Pag-gising ko ay napansin kong nasa white house parin ako at pasado alas-sais na pala at madilim na sa labas. Dahil sa shokoy na nagtakip ng panyo sa ilong ko kaya diko na-enjoy ang espesyal na araw ko.
"Arrghh!! Sino ba kase yung shokoy na yun! Maka-labas na nga!" padabog akong lumabas sa kwarto ko at nanlaki ang mata ko dahil tumambad sa harapan ko ang isang box na may pulang ribbon.
"HAPPY BIRTHDAY PIKACHU!" naShock ako hindi dahil sa kusang nagbukas ang box kundi dahil sa taong tumayo dito at binati ako. "Luh? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo? Ano sabihin mo? Oi Pikachu" lumabas sya mula sa box at lumapit sakin.
"Kase..." sa lahat ng tao di ko inaasahan na si Vin ang unang babati sakin pero mas di ko inaasahan na alam nya at sosorpresahin nya ako sa mismong espesyal na araw ko kaya naluha ako sa sobrang tuwa. Maya-maya pa ay naramdaman kong niyakap nya ako at pinapa-tahan.
"Tahan na. Birthday na birthday mo umiiyak, di ka ba natuwa sa surpresa ko?" dahan dahan akong humiwalay.
"Vin. Salamat. Mula noong naging idol kita ni minsan di sumagi sa isip kong mang-yayari to na ikaw babatiin ako? Napaka-imposible at higit sa lahat di ko inakala na makikilala mo ko. Salamat Vinvier Lenhart" naramdaman ko nanaman ang luha ko dahil kung dati sa panaginip lang ang lahat ng ito ngunit ngayon?... Teka nga! Baka panaginip parin to! Naloko na!
"Oi Pikachu! Bakit mo kinukurot ang pisngi mo, ayan tuloy! Hahaha. Para ka nang ulit si pikachu"
"Waahh! Di to panaginip! Totoo to! Thank you Vin!" sa pagkakataong ito ako naman ang yumakap sa kanya ng sobrang higpit at gumanti naman sya.
"No, thank you Arvy Austria"
"Did you..." di ko natuloy ang sasabihin ko dahil sa sobrang lapit ng mukha nya yung tipong magka-dikit ang aming ilong kaya maling galaw ko lang ay mahahalikan ko ang labi nya pero parang naestatwa ang katawan ko dahil kahit sinisigaw ng isip kong lumayo pero sabi naman ng puso ko manatili akong ganito kaya di ko maiwasang titigan ang mga mata nya at ganun din sya di ko mabasa kung ano ang nais iparating ng mga titig nya.
"EHEM"
Nanlamig ako dahil nang-yari ang di inaasahan.
"Hintayin nalang namin kayo sa labas, sorry sa istorbo" naka-ngising wika ni Jim
"Sige lang dude, tuloy niyo na. Sorry" lumabas na din si JP at ganun din ang expression nya at sabay peace sign pa.
"Sorry" sabay naming sambit.
"Ah, here. Wear this" kinuha ko ang inabot nya saking paper bag at dali-dali akong pumasok sa kwarto at gumulong gulong sa kama..
"Waahhh!! Yung first kiss ko! Wala na! Dapat sa taong mahal ko ibibigay eh, pero..." bumangon ako at muling tumili
"Kyaahhhh!!!"
"Pikachu?" nanlaki ang mata ko dahil sa biglaang pag-pasok ni Vin.
"Kanina ka pa dyan... I mean sa labas?"
"Yup, bakit ka sumisigaw at bakit ang pula ng pisngi mo?"
"W-wala to" lumapit sya sakin at sinuri akong mabuti.
"Sure ka?" tumango ako bilang pag-sagot "Sige, hihintayin kita sa labas"
Naligo nako at isinoot ko ang bigay sakin ni Vin na dress isang simpleng puting dress na sakto lang ang haba at may konting sky blue sa laylayan isinoot ko rin ang flat shoes kong may konting crystal. Nag-pulbo lang din ako at nilagyan ng konting lip tint ang labi ko. Ayan tapos na! Mas simple, mas maganda!
Lumabas ako sa kwarto at naabutan kong nasa sala pa si Vin naka-talikod sakin at tinitignan ang mga pictures sa may dingding.
"Vin" tawag ko sakanya kaya lumingon sya at...na-tulala sya. Ni hindi nga kumukurap. "Oi! Laway mo! Tumutulo na! Ayan oh"
"Hah?" ang-cute nya tignan parang ang inosenteng bata lang na pinupunasan ang kanyang laway gamit ang manggas ng kanyang damit.
"Pftt! Hahahaha. Para kang bata! HAHAHA"
"Sige lang Pikachu! Tawa pa"
"HAHAHA"
"Kabagin ka sana!"ngek! Nag-walk out ni koyang Vin. Pikon.
"Oi. Teka lang, ito naman pikon agad"
"Joke lang" ang sarap pag-masdan ang ngiti ng taong gusto mo lalo na sa malapitan. "Tara na, kanina pa siguro sila naghihintay satin" inakbayan nya ako at lamabas sa bahay patungo sa tabing dagat.
"Sila?" muli syang ngumiti at nag-lakad patungo sa pupuntahan namin pero di parin nya tinatanggal ang pagkaka-akbay nya sakin.
"HAPPY BIRTHDAY ARVY!" bati sakin ng mga kaibigan ko at nandito din ang P7. Napatingin ako sa paligid punong-puno ng ilaw na naka-palibot kung nasaan kami at may mga naka-helera na iba't-ibang klaseng pag-kain sa malaki at pabilog na mesa at may malaking chocolate cake may bonfire din. Ang kaninang naka-off na sound system ay in-on ni Ram pero di masyadong malakas.
Pinuntahan ko ang kaibigan ko at niyakap ko sila. "Salamat mga baks, akala ko nakalimutan nyo na ang kaarawan ko"
"Makakalimutan ba namin yun?" wika ni Mj habang punupunasan ang luha ko
"Oo nga, baks at di ka lang dapat samin magpa-salamat pati di kina Ram" wika naman ni Weba.
Tama si Weba pero pano ba nila nalaman na kaarawan ko ngayon? Di bale matatanong ko naman sila next time kung meron pang next time.
Pina-upo ako ni Weba at Mj sa gitna at nilagyan ng flower crown sa ulo ko. Maya-maya pa ay lumapit si Vin sakin at inilahad nya ang kanyang kamay.
"Pwede ba kitang maisayaw Pikachu"
Ngumiti ako sakanya at inabot ko ang kamay nya.
(Now Playing: SCENERY by BTS V)
Sumayaw kami ni Vin. Sa tabing dagat sa ilalim ng maraming bitwin at bilog na buwan, a beautiful scenry and a unforgettable dance with the man I like the most.
"Your so simple and yet beautiful" sambit nya sakin habang naka-tingin saking mga mata.
"S-salamat Vin, salamat sa lahat ng ito. This is the best gift ever" di ko kaylangan ng mga materyal na bagay ito lang sapat na.
"Wala yun. Ako nga ang dapat magpa-salamat sayo"
"Para saan?"
"Sa panahong pinag-tabuyan ko ang lahat nanatili ka parin sa tabi ko, sa tuwing umiiyak ako nandyan ka para pagaanin ang bigat na nararamdaman ko at ikaw na pikachu ang nagpa-ngiti ulit sakin"
"Sus maliit na bagay lang yun Vin" para sayo Vin, lagi akong nandito.
"Oo maliit na bagay parang ikaw...maliit at flat" abat!!
"Oi!" sabay palo sa braso nya "Sadyang matangkad ka lang talaga 5"6' kaya ako at... Di ako flat!"
"Kahit na si pikachu ka naman"
"Oo na!"
"Dapat ako si Ash para partners tayo, kung nasan ako nadun ka din"
"Hello? Nakalimutan mo na ba? Sikat ka tas ako ordinaryong fan mo lang" taas din pala ng imaginasyon ng Vin na to eh! Pero di bale gusto ko parin sya.
"So?"
"Anong so?"
"Wala, let's just enjoy this night" tama sya iEnjoy ko nalang ang gabing to baka bukas wala na. Sulit sulit din pg may time.
"I WANT TO MAKE YOU MINE"
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.