Curiousity

299 14 0
                                    

"My Queen. You should take care of yourself too." I heard murmuring. Hindi ko muna binuksan ang mata ko at nakining.

"Ryu, kakagising nya lang sa pagkaka coma tapos bigla nanaman syang nag collapse. Baka hindi pa sya okay?" Narinig ko ang pag aalala ni Aphrodite. She's the doctor here and yet natataranta sya. Bago umalis sa hospital, sinabi naman nila na pwede itong mangyari. Lalo na kapag bumabalik ang alaala ko.

"Magiging maayos lang ang lahat."

"Paano kung nakakaalala na sya? Ngayon ko lang sya nakita na ganito. Ngumingiti, tumatawa. Masyado pa kaming bata nang huli ko syang makita na ganito. Noong mga panahon na nakila Lolo Zeus pa kami sa Athens. I just want my cousin to be... Happy..."
Gusto kong maiyak sa narinig ko kay Aphrodite. She's crying. Maybe I am really empty. That is why I feel it even though I could smile and laugh.

Nakatulog ako uli pag katapos noon at nagising ng wala ng tao sa kwarto ko. Oh, nasa hospital pala ako.
Tinantya ko ang sarili at kaya ko na palang maglakad. Naka IV nanaman ako. Tumayo ako at pinindot ang button para may pumuntang nurse. Gabi na pala.

"Kore o sakujo shite moraemasu ka?" (Can you please remove this?) Tukoy ko sa IV na nakakabit pa. Yumuko lang sya at tumalima. Nagtanong kung kamusta na ang pakiramdam ko. Sinagot ko naman ito. Maya maya ay dumating ang doctor ko at sinabing makakalabas na ako bukas.

Dahil gutom ako at walang kasama pumunta ako sa canteen ng hospital. This is the hospital where Aphrodite worked before so wala naman sigurong problema. Kahit wala akong pera na dala.

I walked down the halls. Mabuti nalang at may tsinelas roon na iniwan ang doctor. They already called Hiroshi so, baka nandito na yon maya maya. Hindi ko alam kung saan ang canteen kaya naghanap ako ng matatanungan. I saw someone na may puting buhok na nakayukyok.

"Kon'nichiwa, onegai dekimasu ka? Shokudō wa dokodesu ka?" (Hi, can I ask? Where is the canteen?)
Nag angat ito ng tingin. I thought he was a girl. Ang haba at ang ganda kasi ng buhok nya. Well I just realized that he's wearing button down shirt and slacks at leather shoes.

"Hi, I'm sorry? Do you know where is the canteen?" He was just there staring at me. Medyo naiilang na ako sa tingin nya at kumakabog ang dibdib sa kaba. Gwapo sya alright. Not even one bit of his face ang mapapagkamalang babae. Hindi man sya yung tipo na mapanga, maayos ang kanyang kilay na medyo may kakapalan at matangos ang ilong. His lips were pursed tight.

"Athena! Why are you here?" Napalingon ako sa likod at nakita ko si Kento

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Athena! Why are you here?" Napalingon ako sa likod at nakita ko si Kento. May dala itong supot. I turned around and smile at him.

"I was hungry, pagkain ba yan?" Kinuha ko ang dala nyang supot at tiningnan ko. Bento lunchbox. Marami pang tupperware.

"Sorry, nagising kang walang kasama. Umuwi lang ako para mag luto." Napahawak sya sa batok. Medyo naawa naman ako. He always takes care of me. I can see the dark circles under his eyes. I touched his cheecks at napasimangot.

"You should sleep. Ilang araw ba akong walang malay?" Naka kunot noong tanong ko. He looks tired. Naalala ko nga palang nasa hallway kami at baka nakaabala sa lalaki  kanina.

Noong lumingon ako ay kausap na nito ang doctor ngunit nakatingin parin sya sa akin. Nginitian ko nalang sya at bahagyang tumango para magpasalamat bago hinila si Kento para makakain na ako.

"2 days kang walang malay. Teka sino yung kausap mo?" Nag kukwentuhan kami habang papunta sa kwarto ko na nasa bandang dulo ng hallway.

"I don't know. I was just hungry and asking for canteen." I just shrugged.

"You should have wait for me. Nga pala. Isang linggo ka nalang dito. You have to go home." Just me?

"You are not going back with me?" Napataas ako ng kilay. Napailing naman ito. Natahimik kami. I guess he have a lot of things to do here. Lagi nalang syang nakabuntot sa akin. He has obligations too.

"COME ON! Ken." Excited akong maglibot dito sa Japan. Gusto kong sulitin ang bakasyon ko dito. Mama gave me permission to come here pero dahil sa nangyari ay kailangan ko umuwi ng Pinas. Napagalitan din ako ni Mommy Hera. She was dead worried. Gusto na nga ako agad pauwiin pero I wanted to stay and relax for a week. Hindi ko pa alam kung anong gagawin ko kapag uwi. Nandito ang company ko. Supposed to be ay dapat nandito din ako pero...

"Princess!" Malawak na nakangiti sa akin si Kuya Mitos. Nakabukas ang mga bisig. Natatawang niyakap ko naman ito.

"Brother. So clingy." Natawa na talaga ako.

"Kanina ka pa hinihintay ni Otousan."  Tumango ako at humarap kay Kento na nasa likod ko.

"Dadaanan nalang kita mamaya Athens, may pupuntahan lang ako. Just text me." Paalam ni Kento. Napag usapan na naman namin iyon.

After some catch up nagpunta muna kaming mall para bumili ng makakain sa byahe. We're going on a road trip.

"May bibilihin ka pa ba ?" Tanong ni Ken habang bitbit ang mga plastic.

"Hmm I'll think about it." Nilibot ko ang paningin sa event center. Mukang may event ngayon.  They are some archers.

"Can we watch them?" I asked him. He just shrugged at nauna na pumunta roon.

Pinanood ko kung paano nila hatakin ang tali at sumapul sa target ang arrow. I watched closely.

"Do you want to try Archery?" Napalingon ako sa kanya. He's smiling. I smiled back.

"Yeah. Can I?" I'm excited. Mabuti narin siguro na wala si Thaddeus. I really don't wanna be arround him.

"Ofcourse. Wait here I'll sign you up and have an instructor." I just waited there habang may kinakausap sya sa may desk.

Inilibot ko ang paningin ko. May nakita akong pamilyar na muka.

"He's here?" I said to myself. My heart is being erratic right now. He's looking straight to me habang may babaeng kumakausap sa kanya. Nakahalukipkip ito. Nakapusod ang mahaba nyang puting buhok. Katulad kahapon ay nakaputing button down shirt ito ang kaibahan lang ay naka jeans at naka rubber shoes na puti ito ngayon.

I looked down to what I wear. I'm just wearing black shirt and ripped jeans with vans. I looked. Normal I guess. I just stick out with the tattoos on my arms that are really noticeable. My short hair we're just as it is.

"Hey, this is Kaila. She will be your instructor. I'm just going to put this on the car. Be right back. K?" Tumango ako kay Kento at ngumiti ng bahagya kay Kaila. She look like a foreigner.

"Hi, this will be your bow and arrows for the mean time." Yep, as suspected she have American Accent. Pag lingon ko kung saan naroon ang lalaki ay wala na sya roon. My curiosity for is growing. He's really good looking but there's something with the way he looks at me. I can't point it out, well maybe hindi ko na nga ata yun makikita.

Itinuon ko nalang ang pansin sa tinuturo ni Kaila. This will be a long exciting week.

Goddess of Madness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon