"What the hell Athena! Ano bang pinag iisip mong bata ka!" Hera shout angrily at me. Minsan lang sya pumunta sa bahay ko, palaging galit ang rason sa mga pinaggagawa ko.
"Ilang taon ka palang ha ? Dose? Bakit mo naman naisipan magpatattoo? Noong nakaraan naman nag dala ka ng alak sa eskuwelahan! Gagraduate ka nalang ng elementary sakit ka pa sa ulo!" Namumula na ito sa galit habang pinag papalo ako sa braso.
Aminado naman ako na nagpatattoo nga ako. Sa likod naman ito buwan at ulap bandang balikat ngunit sinigurado kong hindi ito mahahalata kapag nakadamit.
Nalaman lang nito mula kay Thaddeus noong makita nya akong naka two piece. May dalawang buwan na din akong nagpatattoo, isa pa hindi naman buong likuran ang sinakop nito.
Ang gagong iyon! Lulumpuhin ko yon ng di na makapag sumbong!Hinayaan ko lang pag hahampasin ako ni Hera hanggang mapagod siya at mapaupo sa sofa. Nakatayo lang ako doon. Sanay na ako. Pag pupunta sya sa bahay ko ay palaging pinagbubuhatan ako nito ng kamay. Noong una, gingawa ko ang mga bagay na gusto ko lalo na ang makakapag pagalit sa kanya to spite her. Simula pagkabata ay kabaliktaran na ako ng pinsan kong si Aphrodite na mahinhin. Lalaki ang mga kalaro ko na mas matanda sakin. Mayroon lang akong yaya na tumitingin tingin sa akin. Wala akong kilalang magulang, mayroon lang sa salita. Si Hera ang nanay ko, anak daw ako nito sa Hapon. Mayroon siyang asawa at anak na mas matanda sa akin ng isang taon. Hindi man nya sabihin, alam kong ako ang sinisisi nya kung bakit muntik na silang maghiwalay ng asawa niya.
Instead of pitying myself sa hindi ko naman kasalanan, ginamit ko ang kalayaan ng sobra. Growing up, kung saan ako nag susuot. Natuto akong makipag laban sa mga gang ng sampung taong gulang. Natuto akong uminom at humitit ng sigarilyo ngayong taon. Idagdag pa ang tattoo na naintriga ako sa kabarkada kong si Jared, na nasa middle school.
Ayon pa kay Hera ay puro patapon ang mga kasama ko. Sila ang nakasama ko pati ang mga pinsan ko hindi siya. Para sakin wala naman siyang karapatan na sabihin iyon, bukod sa sustento na obligasyon niya bilang biological na ina, wala naman siyang naiambag sa pagkatao ko. Gamit ko nga ang apiyido niyang Aurora, marangya man ang pamumuhay ko kahit mag isa. Pakiramdam ko ay naka kulong parin ako so I do things that will make me feel like I'm free.
"Hindi ko na kayang nandito ka, ibibigay na kita sa ama mo. Doon ka sa Japan." Napaangat ako ng tingin dito sa narinig.
"Bakit ngayon mo lang ako ipapatapon roon kung sukang-suka ka na pala sa akin?" Walang kahit na anong emosyon akong hinayaang makaalpas sa aking muka kahit na ang totoo, may sumundot sa aking puso. It hurts a little, still she is my mother. Hindi ko man naramdaman ang pagmamahal ng isang ina, hindi ko rin maiwasan na kabahan at maexcite na makikita ko na ang aking ama. We doesn't talk about him. In general we doesn't talk, she just come to me to scold me and beat me when I get caught involved in my illegal activities and what she called 'unlady like".
Sinubukan ko naman siyang pabigyan noon, bilang Aurora, dapat marami kang alam. Sa music, arts, politics, fashion, sports, name it. Hinuhubog kami para maging perpekto. Lalo na ako, masyadong mahigpit si Hera. Hanggang sa napagod na ko kaka asa na maipagmamalaki nya din ako katulad ng isang anak nya.
"Tapos ka na? May gagawin pa kasi kami nila Aphrodite." Iniwan ko na sya doon ng hindi tinitingnan.
MAY mga okasyon na tumutugtog kami sa paaralan, minsan inererequest. Minsan naman ay sumasali kami sa battle of the bands. Gaya ngayong araw ay naimbitahan kami na tumugtog para sa closing party bago ang graduation.
This is our escape, our refuge especially for me. Habang ipinapalo ang drum stick lumilipad ang isip ko sa alapaap. Parang droga, nakakahigh. Sa bawat hampas naibubuhos ang lahat ng dinaramdam na kinikimkim na nakakalikha ng tunog na sumasabay sa boses ni Aphrodite, nakakipag synchronize sa hawak nila Eros at Tan na mga gitara.
Matapos ang ikatlong set ay ramdam ko ang pawis. Maging ang aking mahabang itim na buhok ay dumidikit na sa aking muka. Sa pagbaba ko ng hagdan ay bumungad ang isang puting face towel. Napatingin ako sa may-ari ng kamay. Naginit ang dugo ko ng makita ang pamilyar na wangis.
"Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sayo o bubugbugin kitang gago ka, pero mabuti narin siguro na bumukas iyang putang inang bunganga mo na yan. Siguradong matagal tagal tayong magkikita Tado." Nakangisi kong inabot ng padarag ang face towel na hawak niya bago binangga ang balikat at tumungo kung saan naroon ang mga pinsan habang paulit-ulit na minumura si Thaddeus Argus sa aking isipan.
BINABASA MO ANG
Goddess of Madness (Completed)
Fiksi UmumAthena Aurora, illegitemate child, badgirl, bad influence, bad mouthed bitch and knows every little bad things and beware of her madness. AURORA SERIES 2