"Grabe! Ang gu-gwapo talaga ng Purple7, sulit na sulit ang ipon naten para concert nila" masayang wika ni Mj habang palabas kami sa stadium kung saan ginanap ang concert ng paborito naming boy band.
"Sabi mo pa bakla! Jusko! Halos isang taon din nateng ipon yun ah pero sulit na sulit" ako. Tama halos isang taon din naming ipon yun sa pagtra-trabaho. Di rin naman kase kami mayaman, tamang trabaho lang.
Mula noong nawala mga magulang namin natuto na kaming itaguyod ang mga sarili namin. Nagwo-working student kaming tatlo sa katunayan ay gaGraduate na kami sa taong ito sa high school. Napag-usapan na din namin na mag-full time job sa summer para sa pag-aaral ng college para makapag-ipon oo nga't scholar kami pero di yun sapat para sa mga project namin. Nakatira kami sa bahay na iniwan ng magulang ko. Nawala sila dahil sa lumubong ang barkong sinasakyan nila. Ganun din ang magulang nina Weba at Mj. Gaya nga ng sinabi ko kaya naming itaguyod ang sarili namin.
"Hayss, sa wakas kahit papano naka-punta na tayo sa concert nila noh?" wika ko habang naglalakad pauwi samin.
"Tama ka dyan bff, kahit na inilaan natin sa concert nila ang ipon natin keri lang once in a lifetime lang yun noh! Tsaka habang buhay ko na tong dadalhin. Ang importante nakita ko na si Sim. Kyahh!!!" wika ni Mj na para bang kinikilig. Bibilang ako hanggang tatlo. Isa. Dalawa. Tatlo.
"Oii maladeng Mj! Akin lang si Sim! Akin!" eto na nga bang sinasabi ko.
"Baklang Weba! Akala ko ba si Ram ang gusto mo?" Mj
"Eh sa gusto ko rin si Ram ihh" baklang to papalit-palit ng gusto, pero kahit naman kase sino pati nga ako e pero in the end of the day si Vin parin talaga ang gusto ko.
"Tch, whatever!" wika ni Mj sabay irap kay Weba.
Nang maka-rating kami sa aming bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko. Di masyadong malaki ang bahay namin, may dalawang kwarto sa itaas at meron ding kwarto sa ibaba kung saan dun natutulog si Weba.
"Arvy! Hay nako hanggang titig nalang tayo sa poster nila" wika ni Mj nang pumasok sa kwarto ko.
"At least nakita natin sila kanina,gawd!! I can't move on!! " wika naman ni Weba na may dalang folder.
"Tama ka dyan bakla! Oh ano yang dala-dala mo?" tanong ko sakanya.
"Listahan ng jowa ko" wika ni Weba.
"Weh? May ganun ka bakla?" pang-asar ko sakanya.
"Umasa ka pa Arvy, pumuti man ang buhok nyan" pang-asar naman ni Mj.
"Kayong mga bakla kayo ah, kung di ko lang kayo kaibigan! Eto listahan ng trabaho, alangan namang aasa lang tayo sa fast food resto. na yun" aniya. Since working student kami apat na oras lang ang duty namin sa fast food.
"Good morning universe!" bumangon ako at ginawa ang morning routine ko at nag-palit na nang uniform .
"Good morning Purple7" bati ko sa kanilang poster, bilang fangirl kasama na yan sa routine ko araw-araw.Gaya nang dati, mas mauna nang bumangon sina Weba at Mj na naka-uniform na rin.
"Good Morning Arvy Austria!" masayang bati nila sakin.
"Good morning din mga bakla!" ako
"Hoy babae! Si Weba lang ang bakla, wag mo akong idamay" wika ni Mj habang kumakain.
"Edi wow! Kumain ka na nga lang" Weba.
"Pikon to, sorry na baks" suyo ni Mj kay Weba.
"Tse!" Weba.
"Nga pala! Alam nyo ba nabasa ko sa twitter, nakitang nag-didate sina Daire at Vin sa isang pribadong restaurant" wika ni Mj. Si Daire ay isang sikat din na singer at siya palang ang pinakamagandang babaeng nakita ko. Matagal ng may rumor tungkol sa kanila pero di sila umaamin animoy mag-kaibigan lang daw sila.
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.