"Hoy bakla! Bakit basang-basa ka?!" tanong sakin ni Weba.
"Wala natapunan lang"
"Ang dugyot mo tuloy tignan" pinag-tawan ako nina Weba at Mj.
Buong araw ay wala akong gana sa lahat, naglalakad ako sa school ground na parang zombie. Naka-halata din sina Weba at Mj pero sinasabi kong puyat lang. Pati sa trabaho ay ang lamya ko kaya inutusan ako ng manager na ideliver ang dalawang bucket ng fried chicken at fries. Pag-dating sa building ay duriretso ako sa ika-siyam na palapag.
"Excuse me Miss" tawag ko sa babaeng mukhang maldita.
"Yes?, oh! Kanina pa kita hinihintay, sige pasok ka" ehh? Hanudaw?! Ako papasok? Saan?
"Saan po?"
"Sa loob alangan naman sa labas? Sige na kanina pa nila hinihintay yan" gaya ng sinabi nya pumasok ako sa opisina teka nga? Opisina ba 'to at wow lang! Mula sa glass window ay kitang-kita ang ganda sa labas at may mga mamahaling instrumento at may mga sofa in short parang nasa sala lang ng mansyon tumingin ako sa kanan ko ay may pintuan na may naka-sabit na 'Do not disturb' ngek? Pano ko to ibibigay eh may ganyang naka-lagay pa-alis na sana ako nang may isang painting at iba't-ibang trophy's at wait! Bakit di ko to napansin agad?.
"Tapos ka na bang mag-sight seeing?" yung boses na yun! Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko JN at Ram!
"Ehh?" sh*nga ka Arvy! Umayus ka lokretang babaita!
"MC's chicken delivery!" inabot ko kay Ram ang dala ko at di ko maiwasang manginig dahil sa di ko malaman na emosyon."Chill lang Chicken girl" tinawag akong chicken girl ni Ram! Dapat na ba akong kiligin? Kyahhh, nako po gusto kong tumalon at mag-wala kaso di ko magawaa.
"Sir y-yung, bayad po" inabot sakin ni JN ang bayad nang pa-labas nako ay may lumabas sa pintuan na mas lalong nagpa-nginig sa buong sistema ko. Di pa ako naka-move on sa nang-yari kanina eh!
"Hey flat anong ginagawa mo dito?" wika ni Vin na naka-ngisi. Tama! Si Vin yung nabangga ko kanina.
"K-kase..." mag-sasalita pa sana ako pero parang nalunok ko ang sarili kong dila dahil sa isang diwata na lumabas sa pintuan.
"Kilala mo sya babe?" pati sa pananalita ang hinhin at para kang nilalambing, pero teka? babe? So? Sila nga for real! Aray naman. Sabagay maganda si Daire bagay sila ni Vin.
"Siya yung naka-bangga sakin kanina babe" ouch puso ko bes! Sila na nga! Wala na finish na may nanalo na may VINDRE na!
Ngayon ko lang napag-tanto lahat ng Purple7 ay nasa harap ko. Kung siguro sa ibang pag-kakataon tumalon nako sa tuwa pero ngayon nawalan ako ng gana. Sa suot palang nila mamahalin na eh ako? Naka-head band ng manok at may apron pa na may drawing ng manok, fries at burger. Ang ewan ko talaga malamang isa lang akong fangirl, isa lang ako sa milyong-milyong humahanga sa kanila.
"Sige po, ma'am at sir enjoy your MC's Chicken and fries" pinilit kong ngumiti sakanila bago maka-labas.
Dali-dali akong pumasok sa elevator at pinindot ang 'G' pero bago pa tuluyang sumara ay may isang pumasok pero di ko na pinansin dahil naka-tuon ang atensyon ko sa sahig.
"Name your price!" nanlamig ako dahil sa tono ng pananalita nya kaya agad akong napa-tingin ka Vin.
"Pinag-sasabi mo?" matapang kong sinuklian ang pamatay nyang titig.
"Wag ka nang umarte na parang walang nakita at narinig, uulitin ko name your price" kalmado ang pagkaka-sabi nya pero punong-puno ng awtoridad.
"Pwede bang diretsuhin mo na ako" sayang Vin gustong-gusto pa naman kita.
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.