Do Better

311 17 0
                                    

"Whenever I see him in my dreams. I cannot stop the water from my eyes. It keeps on producing water and my chest hurts. Who is he?" I asked Aphrodite as she stroke my hair. Her name is Aphrodite. The goddess of  beauty that suits her well. Mom told me about my cousins. Apparently, there was an accident. Miracle nlang raw ang bumuhay at lalo pa ang nagpagising sa akin matapos ng isang taon pag ka comatose. Pagkagising ko wala akong muwang. Parang sangol na hindi alam ang lahat. Tinuruan ako magbasa at magsulat. Madali lang naman ako natuto. Isang buwan pa bago ako nabisita ng iba. Maging ang kuya Mikos ko. Kwento nya sa akin ay may kambal daw sya at hindi parin daw ito mahanap. Magkasabay lang ang nangyaring trahedya sa amin halos. Isang linggo matapos ko maaksidente, syang pagkawala ni kuya Mitos. I met my dad once. I asked him.
"Why do I have this like yours?" Tinukoy ko ang mga nakapinta sa aking balat. The intricate design of the bird and other drawing on my skin. I quite liked it. Sabi ni dad "tattoo" daw ang tawag rito.

"Nakita mo ba kung ano ang itsura nya Ateng?" Napakahinhin niya. Napatigil naman ang asawa nya na si Ryu at Kuya Mikos sa pag uusap at napatingin sa banda namin. Umiling ako kay Aphrodite. Nakakunot ang noo at napaisip.

"Malabo ang muka nya eh. Pero meron syang mahabang puting buhok. Parang babae nga eh. Pero hindi eh. Nararamdaman kong lalaki sya." Kunot noong bumaling ako sakanya matapos ng pagyuko. Saglit itong napahinto sa pag haplos ng buhok ko. Bumukas ang pinto at pumasok si Kento. Sabi nila, sya raw ang best friend ko. Ngumiti ito sa akin gayon din ako sa kanya. Sya ang madalas na dumalaw at mag alaga sa akin bukod kay Mom. Lagi nya akong pinapangiti at madalas turuan ng mga bagay bagay. Nawala ang ngito ko ng pumasok si Thaddeus. Napakatahimik ng isang iyon. Sya raw ang bodyguard ko. Sya rin ang nag aasikaso sa akin pag oras na ng therapy session. Dahil sa mga injury na natamo ko at sa tagal na panahon na nakahiga lang, hindi ako makalakad sa umpisa.  Hanggang ngayon ay nahihirapan pa rin ako. May mga nabaling buto sa katawan ko noong naaksidente lalo na sa kaliwang binti pero naayos naman na iyon ng mga doctor. Kailangan ko lang daw ng regular na ehersisyo para makalakad ng maayos.

Pumayat din ako kaya pinagbabawi nila ako ngayon.

"Anak." I smiled when I saw Mom Hera. May dala syang mga pagkain. Kasama nya rin ngayon si Ate Hestia. I remembered the first time I open my eyes. Habang tulog ako, marami akong naririnig sa paligid. The same voice I always hear. When I look up. It's her. She's crying. I can always hear her voice in my dreams. Saying 'Sorry'. When I asked her noong nakakpag salita na ako, she said 'hindi ako naging mabuting ina sayo Athena'. When I saw her smile. I smiled too. Nabigla ang itsura nya. The first time I woke up, ginagaya ko lang ang mga ginagawa nila. I guess she asked the doctor why I can't speak that time.

Wala man akong maalala sa nakaraan. Tinutulungan ako ni Aphrodite. Hindi man sya psychologist, isa pa rin syang doctor. Napakaganda niya. Nagiging kulay blue green ang isang mata depende sa tama ng ilaw. Napatingin ako sa salamin. Parang mga mata ko. Yun lang ay ang abuhin nyang isa mata.  Napahawak din ako sa buhok ko na halos   umabot na ng balikat. Sabi nila ay ginupit nalamang ito dahil sa natamo kong injury sa ulo. Sa palagay ko bagay naman sa akin kahit lumampas lang ito sa tenga ng bahagya. Itim na itim din ito na syang nagpatingkad sa kaputlaan ng aking balat. Kakaiba ang pakiramdam na hindi mo kilala ang sarili mo. Parang nakikita ko lagi ay ibang tao sa salamin. Kung hindi ko nahahawakan, parang mawawala ng parang bula.

"Tara na Thens." Pagaya ni  Thaddeus sa akin. Sa totoo lang. Hindi naman sa masama ang pakikitungo ni Thaddeus sa akin. May parte lang talaga sa akin na hindi ko mainitindihan. Natatakot? Naiilang? Hindi naman kasi siya pala salita. Lagi rin syang nakatanaw sa lahat ng kilos ko at galaw. Sa katunayan napaka maalalahanin nya. Kulang nalang buhatin nya ako lalo na nung unang paghakbang ng nakaraang buwan. Sobrang sakit. Halos hindi ko maitayo ang mga paa ko.

Inalalayan nya akong sumakay sa wheel chair.

"Athena, babalik nalang kami. Pagbutihin mo ang pag teteraphy para makapunta na tayo sa dagat." Nakangiting ipinatong ni Kuya Mikos ang kamay sa ulo ko. Napangiti rin ako. Excited akong makapunta roon. Pinakita nila ang mga pictures namin na mag kakasama noong nakaraang punta nila kaya naman na enganyo ako sa mga kwento lalo na nila Eros at Thanatos.

"Thens, yung pinsan mo. Nauna pa ikasal sayo." Naalala kong bungad ni Eros sa akin na parang nagsusumbong. Tinaasan ko lang sya ng kilay. Bago pa man sila bumisita ay ipinakilala na sa akin ni Mommy Hera ang mga kaanak ko at mga malapit sa akin kahit sa larawan.

"Kuya... Pag nahanap mo na si Kuya Mitos, dalhin mo agad dito ah." Puno ng pag asang pangungusap ko kay Kuya Mikos. Binigyan nya ako ng maliit na ngiti at hinaplos ang buhok ko.

"Pumunta kana sa session mo." Yun lang ang sinagot nya. I know he's in pain too. I can feel something pricking my heart whenever I think na hindi ko na makikita at makikilala si Kuya Mitos. Ang sabi ng kambal nya, kahit na masungit at hindi pala salita si Kuya Mitos ay mas close daw kami. Ang alam ko lang ay naaksidente si Kuya at nawawala, wala ng ibang ditalye. Kahit na pakiramdam ko, maraming tinatago ang mga ito sakin ay hinayaan ko nalang. Nararamdaman ko sa twing matitigilan at magkakatitigan sila.

Sa ngayon ang magagawa ko lang ay ayusin ang session para makalakad na ng maayos. Naniniwala akong maalala ko rin ang lahat. Hindi ko makakalimutan ang sinabi ni Thaddeus sa akin noong tanungin ko kung anong klaseng tao ba ako noon.

"Minsan, mas maagi na nakalimutan ang lahat para magsimula ng panibago. I'll promise this time, I will do better."

Goddess of Madness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon