Hating gabi na pero nandito parin kami sa park, si Vin kanina pa walang imik at naka-tingin sa malayo. Nasaktan talaga sya ng todo. Halatang mahal na mahal nya si Daire, ang swerte nga nya eh ang daming nagha-hangad na mahalin ng isang Vin Lenhart. Ako? Kontento na ako sa anong pakiki-tungo sakin ni Vin bilang kaibigan, kung kaibigan ang turing nya sakin.
Sa tagal kong nabubuhay sa mundong ito ngayon lang ako natulog ng ganito ka komportable. Malambot at mabangong kama at ang lamig! Wait! Malambot at mabangong kama? Nanlaki ang mata ko nang napag-tanto ko na wala ako sa kwarto ko. Dali-dali akong bumangon at mula dito ay tanaw na tanaw ko ang maganda at malawak na hardin na may iba't-ibang klase ng bulaklak. Inikot ko ang paningin ko at nakita ko ang mga picture ni Vin at Daire pero isang larawan ang pumukaw sa atensyon ko kung saan si Vin ay naka-akbay kay Daire samantalang hinalikan naman ni Daire ang pisngi ni Vin. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok ang isang katulong nila.
"Magandang umaga po" bati nya sakin.
"Magandang umaga din po, dito po ba ang bahay ni Vin?" malamang Arvy!
"Opo, kaso maagang umalis si young master" ganun?
Pag-katapos kung kumain ay inihatid ako ng isa sa mga driver nina Vin. Pag-pasok ko sa bahay ay bumungad sakin ang mga kaibigan kong naka-kunot ang kanilang mga nuo.
"San ka natulog kagabi? Bakit di ka umuwi Arvy Austria? Di mo ba alam kung gaano kami nag-alala dito ni text o tawag wala kaming natanggap mula sayo" sa totoo lang ngayon ko ulit nakita si Weba ng ganito kaseryoso.
"Ni hindi kami naka-tulog kakaisip sayo Arvy. Di mo man lang ba naisip na may taong naghihintay sayo dito?" na-guity tuloy ako sa sinabi ni Mj. Halatang di sila naka-tulog dahil mukha silang panda samantalang ako sarap na sarap ang tulog ko.
"May hindi ka ba sinasabi samin?" di kase ito ang tamang panahon para sabihin ko.
"Hayaan mo nalang sya Weba, naputulan ata ng dila at di na marunong mag-salita" waahh, galit nga sila sakin. Ang engot mo talaga Arvy!
"Sorry kung nag-alala kayo sakin promise di na to mauulit" nagka-tinginan sila at parehong umalis at umakyat na.
Ngayong nasa trabaho kami di parin nila ako pinapansin. Para lang akong hangin sa kanila. Naka-uwi na kami pero wala parin. Naiintindihan ko naman sila eh. Siguro kung si Weba man o si Mj ang di umuwi malamang magagalit din ako. Kaming tatlo hindi lang mag-kakaibigan ang turing namim kung hindi para na kaming isang pamilya.
Dalawang araw na mula noong hindi nila ako pinapansin. Ang bigat-bigat tuloy ng paki-ramdam ko gaya ngayon tatlo nga kami dito sa cafeteria pero parang wala lang ako sa harap nila. Gusto ko tuloy umiyak, bakit nila ako natiis ng ganun katagal?
"Alam mo baks, nang-trending ang performance ng P7 kahapon sa isang TV show" wika ni Weba
"Oo napa-nuod ko. Bakit ganun si Vin parang hindi sya gaya ng dati? Ang lamya nya ah, parang walang kaener-energy" mula nong gabing yun di na ulit kami nag-kita ni Vin at hanggang ngayon apektado parin sya sa hiwalayan nila ni Daire.
"Siguro pagod lang yun, ikaw ba naman kase ang puro trabaho" ani ni Weba.
"Tama ka dyan baks! Tapus na ko. Tara?" hala! Di ko pa nga nakakain tong pag-kain ko iniwan nako. Naramdaman ko nalang ang pag-tulo ng luha ko. Alam ko namang kasalanan ko eh! Pero ang sakit lang na di nila ako pinapansin na parang hangin lang ang turing nila sayo. Pinilit kong kumain kahit na umiiyak ako sayang din kase, pero di ko mapigilan ang pag-hikbi ko. Maya-maya pa ay naramdaman kong may yumakap sakin.
"Baks, sorry" malambing na wika ni Mj na lalo pang nagpa-iyak sakin.
"Ikaw din naman kase eh, di ka nag-sabi. Tahan na" pinunasan naman ni Weba ang luha ko.
"Sorry kung di ako nag-sabi sainyo, sorry kung pinag-alala ko kayo at sorry kung nagalit kayo" wika ko sa pagitan ng pag-hikbi ko.
"Di kami galit baks, konting tampo lang" at dahil dun nag-yakapan kami sa gitna ng cafeteria.
"Dahil next week ay Intrams nyo na, gusto kong may isa o grupong magpe-perform para irepresent ang section nyo" ani ni Sir. Dazzel na pinagka-guluhan ng mga ka-klase ko.
"Hoy baks! Ikaw nalang kaya, magaling kang kumanta at marunong ka pang mag-gitara" wika ni Mj.
"Wag na, Buti sana kung may extra points yun" kung meron sana bakit hindi.
"Bago ko makalimutan exempted sa long quiz ang sasali"
"Sir ako po!" exempted pala eh, bakit hindi!
"Oo sir, si Arvy nalang" segunda naman ni Weba at Mj.
"Arvy, paDeliver ito sa AA bldg" inabot sankin ni ma'am Remee ang tatlong paper bag.
Pag-dating ko sa ika-syam na palapag ay agad akong dumiterso kay ateng mukang maldita na hindi naman pala.
"Hello po, magde-deliver po sana ako ng MC's chicken" di maalis ang ngiti sa labi ko, sa wakas makikita ko nanaman ang P7! Yeheyy!!
"Eto yung bayad miss, di na kase ako pwedeng magpa-pasok ng kahit na sino lang sa loob" kung ganun di na ako pwedeng pumasok sa loob kase isa ako sa kahit na sino lang na tinutukoy ni ateng. Nadismaya tuloy akong umalis sa AA bldg. Ang engot ko kase! Anong inaasahan ko? Eh isa lang naman ako sa milyong-milyong humahanga sa kanila.
Pag-dating sa restaurant ay walang masyadong tao, kaya naabutan ko sina Mj at Weba na nanunuod ng reality show at ang P7 ang guest.
"Ang cute ng ngiti ni Sim bakla! Ang puso ko!" kita mo tong Mj na to pano pa kaya pag sa personal na.
"Naku girl! I need an oxygen! I can't breath"
"Kyaahh! Vin!" napa-tingin sakin nina Weba at Mj.
"Ba't ka ba biglang sumusulpot dyan bakla!" nag-peace sign nalang ako kay Weba.
"Ang gwapo, waahh si Ram at Jn yung abs nila napapaso ako bakla!" naghi-hysterical na wika ni Mj, buti nalang mabait ni ma'am Remee at hinayaan lang nya kami.
"Yung ngiti ni Jp at Sim nakaka-tunaw. Isama mo pa ang tawa ni Jim at Jk, nako pamatay baks!" kawawa ako dito sa gitna!
"Yan na, ihanda ang mata! Kyaahh" ito yung part na ipapakita nila yung abs nila! Wala na tulo laway na!
"Bakit kayo sumisigaw dyan?" tanong samin ni ma'am Remee.
"Yung P7 po kase ma'am" wika ko.
"Yan ba yung sikat na banda? Yung mga talentado at gwapo?" sabay-sabay kaming tumango.
"Patingin din ako" ehh?? Kung sabagay bata pa si ma'am Remee nasa 25 palang sya at walang asawa.
"Ang gwapo talaga nila!" sinabi mo pa ma'am.Tapos na ang duty namin at pag-labas sa MC's ay bumungad samin ang isa sa mga driver nina Vin.
"Kayo po yung bisita ni young master di po ba?" tanong nya sakin. Buti nalang ay nauna akong lumabas kanina at wala pa sila Weba at Mj.
"Opo, bakit po?" may atraso kaya ako sa kanila?
"Naiwan mo tong cellphone mo ma'am, pasensya na at di namin agad naibigay" akala ko sa white house(bahay sa tabing dagat) ko naiwan to, kaya di ko na agad hinanap.
"Okay lang po. Salamat po" napa-tingin ako sa cellphone ko, nako dead bat.
10:00 na at kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama ko, iniisip ko yung ngiti kanina ni Vin. Alam kong may mali, oo naka-ngiti sya pero hindi tugma sa mata nya ang pinapa-kita nya.
"Hayss" bumangon ako at ginulo ko ang buhok ko, maka-labas nga muna! Pag-bukas ng pinto ay bumugad sakin si Vin! Kinurot at sinampal ko ang sarili ko! Gising naman ako.
"Pwede ba kitang maka-usap"
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.