Chapter 7

1 1 0
                                    

"Anong ginagawa nyo dito?"

"Relax ka lang chicken girl" relax? Pano?! Yung P7 nasa harap ko!

"Lagi ka bang nganga pag-kaharap mo kami?" wika ni Jim

"Eh? Teka nga bakit kayo nandito? Anong kaylangan nyo at pano nyo nalaman kung saan ako naka-tira?" at bakit wala si Vin?

"Kung napapansin mo wala si Vin" panimula ni Ram. Hala di kaya...

"Hoy! kung iniisip nyo kung dinukot ko si Vin, nagkaka-mali kayo. Wala akong alam kung nasan man sya"

"Pwedeng patapusin mo muma si Ram" wika naman ni JP. Oo nga naman Arvy!

"Yung kuma-kalat sa social media, yung kay Vin at Daire matagal na yun. It was a year ago" ha?

"Di..." agad na tinakpan ni JN ang bunganga ko.

"Patapusin mo muna kase sya" wika ni JK. Eto na nga eh!

"Oo sa Korea yun at yung mga nagkalat na pictures nila ay kuha ng isang paparazzi na sumusunod sa kanila"

"Eh anong kinalaman ko dun?" paparazzi ba ako?

"TAHIMIK!" maka-sigaw ang mga to!

"OO NA ETO NA!"

"Nagalit si Daire kay Vin. Iniisip ni Daire na si Vin ang nagpa-kalat ng past nila para bumalik ito sakanya pero walang kaalam-alam si Vin dito"

"Shjksb" waahh tinakpan na ni JN ang bunganga ko! Buong lakas kong inalis ang kamay ni JN.
"Teka nga! ang dami nyo pang sinasabi pwedeng straight to the point na"

"We need you to take care of Vin. Mula noong lumabas ang balitang yun di na sya lumabas sa condo nya at ayaw nya kaming papasukin kahit ang isang staff, ayaw din nyang humarap sa mga interview, and worst di na sya kumakakain at lagi syang lasing. Sa friday magpe-perform kami sa school nyo at malaking isyu kung di sya maka-punta"

"Bakit magiging malaking isyu? Edi pag-tinanong nila kung asan si Vin edi sabihin nyong kasama ni Daire" easy!

"Makinig ka kase pwede?" suplado ng gatas na to.

"Sa isang interview sinabi ni Daire na fake news yun at kagagawan lang ng mga paparazzi at sa simula palang marami nang tutol sa relasyon nina Vin at Daire lalo na ang mga toxic fans(isa na yung ayaw nilang makipag-relasyon ang P7)" kaya pala sinabi sakin dati ni Vin na gusto nyang protektahan si Daire.

"At pano ko haharapin si Vin eh diba sainyo na mismo nang-galing na ayaw nyang mag-papasok na kahit na sino sainyo, edi mas lalo na ko!" isip-isip nga mga tol!

"Baka sakali lang naman e" wika ni JP

"At ikaw lang ang bukang bibig nya lately" wika naman ni JK. Ang sasama siguro mg sinasabi nya. Eto nanaman ako.

"Kaylan ba ako pupunta doon?"

"Ngayon" wika naman ni Jim

"Ano?!"

"Huy! Bakit ka ba sumisigaw dyan bakla?!" nganga silang dalawa ni Weba.

"Talaga bang ganyan?"

"Ewan" sagot ko sa tanong ni JN

"Tara na" kaya ko ba?

"Ge, mauna na kayo dun. Kakausapin ko lang mga kaibigan ko"

"Tell me baks, am I dreaming?" tanong ni Mj sakin.

"Hindi, mga baks kaylangan ko munang umalis. Pag-balik ko sasabihin ko ang lahat, bye!" waahh disisitpansit!

Iba talaga ang mayaman may mansyon na nga may condo pa. Hanep!

ONE of the CROWD Where stories live. Discover now