Torn

541 24 0
                                    

Bakit pinananatili ang level ng tubig sa mga reservoir o dam ?
Kapag kulang ang tubig, binabantayan kung kelan mapupunuan. Kapag sobrang natuyo, wala na itong silbi. Marami ang maapektuhan.
Kapag sumobra sa tamang dikta ng level, ipinapaagos ang iba. Inilalabas upang makaya ng dam ang level, delikado rin kapag tuluyan itong sumabog at bumaha.

Gayon din ang damdamin ng tao. Kapag kulang, gagawa ng paraan upang mapunan. Kapag sobrang hinanakit at pasakit, mas mabilis na sasabog ang damdaming naipon. Walang makakapigil sa bugso, sino man ang masagasaan ng rumaragasang damdamin, pananalita man o pisikal.

Hindi ko alam kung paano haharapin si Thaddeus. Naglupasay ako sa harap nya na parang bata kagabi. Simula noong bata pa kami ay halos binatilyo na sya. Inampon siya ni tito Hades ngunit di nya pinabago ang kanyang apleyido. Sya ang pinaka matanda sa amin. Noon palang, inis na ako sa kanya. Dahil siguro, kahit ampon sya ay mas maganda ang turing ni Hera sa kanya kesa sa akin na kahit bastarda ay anak pa din naman nya.

Bata pa lang ipinamuka na sakin ng mundo ang pagiging bastarda. Ni minsan, hindi ko naisip na kaya kong sabihin iyon sa harap ni Hera. Nakakagaan ng loob. Hindi ko napigilan ang ngiti na sumilay sa aking labi habang nakatapat sa dutsa ng shower.

Nang matapos ako'y humarap sa salamin. Kitang kita ang pamumula ng magkabila kong muka. Worth it ang mga sampal sa hitsura ni Hera na tila natigilan sa mga binitawan kong saloobin.

Sabi nga ng iba ang pamilya ang humuhubog sa bata. Wala akong parents na huhubog sa akin. Walang nariyan noong lumalaki ako at kailangan ko ng pagmamahal. Pagmamahal. Kailangan maramdaman ng isang tao upang mapaalala sa tin na tayo'y nabubuhay. Ang magmahal at mahalin. Ang suportahan. Pagmalasakitan. Magulang. Mapait akong ngumiti.

Pababa ako ng hagdan ng maamoy ko ang piniritong bacon at itlog.  Oh right, may kasama na nga pala ako dito.

"Athena kumain ka." Nakita ako nitong naglalakad palabas.

"Ikaw nalang." Walang gana kong sabi at akmang didiretso na ng haklitin ako nito sa braso.

"Kakain ka o ako ang magpapakain sayo. Mamili ka?" Naningkit ang mata nitong itim na itim na nakatutok sa akin. Hindi ideal na magkasama kami nito. Mainitin din ang ulo nya at ayaw ng hindi sukusunod. Laging sumusunod sa alituntunin, batas at masyadong concious sa pagsunod. Tuta.

"Make me." Nag sukatan kami ng tingin. Akmang sisipain ko sya sa maselang parte nya ng makailag sya. Pinilipit ko ang kamay nya na nakahawak saking braso ngunit pinaikot ako nito. Yakap nya na ako ngayon mula sa likod ay narron din ang aking kamay. Umigting ang aking bagang.

"Gag* ka Tado, bitawan mo ko!"

"Bibitiwan kita kung kakain ka. May pasok ako. Wag mong aksayahin ang oras ko kakaarte mo." Nagpapasag man ako ay napagod lang ako ng di nakawala sa kanya.
Pumayag na din naman ako kumain. Inaamin kong talo ako ngayon sa isang ito. Batak sa military training ang hudyo. Don ko lang napansin na naka uniporme na pala sya. Napaataas ang kilay ko. Yes he is attractive. Kayumanggi, matangos ang ilong, may bilugang itim na mata at mapulang labi.

 Kayumanggi, matangos ang ilong, may bilugang itim na mata at mapulang labi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ipinilig ko ang ulo at nagsimula ng kumain.

"Oh, may duty ka ? Bakit ikaw pa ang napili ni Tan na maging baby sitter ko ha?" Pang aasar ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay.

"Ihahatid kita sa Hawkings U. Bahala na si Thanatos doon sayo. Wag kang magkamaling tumakas mamayang gabi." Dinuro nya ako ng tinidor. Inirapan ko lang sya.

Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko sya sinusunod. Dahil ba tama naman sya sa lahat ? Dahil ba pride ko nalang ang pinanghahawakan ko at walang katuturan ang pinagagawa kong kalokohan para lang salingin ang pasensya nya? Siguro napapagod na din ako. Wala namang mangyayari sakin kung susundin ko sya. Ayoko rin mapagalitan ni Tan. Kung may kinakatakutan ako iyon ay si Lolo Zeus at si Thanatos. Mahirap na magalit sila. They will surely punish you. I will be grounded, o ipapadala nila sa isang isla na hindi ako makakatakas at ako lang magisa. Minsan na ginawa ni Lolo Zeus ang ganoon kay Tito Ares. Noong highschool, sobrang sutil ng ama ni Aphrodite. Mala Eros at ako na pinagsama. Ayokong ginagalit si Thanatos dahil  mala Lolo Zeus ang temper nya.

"Im sorry, nadamay ka pa tuloy. Hindi ko alam na ganito ang magiging sitwasyon." I really feel guilty. Napagalitan sya ng papa nya. Pero pag naliligaw ang tingin ko sa katabi nyang si Richard Evangelista, tinatago ang ngisi sa pagtaas ko ng kilay. Matagal na naming alam na baliw si Aphrodite sa basketball player na iyan.
Hindi lang namin inexpect na magiging ganito ang sitwasyon. Galit na galit talaga si Tito Ares.

"Ano ka ba ginusto ko din naman. Saka hindi ko din naman alam na ganito ang kahihinatnan. Anong nangyari kagabi?" Dumukwang sya sa lamesa.

"As usual nagkasagutan nanaman kami ni Hera." Kibit balikat ko. Wala akong balak na sabihin ang nangyari kagabi at pag alalahanin sya.
Alam ko naman na nag alala ang mga pinsan ko sakin. Kahit si Eros nga ay hinarang ako kanina para kumustahin bago ang basketball practice. Itong si Evangelista lang yata ang kumarir sa pagiging bodyguard kuno ng pinsan ko. Napairap ako sa kawalan at nagpaalam na. Para naman masolo ni Aphrodite ang crush nya.

Nang maguwian, diretso akong lumabas sa gate. Ang akala kong makakatakas ako sa araw na ito, parang panaginip nalang. Thaddeus being Thaddeus, nasa labas na agad sya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Nakasuot pa sya ng uniporme.

"Kelan ba ang assignment mo sa malayo para hindi ko na makita yang pagmumuka mo." Nakaingos akong pumasok. Graduate na sya at kasalukuyang naninilbihan sa AFP (Arm Force of the Phillippines) take note, with flying colors. Nabigyan agad siya ng posisiyon. Bukod sa isa sya sa Elite Guard ng Aurora Security Agency, mas mahirap pa sa PMA ang training doon. Isang taon na intense survival ang training sa isla kung saan ipinadadala ang mga balak pumasok sa ASA (Aurora Security Agency).
Si Tito Hades na isa ding Heneral ng Sandatahan ng Pilipinas ang namumuno at nagtayo dito.

"You are my assignment." Tumaas ang gilid ng kanyang labi. Oh, I would love to strangle him.

"Bwisit ka." Umirap kong sagot. Nakakatamad makipagtalo sa isang ito.
Napukaw ang atensyon namin ng tumunog ang cellphone ko.
Napakunot ako ng noo ng makitang unknown number ito. Mga pinsan ko, at ang kambal kong kuya lang ang nakakaalam ng personal number ko.

"Hello." I answered it anyway. Paghinga lang ang narinig ko sa kabilang linya. Akmang papatayin ko na ang tawag ng may magsalita.

"We need to talk about Siyera, Aurora." Napasinghap ako. Kilala ko ang boses na iyon.

"Pano mo nalaman ang number ko?" Napahilot ako ng sentido.

"Ang mahalaga ay magkausap tayo. Nasa panganib si Siyera Athena!" Tumaas ang boses nito. Napakagat ako ng labi. Torn between listening to him and ignoring what he said. Tiningnan ko ang reaksyon ni Thaddeus. Sumulyap lang sya saakin.

"Saan tayo magkikita Syrus?" Sabi ko at bumuntong hininga.

Goddess of Madness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon