Tuluyan nang lumubog ang haring araw at isa-isa nang nasilabasan ang mga bitwin at ang pinaka-gusto ko sa lahat ang bilog at maliwanag na buwan. Sobrang payapa sa lugar na to. Malayo sa ingay at gulo. Naisip ko pag nag-asawa ako, gusto kong tumira dito at dito kami bubuo ng pamilya.
"Para kang baliw dyan" ehh?? Nandito pa sya. Pano ba naman kase di sya nag-sasalita mula kanina. Ang akala ko tuloy wala sya.
"Baliw sayo" sigaw ng isip ko.
"Baliw ka nga talaga" napa-tingin ako sakanya at di ko akalaing nakatingin pala sya sakin.
"Ang ganda ko naman para maging isang baliw" grabe to.
"Maganda nga flat naman" tinawag nya akong maganda pero ano daw?!
"Wag mong seryosohin yung sinabi ko, di ka maganda. Jowk lang yun kaya wag kang mag-blush dyan para kang si pikachu""Ano?! Kuryentihin kita dyan eh" maka-panglait to. Kung di lang kita ultimate idol.
"Sige nga" aba't!
"Pikachu tunder volt! Pika-pikachu!!" napa-hawak sya sa kanyang tyan habang tumatawa.
"Nakaka-tuwa ka palang kasama flat" may pangalan ako. Arvy Austria! Pero di mo naman tinatanog kaya wag ko nalang sabihin.
"Ano ako clown? Kuryentihin ulit kita dyan eh, aray! Mashaket!" pang-gigilan ba naman ang pisngi ko.
Kruukruu
"Nagugutom ka?" gusto kong tumawa dahil sa pang-tango nya. Para syang bata uwu!!
Dahil sa gutom sya pumasok muna kami sa bahay at pina-upo ko sa sya at kunin ang kakainin nya.
"Pasensya ka na Vin ah, eto lang kase ang meron ako dito" inilapag ko ang nabalatan na pinya, mangga at tatlong hiwa ng watermelon.
"Wow! Paborito ko salamat ah" agad nyang nilamon ang mga prutas na binigay ko. Ang yaman ng lalakeng to pero parang bata kung kumain.
"Di ka pa ba aalis?" napa-tigil sya at tumingin sakin.
"Pinapa-alis mo na ba ako?" waahh. Yung puppy eyes nya.
"Hindi, teka nga sa pagkaka-alam ko nag-iisa lang ang bahay na to dito, pero bakit nakarating ka dito?"
"Naka-check in kami sa hite and resort malapit dito at gaya ng sinabi ko dinumog ako ng mga tao kaya napadlad ako dito" napa-O nalang ako bilang pag-sagot. "Nga pala pikachu, P7ians ka pala"
"Ehh?"
"Anong ehh? Ayun oh poster namin" turo nya sa poster nila dito, halla! Bakit ko ba nawala ko naman sa isip ko ang tungkol sa poster na yun.
"Oo, idolo ko kayo"
"Kung ganun bakit naka-tayo ka pa dyan? Yung iba nga madaan lang namin nghi-hysterical samantalang ikaw nakausap ko na at nahawakan pa pero ayan, di ka man lang kiligin" hayy kung alam mo lang Vin, sa loob ko nakoo!! Sabog na ovary ko! Charoot.
"Kinikilig naman, pero mas gusto pag sumasayaw at kumakanta na kayo. Sa totoo lang ngayong medyo nakilala ko kung sino ka parang mas lalo kitang iniidolo hindi dahil sikat ka kundi dahil kung sino ka talaga" pang-amin ko. "Mashaket" tinampak ko ang kamay nya dahil sa pangu-ngurot nya saking pisngi.
"Siguro ako ang bias mo noh?"
"Pano mo nasabi?" yayy oo ikaw nga!
"Kase pagkinu-kurot kita namumula ka"
"Ikaw kaya ang kurutin ko sa pisngi tignan ko lang kung di ka mamula" grabe tong taong to.
"Sabi ko nga! Sagutin ko lang to" wika nga at pina-kita sakin ang mamahaling cellphone nya. Nahiya naman yung China phone ko.
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.