A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 14." Fiancee ko. " bati ko kay zoe nang makita ko siyang naka upo mag isa't wala pa si jasmine kaya't tinabihan ko muna siya.
Tinignan niya ako " Oh? " halos mapangiti ako nang ganun ang sabihin niya dahil hindi niya na ako sinusungitan. Sabagay, baka kagalitan siya ng parents niya kapag nalaman nilang pinag susungitan ako ni zoe. :3
" Good Morning. " wika ko habang naka ngiti
Ngumiti din siya " Good Morning din zake "
Nakaka panibago talaga promise! Ibang iba na siya! Hindi na siya gaanong masungit sa akin pero ewan ko sa iba kung masungit pa rin siya
" Kumain ka ba ng break fast mo fiancee ko? " tanong ko
Lumukot ang mukha niya " Don't call me your fiancee "
" Why? " tanong ko habang naka nguso. Ikinakahiya niya ba ako? Ako na nga ang pinapangarap ngarap ng iba eh oh!
" Hindi ako sanay ng ganyan. NBSB kasi ako. "
What? No Boyfriend Since Birth pala siya. Akala ko nag karoon na siya ng past. So hindi pa siya sanay sa relasyon? Hmm- ako na ang bahala ipaparamdam ko sa kanya yun.
" Wala yun masasanay ka rin tiwala lang "
" Uy! Mukhang nag kakamabutihan kayo diyan ah? " sambit ni larry. Ang epal pero hindi na ako dapat pang mag selos dahil anytime pwede kong ipag malaki si zoe sa lahat bilang fiancee ko.
Tinignan ko si zoe na naka kunot noo habang masamang naka tingin kay larry. Ayan na, dragon na naman siya
" Shut up. Pwede ba? Lumayas ka dito? Ang epal mong lalaki ka! Tsss " pag susungit ni zoe kaya't umalis naman agad si larry. Epal naman kasi talaga siya at mabuti na lang hindi ako pinapa-alis dito ni zoe sa tabi niya and that's why I'm so thankful :>
" Zake, nadala mo ba ang research papers? " tanong ni zoe
" Of course. Hindi ko naman yun makakalimutan eh. "
" Good to know "
" Good morning guuuuyysss! " patiling sabi ni jasmine nang makarating na siya dito sa loob ng room.
" Oh jasmine bakit ngayon ka lang? " tanong ni zoe
" Na-late kasi ako ng gising eh. Mabuti na lang wala pang prof. "
" Nako jaja. " singit ko
" Nako eyk eyk! " ani jaja.
" Para kayong mga tanga " sambit naman ni zoe sabay irap.
" Hmm- kaunti lang naman my fiancee " pang aasar ni jasmine habang ngiting ngiting naka tingin kay zoe.
" Shut up jasmine. Dito ka na nga sa tabi ko. Upuan mo 'tong inu-upuan ni zake eh. Ikaw naman zake kung gusto mo, humatak ka na lang ng isang upuan para dito ka sa harapan namin ni jasmine hindi yung nakiki-upo ka pa sa upuan ng best friend ko " mataray na sabi ni zoe. Tumayo na ako sa upuan ni jasmine at humatak nga ako ng isang upuan para nasa harapan ako nila jasmine. Ang swerte ko na ngayon dahil hindi niya na ako sinusungitan pero masungit siya sa iba.
" Uy anong oras na oh wala pa professor natin " wika ni jasmine habang tinitignan ang relo niya
" Anong oras na ba? " tanong ko
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Teen FictionNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...