Minsan hindi mo inaasahang darating sa buhay mo ang turning point kung saan unti-unting nagbabago ang mga pinaniniwalaan mo sa buhay. May mga emosyong puno ng intensidad na noon mo lamang naramdaman, na ma rerealize mong kahit anong bagyo may katapusan rin lahat ng ito. Darating ang araw na sisilay sa madilim na kalangitan gaano man ito kadilim. Gaano man kasungit ang panahon, kalupit ang ihip ng hangin, bumaha man sa kalupaan ay huhupa parin.
I feel like, everything in my life is being put up in proper place. As the day passed by with my father, nakaramdam ako ng kapayapaan. Isinsasama nya ako sa kanyang kompanya.
I am good at gaming. I can say that's my passion. Dad even encourage me. Natutunan ko kung paano sila gumawa ng whole gameplay. Mula sa storyline, artistic characters, programming hanggang mabuo ang isang laro na syang binebeta test ko ngayon. Isa itong RPG o Role Playing Game na maihahanay sa mga "God/Goddess 5v5 game"."Athena." Natigil ang aking pagsasalita ng tawagin ako ni Dad. Kasalukuyang ibinibigay ko ang review ko para sa beta testing kung saan ang mga bug at ano pa ang dapat i improve. Bilang tinagurian ko ang sarili ko na 'pro gamer' at hindi na bago sa 'kin na humarap sa mga tao, kasama ako sa meeting room ng bawat departments na namamahala sa project na ito, katabi si Dad.
"Baka di ka nila maintindihan, mas marami pa ang ingles sa ipinaliliwanag mo." Nakangising sabi nito. Napatingin naman ako sa ibang naroon at nakanganga ang karamihan. Si Jin na may salamin nga ay halos mahulog ito, napansin nya naman ang pagtitig ko kaya inayos nya ang kanyang pustura at salamin.
Napatikhim ako. Hindi ko napansin na tuloy-tuloy pala ang pagsasalita ko. Kahit ako hindi ko na kilala ang sarili ko. Parang dumaldal ako lalo na kapag dumadaloy ang mga idea mula sa aking isipan. Dati naman nasasarili ko lang ito, ano kaya ang nabago ngayon?
"ATHENA-CHAN !" napalingon ako sa tumawag sa akin. Panibagong araw nanaman ng pasokan. Panibagong school year na pala, hindi ko mapansin ang araw dahil nag eenjoy ako araw araw sa company ni Dad noong break. Nakalimutan ko na nga minsan na tumawag kila Aph o kaya'y sagutin ang kaniyang tawag.
"Omg, I missed you." Siyera hugged me then kissed my cheeks.
Nasanay nalang ako sa pagiging clingy nya, and somehow I find it cute. I can even smile to her even a little."Hangout tayo mamaya ha?" Nakaangkla sya sa aking braso ngayon. I just shrugged my shoulder. Medyo naninibago ako sa hangout na sinasabi nya. Ilang beses lang kami nakapag hangout at sa mall pa na paikot ikot lang. Kung sa pilipinas ang hangout para sakin ay sa mga gang fights at sugalan, inuman o kaya naman ay manood ng drag racing, dito sa Japan bihira ko nalang magawa iyon dahil lagi akong tambay sa kompanya ni Dad.
"Basta wala kambal mo, nababanas ako sa gag* na iyon." Paismid na sabi ko. Nalaman ko din last sem na kambal nya ang resident badboy. Mainit ang dugo namin sa isat-isa. Hindi iyon mapagkakaila.
The whole day went fine. As usual, inaantok ako sa klase ito ang mahirap kapag madali mong mapick up ang mga tinuturo at mas maalam ka pa sa nag tuturo. My memory is like almost photograpic. Yung tipong isang pasada ng basa ay alam mo na. Almost, dahil mahina ako sa pagkilala ng mga tao. Kinakailanhan 3-5x kong makita at maipakilala bago ko matandaan ang muka o pangalan. Fair nga si God, ginawa nya lang akong almost perfect, hindi narin lugi.
MUKHANG hindi dininig ang panalangin ko. Nakasandal si Syrus sa pader pagkalabas namin ng classroom ni Siyera. His bored expression tells it all. Hindi ko alam kung bakit naiirita din ako sa presensya nya. Maybe by the fact na lantaran ang pagkadisgusto nito sa akin.
"Hey Si, where are we goi'n?" I asked as she drag me toward their car.
"Our house, silly. I already told you, you said 'yeah'." She even tried to mimic my cold demaneur.
I heard his brother "tsked" nasa likod lang pala namin. Cool na cool ang aso na nakalagay ang mga kamay sa bulsa.Oh well, this is the first time I'm going to their house. Might as well pay some attention. Note the sarcasm on that.
BINABASA MO ANG
Goddess of Madness (Completed)
General FictionAthena Aurora, illegitemate child, badgirl, bad influence, bad mouthed bitch and knows every little bad things and beware of her madness. AURORA SERIES 2