A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 23.Nang i-mulat ko ang mga mata ko, nag taka ako, bakit narito ako? Kaninong kwarto 'to? Sa pag kakaalam ko, puti ang dingding ng kwarto ko pero bakit dito, pink ang kulay? At naiba ang kama? Bumangon ako at nakita ko si Jasmine na kasama ko. Natutulog siya ng walang saplot agad agad ko rin tinignan ang sarili ko. Naka hubad na ako pero mayroon akong suot pang-ibaba! What the hell ! What the fuck!! Agad akong bumangon at sinuot ko na agad ang damit kong naka-kalat sa sahig.
Wala akong maalala kagabi! Wala akong maalala sa mga nangyari kagabi kaya sobrang nag tataka ako!
" Z-zake?! " gulat na tanong ni jasmine sa akin nang makita ako. Takip takip niya ang katawan niya habang gulo-gulo ang buhok niyang naka tingin sa akin.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakagawa ako ng kasalanan kay zoe na hindi naman dapat gawin. Paano 'to? Paano ko 'to maitatago sa kanya kung alam naman namin na lalabas din 'tong nangyari?
" Jasmine. Bakit ganito? Bakit mag kasama tayo? Bakit wala akong su- "
" Ewan ko zake! Hindi ko alam! Wag mo naman akong pag hinalaan oh! Maski ako naguguluhan! Zake! Hindi ko alam! " depensa niya at nakita ko ang mga luhang umaapaw na.
Nilapitan ko siya at hinawakan ko ng mahigpit ang mga balikat niya
" Sabihin mo sakin, walang nangyari sa'tin, 'di ba? Jasmine? Wala 'di ba? " Gigil na tanong ko. Natatakot ako na malaman 'to ni zoe. Natatakot ako na baka malaman niya ang tungkol dito. Tiyak kapag nalaman niya 'to, ito na ang pag mumulan ng pag hihiwalay namin kaya sana wag niya 'to malaman. Naka gawa ako ng mali ng hindi naman sinasadya
Kaya pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi-- Tama! Si zoe ang nakita ko kagabi at hindi siya si Jasmine!
" Teka- jasmine. Si zoe ang kasama ko kagabi dito sa kwarto mo! At hindi ikaw! "
Umiling-iling siya " Z-zake, s-sorry! "
Halos madurog ang puso ko nang sabihin niya yun sa akin. Ano bang ibig sabihin niya? May alam ba siya? Sinadya niya ba yung nangyari kagabi?
" Sorry? J-jasmine? Paano kapag nalaman 'to ni zo- "
Halos mapatalon kami ni jasmine nang biglang kumalabog ang pintuan ng kwarto niya at agad itong bumukas.
Halos mapabitiw ako sa mag kabilang balikat ni jasmine nang makita ko si zoe na may mga luhang naka harang sa mga mata niya. My heart broke into pieces nang makita ko siyang umiiyak. Humahagulgol siya. Pabaling baling ang tingin niya sa aming dalawa ni jasmine
" Z-zoe, let me explain " sambit ko. Naka kuyom na ang mga kamay niya at mag kasalubong na ang kilay niya.
" Samantha, h-hindi, mali ka ng iniisip m-mo- "
" Jasmine! Tama ba 'tong nakikita ko? Ito na mismo! Harap-harapan na oh! Naka-hubad ka jasmine! At hindi lang yun, mag kasama kayo NG FIANCEE KO sa iisang kwarto mo! Pinagka-tiwalaan kita! Tinuring kita bilang kapatid ko! Tapos ngayon madadatnan ko, kasa-kasama mo siya? Sabihin mo nga yung totoo? Kinakalantaryo mo ba itong si zake? " galit na sabi ni zoe. Lumapit siya sa amin at agad niyang hinablot ang buhok ni jasmine. Kitang kita ko ang mga galit sa mga mata niya
" Answer me! " gigil na sabi ni zoe.
Hinawakan ko sa braso si zoe para mapakalma pero hindi um-epekto. Patuloy pa rin siya sa pag sa-bunot ng buhok ni jasmine.
" S-samantha please! Let us e-explain! " umiiyak na sambit ni jasmine habang hawak hawak niya ang mga kamay ni zoe na naka hawak sa buhok niya
" Zoe, " bulong ko at humarap siya sa akin at binitawan niya ang buhok ni jasmine
" Ikaw naman, zake. Tandaan mo 'to, noong unang nakita kong in-akbayan mo si jasmine pinag bigyan kita. Sa totoo lang, sinusubukan lang kita noong isang araw kung mag sasabi ka sa akin ng totoo. Pero hindi eh! Nag sinungaling ka. Matanong ko lang, yung totoo? May relasyon ba kayong dalawa? If meron handa naman akong mag pa-ubaya. Hindi yung kailangan ko pang isiksik yung sarili ko. Hindi kagaya ko jasmine! Alam mo naman na may fiancee na, nakiki-singit ka pa! Malandi na, mang-aagaw pa. "
" Zoe. Mali yang iniisip mo " sambit ko. Tumayo ako sa kama at hinawakan ko ang mag kabilang braso ni zoe at tinignan ko siya ng seryoso
" Zake, let's end this. Ayaw ko na lalo pa't nalaman kong may nangyari sa inyo ni jasmine "
" No. Zoe wala! Don't think like tha- "
" Don't think like this? Bakit? Naka hubad na si jasmine oh! Gusto mo pa bang makita? Gusto mo pa ba makita ang tinatago niya? Gusto mo? Ha? Zake ano? Ano pa bang ipapaliwanag ninyo? Ito na oh! Kitang kita ko na! Niloloko niyo ako! Kailan pa? Paano? Kailan nag umpisa? Zake naman...! " halos mapunit ang puso ko nang humagulgol na naman ng iyak si zoe. I'm trying to hug her pero pumipiglas siya at bigla niyang akong pinag susuntok sa dibdib ko
" Zake! Tang ina mo! Hayop ka! Pinag katiwalaan ko kayong dalawa! " sigaw ni zoe habang umiiyak. Pilit ko siyang niyayakap pero ayaw niya. Tinutulak niya ako
" Ayaw ko na. Tama na zake. Tapos na tayo! " after she said that umalis na siya bigla. Inayos ko na ang sarili ko at tinignan ko ng masama si jasmine
" Kapag hindi niya ako napatawad, you will regret this, jasmine. " madiin kong sambit kay jasmine at umalis na ako habang bitbit ko ang bag ko. Nag madali akong tumakbo para maabutan si zoe. Kailangan ko siyang harapin. Kailangan kong maayos 'to.
Nag kamali ako. Nag kamali kami ni jasmine sa kanya. Nang dahil sa ininom namin kagabi nasira kaming dalawa ni zoe. Marami nga talagang nasisira ang alak. Hindi lang katawan ang nasisira ng alak kundi pati ang relasyon.
Nang maka-labas ako, hindi ko na nadatnan si zoe. Siguro naka-uwi na siya sa kanila. Natatakot ako na baka pati ang mommy at daddy niya, saktan ako gamit ang mga masasakit na salita. Pero bilang isang lalaki, kung mahal ko talaga ang minamahal ko, gagawin ko ang lahat. Lahat haharapin ko at hindi ako dapat matakot sa mga maaaring mangyari lalo pa't may napaka-laking kasalanan akong nagawa kay zoe.
Pero what if nabuntis ko si jasmine? How can i fix this? Paano 'to? May pag-asa pa kayang maayos 'to? Matalino ako pero nagiging bobo ako sa pag-ibig.
Ganito pala talaga ang nagagawa ng pag mamahal mo sa isang tao. Kahit na gaano ka pa katalino, magiging tanga't bobo ka sa pag-ibig.
****
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Novela JuvenilNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...