Bantay

543 26 0
                                    

"Putan**na Thaddeus ano ba!" Nagpumiglas ako sa pagkaladkad sakin nitong mamaw na to. Hindi ko naman inaasahan na mahuhuli ako nagpupunta nanaman sa Red District ang malala ay naabutan akong itinutok ang lisensyado kong baril sa muka ng gunggong kong kalaban. Tang*na nya kung palalampasin ko ang pinag sasabi nya sakin. Hanggang ngayon umeecho sa tenga ko ang sinabi nya.

Hindi ako natatakot sa angkan nyo. Nagsasabi lang ako ng totoo, hindi ba't bastarda ka lang?

Nagkuyom ako ng kamao habang nag ddrive si Thaddeus na walang imik, nagngingitngit ang kalooban ko sa galit. Hindi naman bago sakin ang sabihang bastarda. May mangilan ngilan talagang may balls na tawagin akong ganoon at nauuwi silang tiyak sa ospital kundi man sa clinic. Alam kong iyon ang totoo. Pero nasasaktan parin ako. Nasasaktan ako dahil tao ako. Kahit anong pigil kong huwag maapektuhan at maiimune ay nandito padin ang sakit. Walang pakelam sakin ang naturingang ina-si Hera. Wala akong kinagisnang ama. Bukod sa mga Tito,Tita,Pinsan at Lolo at Lola na ipinaramdam sakin na parte ako ng Aurora, na pamilya nila ako. Maaring masabi kong isa na akong ulila. Pagak akong natawa, nakita kong sumilip si Thaddeus sa rearview.

"Mapapagalitan ka nanaman." Mahinahon nyang sabi. Napapalatak nalang ako.

"Pu*a may bago ba? Oh ano, nagsumbong ka nanaman animal ka?" Nanghahamon kong tanong. Nakita kong nag igting ang kanyang bagang. Gaya ng dati, hindi nya ko pinatulan. Bumuntong hininga lang sya at nagsalita muli.

"Sinama mo pa si Aphrodite sa kalokohan mo." Umusmid sya sa akin. Bahagyang nanlaki ang mata ko, ibig sabihin nahuli si Aph.

"Umh!" Gigil na nanginging man ikinuyom ko ang kamao ko. Sobrang sama ng araw na to.

Huminto kami sa tapat ng bahay nila Aphrodite. Tiyak na nariyan ang mga elders.

Bumungad sakin ang sampal ni Hera bago ako kinaladkad papunta sa kotse nya. Si Thaddeus parin ang nag drive. Walang imikan sa loob ng kotse. Namumula parin ang muka ni Hera.

"Ano nanaman ito Athena! Bakit dinamay mo pati pinsan mo? Wala ka na bang kahihiyan?" Mangiyak ngiyak sa inis si Hera habang pa root parito sa sala ng aming bahay. Si Thaddeus naman ay nagbantay sa may pinto. Umupo ako sa sofa. I slightly feel guilty dahil dinamay ko si Aph. Narinig ko ang pagsigaw ni Tito Ares sa kanya at nakita ko din doon si Richard Evangelista.

"Umuwi ka nalang sa Japan sa ama mo..." Sa di ng pinagtatalak ni Hera, iyon ang umagaw ng pansin ko. Bumilis ang pag hinga ko. Ipapatapon nya nanaman ako.

"Kaninong ama? Kay Takushi 'Saito' Hibara ba?" Ang bilis ng pagbaling nya sakin. Nanginginig na din ang kamay ko sa galit, sama ng loob at panghihinayang. Ikinuyom ko ito.

"Kanino mo nalaman ang pangalan na yan!" Mabilis syang lumakad sakin at sinampal muli ako. Hinigit nya ako sa kwelyo at niyugyog. Umiwas ako ng tingin sa kanyang mata. Nagsisipatakan ang mga luha roon. Nahagip ng paningin ko si Thaddeus  na mukang natataranta at may kinausap sa phone.

"Sumagot ka!" Pinagsasampal ako nito. It stings.

"Sa mga kapatid ko." Mahina kong sagot. Natigilan sya at napaupo sa couch na nasa tabi ko. Tila nanghihina syang humikbi. Hinayaan ko lang sya. Hindi ako sanay na ganito si Hera. Hindi pa sya umiyak sa harap ko. Hindi ko rin magawang aluhin sya dahil hindi ko alam kung paano iyon. Mula pagkabata ay nasanay na akong punasan ang mga luha ko ng sarili, tumayo kapag nadadapa hangang masanay na ako. Halos kasin lamig ng yelo dahil hindi ko alam ang makisalamuha. Iniisip na kaya din nila kasi ako nga'y lumaki na lahat kinakaya kong magisa.

"Pinapapunta ka ba nya sa kanya?" Matapos ng pag iyak ay tinanong nya iyon sa akin. Hindi ako sumagot at nagpatuloy lamang sya.

