Ginusto

308 14 0
                                    

"Ah, ipapadala daw ako sa Isla. ASA HQ." Napakamot ako ng noo ng marinig ang matinis na komento ni Aphrodite sa kabilang linya. Hindi pa nag iinit ang pwet ko sa Pinas ay tumawag na sya. Napa clingy talaga ng mga pinsan ko.

"Magtetraining ka uli? Nakakainis si Kuya hindi man lang sinabi sakin. Eh tatawagan mo ako ng madalas. Kapag hindi ay ako ang pupunta riyan. Alam mo naman na gustong gusto kong naririnig ang boses mo." Naimagine ko ang muka nyang naka nguso. Napangiti ako ng bahagya. Pinaglilihian talaga ako nito.

"Aph, okay lang. Wala naman kasi ako talagang natatandaan na kahit anong tungkol sa naging training noon. Kailangan ko din matutunan ipagtanggol ang sarili ko." Narinig ko ang pag buntong hininga nya at ang pag singhot sa kabilang linya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at bumaba sa hagdan. Nanunuyo ang lalamunan ko. Gustong gusto nya akong magsalita kahit hindi ko na alam ang sasabihin. Hindi naman kasi ako madaldal. Mas gusto kong nag oobserba ng tao.

"Wag ka nang umiyak." Pinalambing ko ang boses ko para hindi na siya umiyak.

"I miss you Ateng. Pwede bang mag video call ngayon na?" Ini loud speaker ko ang cellphone at ibinaba bago sagutin ang tanong niya.

"Okay. Ako nalang ang tatawag. Iinom lang ako ng tubig." Sinabi ko bago lumayo sa cellphone at binuksan ang ref para kumuha ng tubig.

"Yah. I love you Ateng!" Natawa pa ako ng marinig ko ang tunog ng halik bago patayin ang tawag.

"Pinaglilihian ka." Napalingon naman ako sa pinto ng marinig ko ang boses ni Thanatos. This cousin of mine is the real deal. Minsan lang mag salita. Mas malamig pa kay Thaddeus ang aura. Parang batong naglalakad.

"Ayaw na nga akong pauwiin." Natatawa kong sagot bago inubos ang tubig at ibinalik ang babasaging pitsel sa ref. Humarap ako dito. Naka halukip-kip pa sya habang nakasandal sa hamba ng pintuan.

"How are you." He asked while watching my every move. I recall some part of my memories that I retrieved. This cousin of mine is just like me. Observant. I don't want them to know that I recall some of my memories. That is why I keep on acting the same way I have been the moment I lost my memories.

"All good. Tell me, anong gagawin sa Isla? What kind of training am I gonna go through?" I asked as I sat on the kitchen counter.

"There are three stages you need to go through. You need to pass those test for you to be trained as a guardian or elite guard. You will know it tomorrow but I suggest to ready yourself. I know you can do it." Binigyan nya ako ng maliit na ngiti. He doesn't change. Konti man ang naalala ko mula sa pagkakakilala ko sa kanya ay sya pa rin ang pinsan ko na pinaka maalalahanin pero hindi showy.

"No special treatment?" Tumaas ang kilay nito sa tanong ko. At bahagyang ngumiti at natigilan. Parang may naalala.

"You said those words before too. When we are about to undergo the test and prove to anyone else that we can be at the top as Titan Guards." Nakatingin pa ito sa itaas na parang nag rereplay sa utak ang mga napag daanan namin noon.

"Tan. Can you tell me something." I asked him in a serious tone. Napalingon din ito sa akin at tumayo ng tuwid. Lumapit ito at umupo sa harap ko bago pumangalumbaba sa lamesa.

"Go on." He simply said. I sighed. I hope I can get something to him. Alam ko na sya ang nag papatakbo ngayon ng ahensya. Malamang ay may alam sya.

"I can feel that you know who did that to me. Sino ang nagdulot ng aksidente?" I asked seriously. Nakatitig ito sa mga mata ko. Parang may hinahanap at hinihintay na ekspresyon dahil matagal bago sya nakasagot.

"Mafia... Donya Armani... Dead." Monosyllabic na sagot nya. Naintindihan ko kahit ganoon. So nakabangga ko ay Mafia?

"You killed her?" I asked.

"Wala na ang organisasyon nila. Your father helped us." Sobrang seryoso nito.

"Ganoon ba karami ang kaaway ko?" Kunot noo kong tanong at medyo kinabahan na na eexcite. Napabuntong hininga ito.

"I don't really want to tell you this but I want you to be aware. Gusto kong kaya mong ipagtanggol ang sarili mo. Since the day that Aphrodite was abducted. I sworn to protect our family but that happened in the midst of chaos."
Nabigla naman ako. No one told about her being abducted.

"Nakidnap si Aph?" Tumango ito at ikunwento ang nangyari noon. Kung paano nawakasan ang ilang dekada na labanan sa pagitan ng Aurora at De Crescenzo. Ikinuwento din nya na ang grupo ng mga Armani ang siya ding dahila kung bakit nawala ang kapatid ko. Tumalon ito sa dagat ng mahulog doon si Xenna Andrea. Naikuyom ko ang kamao at nagbalik ang ilang mga alaala ko noon kay kuya Mitos. Pinilit kong pakalmahin ang sarili kahit na gusto kong humagulgol. Wala na ang organisasyon pero hindi pa nahahanap ang kuya ko. Walang bangkay na nakita kaya patuloy kaming nag hahanap sa kanya.

"Athena. Staying at the Island is the only way for you to be safe right now. You need to be careful." Binigyan ko ito ng nagtatanong na tingin. Akala ko ba ay wala na ang organisasyon na iyon, so hindi lang iyon ang mga taong gusto akong mawala sa mundo?

"Mananalo na ba ako ng award sa dami kong naka away?" Napangiwi ako sa biro ko. Hindi nagbago ang ekspresyon niya sa harap ko.

"We are up against with a secret organisation. Up until now, nahihirapan kaming humanap ng impormasyon sa kanila. We need to be careful." Napaawang ang aking bibig. Did I cause this much trouble? Are we in danger?

"Are we in danger?" I asked breathless.
Ngumisi naman ito.

"I won't let that happend. That is why, you need to train harder. I need you to be strong enough to protect yourself." Tumango ako dito. Ngumiti naman sya na umabot sa kanyang mata. Naningkit ang kanyang abuhing mata. Tumayo sya at humalik sa noo ko.

"Good night. Sleep early..." Wala sa sariling tumango ako. Andami kong iniisip.

"Athena..." Napaangat ako ng tingin sa kanya. Malapit na sya sa pinto. Nakatalikod ito sa akin ng tawagin ako.

"The accident, it wasn't car accident. You rode a bike and jump over the cliff. I hope, you won't do that again. Please think of us. We love you. We were heart broken with what happened. Kapag naalala mo na ang lahat. Sana lumaban ka kasama namin. Because were fighting for you." Napalunok ako. Hindi sya lumingon. Nagbabadya ang mga kuha na namuo sa gilid ng aking mata hangang sa iniwan nya ako doon at tuluyang tumulo ang luha. Did I do that? Ginusto ko bang mawala?

Goddess of Madness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon