Chapter 11

1 1 0
                                    

Dinala ako ni Vin sa isang malawak na lupain na tanaw ko ang city sa ibaba at yung haring araw na malapit ng lumubog. May iilang puno din ng mangga, dalandan at ang lawak na kapatagan.

"Bakit mo ako dinala dito Vin?" tanong ko habang pababa sa kanyang Mustang.

"Gusto ko lang ipakita maganda ba? Gaya din to sa white house tahimik at tanaw yung buwan at bitwin"

"Grabe Vin ang lawak binili mo ba to at dito mo ba balak ipatayo yung magiging bahay nyo ng asawa mo?"

"Asawa agad? Grabe ka Pikachu! Pero oo binili ko to at balak kong magpatayo ng rest house dito" naglakad ako patungo sa mga puno ng dalandan.

"Abo, maraming bunga tong dalandan dito. Pitasin natin sayang naman"

"Sige, akyatin mo"

"ANO? AKO? IKAW NALANG!" ok lang naman sakin kung aakyatin ko pero puti tong suot ko baka madumihan.

"Ikaw nag-suggest kaya ikaw ang umakyat, sige na hinog na yung mga iba at di ako marunong umakyat" bakit ko pa kase nasabi ayan tuloy ako na ang umakyat.

"Ang dumi-dumi ko na Abo! Wala akong dalang extrang t-shirt"

"Mag-palit ka nalang mamaya, dadaan tayo sa condo ko para mag-palit ka at para ilagay yang nakuha mo kanina"

"Luh! Di ba natin pwedeng dalhin kina Ram to?"

"Hindi"

"Bakit?" napa-labi ako dahil sayang naman effort ko.

"Wag kang sumimangot dyan Pikachu, di yan masisira ilagay nalang natin sa ref"

Pag-dating sa condo ni Vin ay dumiretso na sya sa kanyang kwarto para kumuha ng kanyang t-shirt samantalang ako naman ay punta sa kanyang kusina para ilagay ang mga nakuha kong dalandan. Habang inaayos ang mga dalandan ay natatakam ako sa mga tsokolate nya. Di naman siguro nya mapapansin pero...di bale na nga.

"Abo! Penge chocolate!" sumigaw ako mula sa kusina ng napaka-lakas para naman marinig nya.

"Sige lang! Ubusin mo kung kaya mo" waahh! Agad tinapos ang pag-aayos at nilantakan agad ang iba't ibang klase ng kanyang chocolates. Yung iba mukha galing sa mga fans nya at halatang imported pa! Naparami ako ng kain sa Chocolate na itim ang karton. Ang sarap! Pero habang tumatagal parang nahihilo ako, siguro dahil sa pagod ang tagal naman kase ni Vin.

"Pika... Ano to? Naka-ilang box ka ba neto?" turo nya sa sinasabi kong tsokolate.

"Di ko alam 16 na ata" grabe nahihilo na talaga ako. Tatayo na sana ako pero muntik na akong matumba buti nalang nasalo ako ni Vin. "Vin bakit mas gumwapo ka ata?" di ko mapigilang kurutin ang pisngi nya ang gwapo kase!

"Lasing ka na pikachu"

"Ngayon ko lang napansin sa tuwing tinatawag mo akong pikachu ang cute parang manghahalik ka lang, yung lips mo ba Abo lasang cherry parang ang tamis kase tas yang mga mata mo ang lalim sa sobrang lalim mahihirapan ng umahon ang sino mang magtatangkang titigan ka..."

"Tara na Pikachu, lasing ka na kung ano-ano na ang sinasabi mo" naka-ngiting wika nya.

"Wag kang ngumiti Abo, madaming mahuhulog dyan"

"Isa ka rin ba sa nahulog sa ngiti ko?"

"Oo" waahhh! Lupa eto nanaman yung walang filter na bunganga ko.

"Good, eto mag-palit ka na" dali-dali kong kinuha ang T-shirt na inabot nya sakin at tumakbo sa kanyang kwarto.

"Happy Birthday Ram. Pag-pasensyahan mo na tong regalo ko ah" nandito kami ngayon sa mansyon nina Ram at ilang relatives lang nya ang nandito walang ibang stars maliban sa P7 at ilang staff ng AA.

ONE of the CROWD Where stories live. Discover now