Chapter 8

0 0 0
                                    

Matapos ang pang-yayari sa condo ni Vin ay agad din akong tinakas nina Ram pauwe dahil noong araw na yun ay inalam na nila ang side ni Vin sa di umano relasyon nila ni Daire. At gaya ng sinabi ni Diare at pinanindigan nito ang sinabi nyang fake news kaya medyo humupa na ang isyu tungkol sa kanila. Sinabi ko na rin sa mga kaibigan ko na kilala ako ng P7 bilang si chicken girl. Ilang araw na din ang nakilpas mula noong huli kaming nag-kita ni Vin. Lahat sila ay busy dahil sa ilalabas nilang bagong album at ang mga world tour nila. Ako? Bilang isang fangirl updated sa lahat. Maging sa twitter, instagram, facebook pati sa YouTube inaabangan ko lagi sila sa mga reality show kung saan sila ang guest pati ang china phone ko puno na dahil sa mga pictures at videos nila.

"Tingin nyo mga baks? Matutuloy kaya ang pag-perform ng P7 dito?"

"Sana na nga, kita nyo naman ang schedule nila palaging puno at wala na ata silang pahinga" sagot ni Weba sa tanong ni Mj.

"Oo nga. Oh ikaw Arvy, anong kakantahin mo?"

"Secret" waahh, kahit di ako masyadong naka-ensayo excited parin ako.

Yayy! TGIF! Dahil sa ganado akong pumasok at maaga pa mas pinili kong mag-lakad at iniwan sina Weba at Mj sa bahay.

Habang nag-lalakad may biglang humarururot na sasakyan.

"Hoyy di sayo tong daan! Angas neto porket naka four-wheels!!" grabe to buti nalang nasa pinaka-gilid ako. Nabadtrip tuloy ako.

Beeeeeeeppp

"Waahhh! Ano ba?!" sa sobrang inis ko muntik ko nang ibato ang lalagyan ng baon ko.

Pag-dating sa eskwelahan ay bumungad sakin ang mga taong excited sa intrams at nakita ko din sina Weba at Mj na kasama si Hans. Agad nila akong kinawayan at tumakbo ako patungo sa kinaroroonan nila.

"Hi mga baks" naka-ngiting bati ko sa kanila "At good morning sayo Hans"

"Good morning din sayo Arvy" sinuklihan din nya ako ng matamis nyang pag-ngiti. Aminado naman akong gwapo si Hans, matangkad, maputi, singkit mata at natural na makapal at mahaba ang pilik mata nya, matangos na ilong at kasing pula ng strawberry ang labi nya. Lasang strawberry din kaya ang labi nya?

"ARVY!"

"Aray ano ba?! Kung maka-sigaw kayo akala nyo di masakit sa tenga ah" reklamo ko kina Mj at Weba.

"Hello, kanina ka pa namin tinatanong at naka-ilang beses ng tawagin ni Hans ang pangalan mo kaso lutang ka, ano naka-high ka ba?" agad kong binatukan si Mj dahil sa tanong nya.

"Aray ko, masakit ah. Baklang to. Ano ba kasing iniisip mo at nakatulala ka kay Hans? "

"Na-curious lang naman ako kung lasang strawberry yung labi ni Hans" agad kong tinakpan ang bunganga ko at ramdam na ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko at kitang-kita ko rin ang panlaki ng mata nila lalo na ang naka-ngiting si Hans na mukhang naaaliw pa sa nasabi ko. Waahh! Earth eat me now!

"Ay may pagnanasa ka ateng. Hoy saan ka pupunta?

"Arvy"

"Baks"

Di ko na pinansin ang pag-tawag sakin ng mga kaibigan ko at patuloy parin ako sa pag-takbo hanggang sa napadpad ako sa mini forest parte parin ito ng school at bihira lang ang napapadpad dito sumandal ako sa puno kung saan madalas kong puntahan dahil sa laki ng ugat nya walang makakakita sakin.

"Waahh! Nakakahiya ka Arvy! Anong pumasok sa kokote mo at nasabi mo yun?! Pano na to? Buti pa ang camera may filter eh tong bunganga mo wala!"

"Tsk buti pa kanina tahimik ngayon hindi na" wika ng taong sa palagay ko ay nasa kabilang bahagi ng punong to. Dahan dahan akong tumayo at kumpirmahin kung sino ang nasa kabila pero literal na nalaglag ang panga ko dahil sa nakita ko. "Ingay mo chicken girl" NGANGA!

"Sim? Bakit ka nandito?" si Sim ang taong cold ay nasa harap ko ngayon at naka-sandal sa ugat ng malaking puno.

"Dahil wala ako doon" aba't hilig mambara neto.

"Anong ginagawa mo dito? Posible namang napadpad ka lang dito para tumambay"

"Tsk"

"Ano nga kase?"

"Wala" sa tono ng pananalita nya alam kong pagod sya kaya minabuti kong wag nalang syang kulitin. Wala din naman akong makukuhang matinong sagot kaya bumalik na ako sa dating pwesto ko.

Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko.

"Hello"

"Asan ka ba baks? Kanina ka pa namin hinahanap ah. Pumunta ka na dito ngayon sa covered court left part. Bilis! At wag nang maraming tanong"

"Huh? Anong... " yayy, babaan ba daw ako? Tumayo nako at kulang nalang takbuhin ko makalabas lang pero naisip ko si Sim kaya bumalik ako pero wala na sya sa dating pwesto ko nya kaya tumakbo nalang ako papuntang coverd court pero ang daming tao buti nalang at nahagip ko agad sina Mj at Weba. Kaya nakipagsiksikan ako sa mga estudyante dahil malapit sila sa stage.

"Sa wakas nandito ka na, alam mo bang nag-alala din si Hans sayo" nag aalalang wika ni Mj

"Dun sa dati lang. Teka anong meron akala ko ba ngayong araw na ko kakanta?"

"Sabi ni Sir. NaCancell daw yung pagkanta mo dahil..."

"KYYAAAHHH"

"Oh my PURPLE 7"

"P7"

"We love you P7"

Di natuloy ang sasabihin ni Weba dahil napuno ng hiyawan ang covered court dahil nandito ang P7. Kahit na busy sila sa schedule nila naiisingit parin nila ang pag-perform nila dito sa school, at dahil dun maraming estudyante ang nahiyahan at yung iba umiiyak na dahil sa kaligahan na makita silang pito.

Habang sumasayaw at kumakanta sila ay di maalis ang tingin ko sa lalaking gustong-gusto ko at nakatingin parin sya sa maladagat na estudyante habang naka-ngiti. Yung totoong ngiti nya sa twing nagpe-perform sya at alam kong masaya sya dahil sa aming mga fans nya.

Ilang beses at kahit gaano kalakas ko pa isigaw ang pangalan nya ni minsan di man lang sya tumingin sakin o sa direksyon kung nasaan ako. Dahil sa dinami-dami namin dito di nya ako mapapansin dahil I'm one of the crowd, one of those fangirl or fanboy na nagkakandarapa sa kanya.



"Oi! Tulala ka nanaman dyan baks" wika ni Mj habang papunta kami sa trabaho.

"Oo nga, kanina ka pa ganyan may problema ka ba?" ani naman ni Weba.

"Wala" pagsisinungaling ko. Sa totoo lang bukas birthday ko na pero mukhang di nila maalala. Dati kase pag ganito naka-plano na sila pero ngayon parang nakalimutan na nga nila. Bahala na! Rest day ko naman bukas at pupunta nalang ako sa white house.

Dahil sa di talaga nila naalala ang birthday ko at aaminin kong medyo nasaktan ako pero ayos lang yun alam ko kasing busy sila at di biro ang pagsabayin ang pagaaral at pagtra-trabaho.

Maganda ang panahon ngayong araw at balak kong maligo sa payapang dagat. I just want to enjoy my special day... Alone.

"HAPPY BIRTHDAY TO MEEEE!!" buong lakas kong sigaw habang nakataas ang dalawang kamay ko sa ere pero maya-maya pa ay pabigat ng pabigat ang tuklap ng mga mata ko hanggang sa tuluyan na akong lamunin ng dilim.

ONE of the CROWD Where stories live. Discover now