa na tayo " sambit ko kay zoe habang naka lagay ang ulo niya sa balikat ko't habang naka akbay ako sa kanya.
Pinag mamasdan namin ang sikat ng araw dito sa beach. Nag beach kami para naman makapag family bonding kami. Kasama ang pamilya ni zoe and of course kasama din ang pamilya ko.
" Oo nga, e. Parang noon torpe ka pa, ngayon ang kapal kapal na ng pag mumukha mo " aniya at humagalpak siya.
" Ikaw ah? Napaka bully mong babae ka. " sambit ko at ngumuso ako." Dad and mom, come and join us! " sigaw ni owen na naka-upo lang sa buhanginan habang humahampas sa mga paa niya ang mga alon.
Tumango lang kami ni zoe at tumayo na kami. Naka bikini si zoe na itim habang ako ay naka topless at naka swimming trunks.
Sexy pa rin si zoe at parang hindi siya nag karoon ng anak dahil sa hubog ng katawan niya. May curved na ulit ang katawan niya kaya ang lakas pa din ng loob niyang mag bikini.
" Tara doon tayo sa gitna. " sambit ko at itinuro ko kay zoe yung pag hampas ng alon sa kalagitnaan ng dagat. Syempre biro lang yung pag punta namin. Titignan ko lang kung ano ang magiging reaksyon niya.
Ngumiwi si zoe " Ulul. Edi ikaw mag-isa mo. " Aniya at tumawa ako.
" Biro lang heto naman. Masyado kang seryoso. "
" Eh hindi naman kasi biro yung tingin ko dun. Tanga ka ba? "
" Sus. Masyado ka namang high blood diyan, e. "
" Daddy, ano na naman bang pinag-aawayan ninyo ni mommy? " tanong sa akin ni evan habang naka halukipkip siya. Matangkad din itong si evan. Mga kaunting inches na lang siguro maaabutan niya na ang tangkad ko.
" Wala evan. Don't mind us. Mag enjoy na lang kayo ni owen diyan. " sambit ko't tumango na siya't umalis na
" Ikaw kasi. Masyado kang eskandalosa eh. " sambit ko at pinisil ko ang ilong ni zoe
Humagalpak siya " Hindi ka na nasanay. Ayaw ko pa man din ng inaasar asar ako. " aniya at sumimangot siya.
**
" Tara na. Kumain na muna kayo. Tama na muna ang pag su-swimming diyan " sambit ni tita crissy habang nag-aayos ng mga pagkain sa cottage.
Agad kaming pumunta sa cottage at 'tsaka kami pumwesto para kumain.
" Wait niyo lang yung iba pang mga pagkain. Iniihaw pa ni Vellion yung Barbecue eh. " ani tita crissy" Okay lang po " sambit ni owen
" I'm hungry. " ani evan at ngumuso siya.
May pagka-suplado itong si evan. Kumbaga sa akin siya nag mana ng ka-supladuhan. Si owen naman, masunuring binata pero minsan suplado din. Hindi na ko mag tataka dahil parehas silang nag mana sa aming dalawa ni zoe.
" Okay. We can now eat " sambit ni tita crissy at 'tsaka na kami nag umpisang mag sandok ng kanya-kanyang pagkain.
" Ang gu-gwapo talaga ng mga apo ko! Manang mana sa daddy nila " masayang sambit ni tita crissy habang nag sasandok ng kanin.
" Of course grandma. Kanino pa ba mag mamana? " maangas na tanong ni evan.
" Oy evan, minsan 'wag kang pasaway " seryosong sambit ni sweety.
" So what tita? This is my life so i'll do whatever i want " tugon ni evan at kumain na lang siya ng tahimik
" Kuya, hindi niyo ba 'yan napapalo noong bata pa siya? Mabuti pa si owen, maayos na binata. Mabait. " bulong sakin ni sweety at tinignan ko si evan na naka tingin sa amin kaya tinignan ko siya ng masama.
Kapag tinignan ko siya ng masama, alam niya na ang ibig sabihin nun, ' Umayos ka '
" Pag pasensyahan mo na ang pamangkin mo. " tugon ko kay sweety at tumango siya.