"Akala ko ba ay ayaw ka nyang madamay, bakit ka nya kikilalanin? Hindi ka dapat pumunta doon! Si Artemis lang ang kapatid mo naiintindihan mo ko!" Niyugyog nanaman nya ako. Narinig ko ang ugong ng sasakyan sa labas ngunit wala na kong pakelam. Sagad na ko. Bakit ganito? Naisip ba nya ang nararamdaman ko kahit minsan? Inalis ko ang kamay niya at tumayo.

"Kapatid? Ni wala nga akong ama. Wala rin akong maramdaman na ina..." Mapait kong tugon. Humikbi sya kahit nag aalab ang galit. Nag iinit ang likod ng aking mata.

"Minsan ba naisip mo na kailangan ko din ng ama? Na kailangan din kita!? Hindi diba? Pupunta ka dito sa bahay ko kapag gumagawa ako ng kalokohan na madadawit ang pangalan mo! Alam mo ba ang gusto ko at ayaw ko? Hindi anak ang turing mo sakin Hera!" Sinampal nya muli ako. Napabaling ang muka ko sa lakas noon. Tumulo ang pinpigil kong luha.

"Gusto mong makilala ang taong iyon? Nilapastangan nya ako! Walang hiya sya! At ikaw ang naging bunga! Ikaw!" Dinuro ako nito.

"So, saakin mo ibubuhos ang galit mo? Sana hindi mo na ko binuhay. Sana hindi ko nararamadaman ang ganito." Humikbi ako. Sumigok. Nanlaki ang mata nya. Nagulat din siguro dahil ito ang unang beses na umiyak ako sa harap nya. Napaupo ako sa lapag. Nakita ko si Thanatos. He crouch down and hugged me. Siya siguro ang tinawagan ni Thaddeus.

"Hera, tama na yan. Halika na." Pag aalo ni Hector sa kanyang asawa.

Naroon na din pala sila. Lumuluha din sa gilid si Artemis. Hindi kami close dahil iniiwasan ko sya. Ayokong mapalapit sa kanya dahil pakiramdam ko wala akong karapatan. Lalong sumisikip ang dibdib ko nag seselos ako at naiingit dahil sa sya lagi ang nakikita ni Hera. Pano ako? Anak din ako hindi ba?

"Umalis kayo!" Sigaw ko. "Alis!"

"Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang mama mo Athena!" Buwelta sakin ni Hector. Alam kong ayaw nya saakin noon pa man. Isang dahilan kung bakit malayo ang loob ko sa kanila.

"Dad,tara na." Alo ni Artemis sa kanyang ama at niyakag ang ina palabas.

"Tan..." Parang batang nagsusumbong, mas kumapit ako sa damit ni Thanatos. Sila lang talaga ang kakampi ko.

"We will figure this out, okay?" He said as he stroke my hair. Si Thanatos ang pinakamaalalahanin sa amin. He always protect us, me.

"Gusto ko lang din naman na maramdaman ang pagmamahal ng pamilya. Alam ko na hindi maganda ang nakaraan nya sa ama ko, alam ko din na hindi maganda ang reputasyon nito. Pero gusto ko din syang makilala. Baka sya, baka mahalin nya ako. Nakilala ko na ang mga kuya ko Tan, they love me." Nakatingin ang abo nyang mata sa akin. Sa aming magpipinsan, ang mata nya ang pinaka dark shade ng gray. Sa dim na ilaw aakalain mong itim ito. Sinasabi nilang ang mata ng pinsan kong ito ay parang walang laman ngunit ito ang pinaka expressive sa amin. Sinasalamin ng kanyang mata ang nadarama niya. He doesn't care about anything else than us. His family. Minsan nalulungkot akong nakulong siya sa responsibilidad para sa angkan.

"Susuportahan kita ano man ang maging desisyon mo." Iyon lang ang sinabi nya. Hinaplos nya ang pisngi ko.

"Ansakit sh*t, nag beast mode si Hera." Nakangiwi kong dinampi ang daliri sa pisngi. May maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ni Tan. Nagawi ang tingin ko sa may pinto.

"Oh. Anong ginagawa niyan dito?" Turo ko sa pinaka nakakairitang tao na nakilala ko sa tanangbuhay ko.

"Napagkasunduan ng Elders na may magbabantay sa inyo ni Aph 24/7." no no no this can't be happening again!

"Bakit sya! Thanatos!"
Nagkibit balikat ito at ngumisi.

"Siya lang ang hindi natitinag sayo eh." Tumayo na ito at tinapik na ako sa balikat.

"Oh Tado, ikaw ng bahala sa pinsan ko." Tumango lang ang hudyo, kumaway naman ang pinsan ko habang lumalakad palabas.

"Puta*na Thanatos bumalik ka dito!" Ano dito ito titira sa bahay ko? What the F*.

(Thaddeus Argus on Multimedia) 👆

Goddess of Madness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon