VIN
Ano naman kung gusto nila ni Pikachu? Kaibigan ko naman sila at kaibigan ko si din Pikachu. Ang inaalala ko lang ay kung baka mapahamak sya pag nalaman ng mga fans namin. Pano kung ligawan nila si Pikachu tapos sugudin nila? Pano kung magkagustuhan sila? Pano kung yung atensyon na binibigay ni Pikachu sakin ay biglang mawala??
"Abo? Itigil mo nga yan! Kanina mo pa sinasabunutan yang sarili mo! Di ka ba naawa sa buhok mo?"
"Kase..." di ko nasabi ang sasabihin ko dahil tumayo na sya.
"Lika nga" humarap sya sakin yung tipong sobrang lapit. Di ko maiwasang pag-masdan sya. Maganda sya mula sa natural na haba ng kanyang pilik mata at ang maamo nyang mga mata, sa matangos nyang ilong, sa manipis at mapula nyang labi at sa mala-porselana nyang kutis. Simple walang kaartehan. "Ayan tapos na!" basta lang nya akong hinila patayo.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Doon kina Ram, gusto kong sumakay sa kabayo"
"Wag dun, mag zip-line nalang tayo, gusto mo?"
"Yayy!! Gusto ko yun tara na" napa-ngiti ako dahil sa inasta nya.
"Oi Abo! Wag na wag mo akong bibitawan!" kanina pa sya namumula dahil sa nerbyos.
"Oo nga. Ang kulit! Ayan na!"
"Kyaahhh!"
"Buksan mo kase ang mata mo, nandito naman ako eh" dahan-dahan nyang minulat ang kanyang mga mata at namangha sya sa kanyang nakita kaya napa-ngiti naman ako dahil ang simple ng babaeng to.
"Ang ganda!"
"Just hold my hand until the end and I promise you will be safe"
ARVY
"Just hold my hand until the end and I promise you will be safe" napa-tingin ako kay Vin dahil sa sinabi nya. At ang bilis ng tibok ng puso. Di ako makapag-salita pero ramdam kong mas lalong hinigpitan ni Vin ang pagkaka-hawak sa kamay ko.
Pag-baba namin sa zip line ay dumiretso kami agad sa garden.
"Abo, dali picture tayo" inakbayan ako ni Vin samantalang ako naman ay ng-peace sign, sa isang kuha naman ay wacky shot.
"Tong akin naman" gaya ng kanina inakbayan nya ulit ako. "Ikaw naman solo" ilang shots ang nakuha nya kung hindi blurred, pangit daw kaya medyo natagalan kami dito.
"Saan ang sunod nating pupuntahan Abo?"
"Hiking tayo"
"Oi! Tanghali na po" saktong pagka-sabi ko ay tumunog ang tyan ko.
"Gutom ka na naman?!"
"Hehe"
"Lika na nga" hinila ni Vin ang kamay ko. Pansin ko ang hilig nyang mang-hila.
Pag-dating sa dinning hall ay naabutan namin sina JK at Jim na nag-uusap. Naalala ko na naman yung sinabi ni Sin kaninang umaga. Napaka-imposible naman ata nun. Ramdam kong mas humigpit ang hawak ni Vin sa kamay ko sinubukan kong bawiin ngunit ayaw nyang pakawalan.
"Vin! Mukhang nasasaktan na si Arvy sa pagkaka-hawak mo ng kamay nya" wika ni JK kaya naramdaman kong lumawag kaya agad kong binawi.
"Nasaktan ka ba?" tanong ni Vin
"Medyo, ano ba kaseng drama mong Abo ka?"
"Wala. Sa sea side nalang tayo kumain ng lunch"
"Dito nalang Vin. Mainit sa sea side ngayon baka mainitan ni Arvy" wika ni JK
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Подростковая литератураHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.