***
* Fast forward *
Naka uwi na kami dito sa subdivision na tinutuluyan namin at naisipan naman namin na dalawin si Grandma. Namimiss ko na si Grandma. Mas masaya sana kung naririto pa siya sa mundo na 'to, eh.
Nag tungo kami sa sementeryo kung saan naka libing si Grandma.
" Daddy, i miss grandma allison " naka ngusong sabi ni owen habang naka luhod kami sa puntod ni Grandma Allison.
" I miss her too. " tugon ko" Zake, alam naman natin na masaya na si Lola Allison " sambit ni zoe habang hinahagod ang likuran ko.
" Dad, sigurado naman na masaya na si grandma sa lugar na napuntahan niya " sambit naman ni evan at ngumiti siya sa akin.
Inilapag ko ang puting bulaklak sa puntod ni Grandma
" Grandma, masaya sana kung naririto ka pa sa tabi namin eh. Hindi 'ba gusto mo pang umabot sa debut nila Evan at Owen? Pero hindi naman natin kailangan isisi sa Diyos ang pagkakaroon mo ng Heart Attack, e. Hiram lang 'to ng Diyos sa atin. Hiram lang natin ang buhay na 'to. Grandma, kung nasaan ka man ngayon, sana naririnig mo ako. Sana kasama ka pa rin namin kahit na limang taon na ang nakalilipas simula nang pumanaw ka. Mabuti nga naabutan niyo pa sina Evan at Owen na Nag binata eh. 15 years old na sila and they're turning 16. I know grandma that you're okay somewhere. We miss you and we love you " wika ko at tumayo na ako sa puntod at 'tsaka ako tumingin sa itaas.
Si zoe naman ang umupo sa puntod at tsaka siya pumikit
" Lola Allison, we miss you so much. Sana maayos ka ngayon diyan. 'Wag kayong mag-aalala ha? Mabuti po kaming magulang ni zake sa mga apo ninyo. Minsan lang talaga, gago si zake eh. Lola allison, kung nasaan ka man ngayon, tiyak naman na naririnig mo ako. Naririnig mo kami ngayon. We love you so much. " ani zoe at pinunasan niya ang puntod 'tsaka niya ito hinalikan.
Tumayo na si zoe at umupo naman sa puntod sina Evan and Owen
" Grandma " panimula ni Owen
" Grandma, kahit hindi namin kayo nakasama ng napaka tagal na panahon, hinding hindi pa rin namin kinakalimutan yung sinabi ninyo sa amin ni evan na ' Mag pakabait kayo ' kaya eto, grandma, nag papakabait ako. Pero pasaway pa rin po si Evan. He's so naughty and sometimes he's so damn annoying. He's always makin' me so frustrated. Kung nandito ka lang sana grandma, edi sana sinasampal mo na si Evan " sambit ni owen at naka ngiti siyang tumingin kay evan
" Lola, kahit na pasaway na lalaki ako, mabait pa rin naman ako. I admit, supladong lalaki ako pero sa mga taong hindi ko lang naman po kakilala. Like sa school, maraming tumatawag sa akin na kababaihan pero hindi ko lang sila pinapansin dahil nga naiinis ako. Feeling close sila. Lola, namimiss na namin kayo. Sana buhay pa rin kayo hanggang ngayon. But yes lola patay ka na, pero mananatili ka pa rin sa puso namin na buhay. I love you " sambit naman ni evan at hinalikan niya ang Puntod.
Kahit na ganyan si evan, mabait pa rin 'yan. Madalas lang talaga siya sinusumpong ng pagiging suplado niya.
Niyakap na namin ang isa't isa habang naka harap kami sa puntod ni grandma allison. Alam namin na masaya siya dahil masaya ang pamilyang Norden at Pamilyang Perez.
Sa dinami-raming problema na napag-daanan namin, hindi pa rin kami sumusuko at patuloy pa rin kami sa pag laban sa buhay namin. Hindi kami natatakot na sumubok at mas tinitibayan pa namin ang loob namin para lang sa buhay na mayroon kami. Pag subok lang ang lahat ng mga mangyayari kaya laban lang.
The End.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Teen FictionNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...