Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo dahil sa sinabi nya.
"Anong sinabi mo?" I heard it right.
"Sinabayan ko lang yung kanta"
"Ahh, ang ganda ng song no?" assuming ka Arvy! Feel na feel ko pa naman. Haisst!!
"Oo maganda...pero mas maganda ka" wika nya habang naka-titig sakin.
"Ha?" ano daw? Nabingi ata ako.
"Sabi ko oo. Maganda" ayun pala! "Andyan na si Ram"
Tinapik ni Ram ang balikat ni Vin bago sya bumalik sa kanyang upuan at naka-ngiti naman si Ram sakin, yayy ang cute ng dimple nya at ang tangkad nya.
"Hey chicken girl, Happy Birthday ulit"
"Salamat Ram, nga pala salamat sa lahat ng ito"
"Wala yun. Kaibigan ka ni Vin at kaibigan na rin ang turing namin sainyo"
"Di nga? Seryoso?" tumango sya at ngumiti. "Yehey! Salamat Ram" di ko mapigilan ang sarili kong yakapin sya.
"Alam ko na kung bakit?"
"Huh? Kausap mo?"
"Wala" sumayaw kami ni Ram at nag-kwentuhan saglit dahil dumating na si JN.
Lahat ng P7 ay naisayaw ako! Kaya pala naalaman nila ay pina-imbestigahan nila ang tungkol saming magka-kaibigan kaya ayun nagusap-usap daw sila para sa araw na to at para na din daw iCelebrate ang pagka-kaibigan namin dahil next week daw ay magsisimula ulit ang World tour nila, kaya binigyan sila ng one week vacation. Sa trabaho naman daw ay nagpa-alam sila kay ma'am at pinayagan naman sila ang feeling ko tuloy ang espesyal ko.
Fast midnight na at tanging ako nalang ang nasa labas ng white house. Sina Mj at Weba naman ay naka-tulog na kanina pa. Nag-check in naman sina Ram sa hotel kung saan ko hinatid si Vin noon.
Nanatili ang mata ko sa dagat at ang payapa nitong tignan, mas lalong hinigpitan ko ang hawak sa jacket ko dahil medyo malamig ang ihip ng hangin at naisip ko. Kumusta na kaya ang mga magulang ko? Masaya ba sila? Namimiss na din ba nila ako? Kase ako? Miss na miss ko na sila sobra! Gusto nang maramdaman ang yakap ni Mama at Daddy.
"Ma, Dy. Miss na miss ko na po kayo. Please po, bumalik na kayo" kahit pala gaano kasaya ang araw na to dadating pala ang puntong parang may kulang at sila yun ang mga magulang ko.
"Here" inabot nya sakin ang panyo nya.
"Akala ko umalis na kayo"
"Di ako maka-tulog eh, kaya bumalik ako, miss mo na sila?"
"Oo, sobra"
"Tahan na, alam kong matibay ka. Ilang taon na din ang naka-lipas pero nag-hihintay ka parin"
"Salamat abo"
"Abo? As in ash?"
"Yup!"
"I like it!"
"Abo, Salamat ulit" ilang beses ko nang nasabi iyon at alam kong nagsasawa na sya.
"Wala nga yun ang kulit mo Pikachu"
"Mga baklaaa!! Halikayo daliiii!" sigaw ni Weba ang gumising sa katawang lupa ko.
"Bakit ba? Maka-sigaw ka!" iritadong tanong ni Mj.
"Tignan nyo kase!"
"Ano ba kase yan? Akin na nga!" inagaw ko sakanya ang isang envelope at inilabas ang mga sulat. OH MY! PINAPAY!!!
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Roman pour AdolescentsHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.