SC: Thaddeus Argus

672 20 2
                                    

"Magnanakaw yang batang iyan!"
Hindi na bago sa akin na sabihan ng kung ano-ano. Lumaki na ako sa kalye. Wala akong ama na kinagisnan. Ang aking ina naman ay nag tatrabaho sa bar.

Mulat ako sa kalakaran ng mundo. Sa edad na sampu ay natuto na akong magnakaw. Kung minsan ay nabubugbog pa ako. Namamalimos madalas sa labas ng simbahan.

Nagbago ang lahat ng makilala ko siya noong trese anyos ako. Nag sisigaw ang ale at inakusahan akong nagnakaw na hindi ko ginawa. Tahimik akong nanlilimos sa pwesto ng biglang higitin ako nito at mag hysterical sa harap ng mga tao.

"Ibalik mo sa akin ang wallet ko bata ka!" Pinag hahampas ako nito. Matangkad ako sa karaniwang pinoy at halata sa aking mata na banyaga ang magulang ko. Asul ang mga iyon.
Natigilan ito ng mag angat ako ng tingin.

"Wala ho akong ibabalik dahil wala akong kinuha." Mahinang sabi ko. Bumalik ang balasik sa kanyang muka at binitbit ako nito.

"Sinungaling ka. Kung hindi mo ibabalik sa akin iyon ay sumama ka sa akin!" Hinila ako ng matabang ale. Matangkad man ako ay malaking babae ito. Nahinto siya sa pag hila ng may batang babae na naka pamaywang sa harap namin.

"Hoy balyena, nakita ko yung kumuha ng wallet mo. Tumakbo roon." Tumuro siya sa isang direksyon.

"Hmp, siguro kasabwat ka ng batang ito ano. Ibalik mo ang pera ko!" Inilahad ng ale ang kamay niya sa harap ng bata.

"Gago ka ba? Baka akala mo, child abuse iyang ginagawa mo! Siguro kukunin mo si Kuyang pogi para ibenta ano? Human trafficking iyan balyena! Modus mo ito ano?" Rinig kong nagsinghapan ang ibang nakikiusyoso. Tila namutla naman ang ale at ngumisi ang bata at humalukipkip.

"Isumbong kaya kita? At hindi mo ba nakikita ang suot ko? Branded ito, hindi gaya ng wallet mo na fake na coach wallet! Bitawan mo si kuya o tatawag ako sa pulis!" Tumingala ito kaya nakita ko ng husto ang abuhin niyang mata. Natulala ako roon. Parang hinigop ang kaluluwa ko ng madalim niyang abuhin na mata na tila nangangako ng hindi maganda.

"Aurora iyan ale, apo ni Zeus! Naku po. Ang pinakapasaway pa!" Narinig kong kumento ng isang chismosang magtitinda.

Kilala ang mga Aurora sa Encarnacion. Isa sila sa pinaka mayaman. Nakabase sa politiko at negosyo ang pamilyang iyon. Sikat rin ang ahensya ng mga Aurora bilang Elite Security Service. Kilala ng lahat ang angkan na iyon. Mabait at mapagbigay man si Zeus Aurora ay hindi ikakataka na walang sino man ang gustong maging kaaway ng mga ito. Kilala ang pinaka pasaway na si Athena Aurora dahil madalas siyang takaw gulo. Bata pa man ay kitang kita na parang sa lansangan na ito lumaki.

Binitiwan ako ng ale at nag hyhysteria na lumayo. Gumawa siya ng eksena roon na binabantaan ako. Naiwan akong nakasalampak sa kalsada.

"You okay?" Nakalapit na pala ang bata sa akin at iniabot ang kamay. Nakasuot siya ng sumbrerong kulay itim na may check. Nakapusod ang itim nitong buhok. Nakasuot ng unimporme ng kilalang eskuwelahan. Blusang puti at checkered na palda. Nag-alangan ako noong iabot ang kamay sa kanya pero siya ang hublot sa kamay ko at hinila ako patayo.

Simula noon, madalas niya akong pinupuntahan sa pwesto ko. Naging magkaibigan kami. Saksi ako kung gaano ka brutal ang batang iyon. Ni hindi ako makapaniwala noong sinabi niyang pitong taon palamang siya.

"Tado, ayaw mo kelan ka babalik sa iskuwela?" Isang araw ay tanong nito. Nakatungtong na ako ng iskuwelahan pero huminto ako sa Grade 6, hindi ko na naituloy dahil tuluyan na akong pinabayaan ni ina at hindi na rin ako umuwi sa bahay kung saan may bago nanaman siyang lalaki.

"Wala nga akong matirahan, mag aaral pa ako Athena?" Sagot ko at nakatanaw sa kalsada habang pumapatak ang ulan.

Noong araw din na iyon, naisip ko na kailangan kong itaguyod ang sarili ko at hindi bagay ang tulad ko na makisalamuha kay Athena kaya iniwasan ko siya.

Goddess of Madness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon