A/N: Sorry for the wrong grammars and typographical errors, Readers!
-
Chapter 12.Zake's Point Of View
Si Samantha Zoe Perez, fiancé ko na instantly! Salamat talaga sa kompanya namin at sa kompanya nila. Nang dahil sa kanila fiancé ko na si zoe. Ang kulang na lang, mapakasalan ko siya at mapa-ibig ko siya. So ngayong kilala na ako ng daddy niya, pwede na akong mag punta punta sa bahay nila. Fiancé niya ako at may karapatan ako.
Hindi ko na itutuloy yung pag papa-divorce dahil ang akala ko talaga ibang babae na ang mapapakasalan ko. Binabawi ko na ang sinabi ko noon na mag papa-divorce ako after one week ng kasal. Si zoe pala ang mapapangasawa ko eh.
" Son, mamaya dito mag di-dinner sina Mr. Perez kasama niya ang asawa niyang si Anabeth and of course your fiancé, Samantha Zoe. " sambit ni mommy sa akin habang naka ngiti
" Sure mom no problem. I thought hindi si zoe ang fiancé ko. "
" Siya pala yung zoe na sinasabi mo noon. The time na nag punta ka sa kanila. Hindi pa kasi namin naipapakilala ni Mr. Perez ang anak namin sa isa't isa eh. Kaya hindi ko kilala ang anak niya at hindi niya kilala ang anak ko. Alam mo naman na sobrang busy kami sa pag papaayos ng kompanya natin. "
" Okay mom. I understand pero ngayong kilala niyo na siya at kilala na ako ng daddy niya, pwede na akong mag punta punta sa kanila kahit kailan ko gusto, hindi 'ba? "
" Sure no problem. Taga saan ba si Sam? "
" Kapit bahay lang po natin. Mga limang malalaking hakbang lang nasa tapat na tayo ng bahay nila "
Napanganga siya " Really? Mag kalapit lang pala tayo ng bahay. "
" Opo mom. "
" Paano mo ba siya nakilala? "
" actually mom, three years ko na siyang gusto. Kaso talaga nato-torpe lang ako nun dahil nga masungit siya. "
" What? Masungit pala siya ng lagay na yun? "
" Opo mom. Hindi niya naman po ipapakita sa inyo na masungit siya eh. "
" Hayaan mo na. Tanggapin mo na lang si sam. " sambit niya at tinapik niya ang balikat ko
" Yes.Tinanggap ko na siya noon pa kaya lang ngayon lang talaga ako nagka-lakas ng loob para ligawan siya "
" Fiancé mo na siya so you don't need to court her. "
" Hindi niya pa ako mahal at alam ko yun kaya gagawin ko ang lahat para mahalin niya rin ako "
" Mag tiwala ka, mamahalin ka din ni sam "
" Opo naman. "
------
" Kuya! " sambit ni sweety.
" Bakit? "
" Papunta na daw sina Zoe. " aniya at nag bihis na ako ng pormal sa kwarto ko then i checked the time and it's already 7:40 PM. Bumaba na ako sa kwarto ko at nadatnan kong nag aayos na ng hapag kainan ang maids at pati na rin si mommy at sweety.
" Papunta na sina zoe, son. Nag punta kasi sila saglit sa Department store " sambit ni mommy sa akin. Tumango ako at tinignan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Everything is perfect. Hawi sa kanan at pati na rin sa kaliwa then i bite my lower lip
" Ma'am, nasa labas na po sina Mr. Perez " sambit ng maid at 'tsaka siya nag bow. Sinalubong namin ni mommy sina Mr. Perez sa gate at pinapasok na namin sila sa loob. Nang mag tama ang mga mata namin ng mommy ni zoe, nag bless ako sa kanya't ngumiti siya sa akin at Nag mano na rin ako sa daddy niya.
" Sabay sabay na tayong kumain Mr. Perez " sambit ni mommy. Katabi ko si Zoe sumunod sa kanya is yung daddy niya. So nasa pagitan namin ni tito vellion si zoe at kaharap naman namin sina Mommy, Sweety at ang mommy naman ni zoe.
" Ang gwapo naman pala talaga ng anak mo amyleth! " masayang sabi ng mommy ni zoe kaya't napangiti ako ng malawak.
" Syempre naman Crissy. Maganda ang mommy eh. " wika naman ni mommy habang tatawa-tawa.
" Kuya! Ang ganda ni zoe huh? " sambit ni sweety habang kumakain.
" Kayong dalawa, mag tigil nga kayo diyan walang maganda sa inyo kung hindi si Samantha lang " singit naman ni tito vellion at tinignan niya si zoe kaya't napa tingin din ako kay zoe na namumula na ang mga pisngi. Ang ganda ng soon to be fiancee ko. :>
" So kailan ba ang kasal? " tanong ni mommy. Gusto ko yang tanong ni mommy kaya't napa ngiti ako ng malawak
" Bukas na yan! Bukas na yan! " pang aasar ni zoe. Parang bata amp!
Napa tingin silang apat sa aming dalawa ni zoe at nag kibit lang ako ng balikat at itinuro ko si zoe na naka yuko lang habang kumakain.
" Samantha anak? Kailan mo ba gusto? " tanong ni tita crissy.
" After the Graduation na lang po mom. " sagot ni zoe. Hmm- pwede na rin dahil ilang buwan na lang naman ga-graduate na kaming dalawa ni Zoe eh. Mag hihintay ako para sa kanya
" Good kung gano'n. Zake, kung ikaw ang tatanungin, kailan mo ba gustong ikasal? " tanong ni tita crissy
" Bukas. " mabilis kong tugon. Halos mabilaukan si zoe kaya't binigyan ko siya agad ng Tubig at ininom niya naman ito agad. Tinignan ko sina mommy, tita cris at tito vellion na naka ngiting naka tingin sa isa't isa.
" Sabi sa inyo mommy eh. Excited si kuya para sa kasal nila ni zoe " tatawa tawang sabi ni sweety. Pa-epal masyado eh kitang nag bibiro lang ako! Psssh!
" Sweety, manahimik ka diyan. " pag suway ko at pinandilatan ko siya.
" Really son? Gusto mo agad bukas? " natatawang tanong ni mom.
" Biro lang po 'yon. Syempre after we graduate na lang para nasa tamang oras at panahon " sambit ko sabay kain.
" ingatan mo anak namin ah? " wika ni tito vellion
" Opo sir. I promise. "
" Samantha, ang tahimik mo diyan. Ayos ka lang ba? " nag aalalang tanong ni tito vellion
Humarap si zoe sa kanya at ngumiti " Yes dad. I'm okay. Hindi lang talaga ako maka-paniwala na fiancee ko na si zake lalo pa't hindi naman po kami gaanong close sa isa't isa " sambit ni zoe habang naka ngisi
Tinitigan ko siya " Balang araw mamahalin mo rin ako. "
Hindi na sumagot si zoe at ipinag patuloy niya na lang ang pag kain niya.
" Tito vellion. " wika ko
" Yes? "
" Pwede ko po bang ligawan si zoe sa inyo? "
" Of course! Pero fiancee mo na siya eh, hindi 'ba? " Naka ngiting sabi ni tito vellion
" Fiancee ko na nga po si zoe pero hindi niya pa po ako mahal. So gagawin ko ang makakaya ko para mahalin niya rin ako "
" That's good. "
" Pabebe lang yan si zoe. Maniwala ka " wika ni tita crissy na ikinagulat ni zoe.
" mom! " suway ni zoe at umirap siya
Humagalpak silang tatlo habang naka tingin sa aming dalawa ni zoe. Ang saya sana kung pati ako mahal ni zoe eh. But no, she can't love me right now pero alam kong magiging akin din ang puso niya.
She's my fiancé but her heart is not yet officially mine.
***
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove with Ms. Sungit
Teen FictionNORDEN SERIES #1 : I fell inlove with Ms. Sungit.. Zake Norden, isang lalaking torpe noon na nag karoon na ng lakas ng loob para ligawan si Samantha Zoe Perez. Tatlong taon na niya itong minamahal ngunit ngayon lang siya gumawa ng way para mapa-ibig...