"Tulong!" Pilit nila akong pinasok sa loob ng van. "Waahhh, mga kuyang mahirap lang po ako wala kayong mapapala sakin wag nalang ako at iisa na rin po ang atay ko. Kaya please po pakawalan nyo na po ako"
"Hoy Pikachu wag ka ngang mag-thunder volt dyan" waahh, yung kidnaper tinawag akong Pikachu. Teka nga!
"Vin!" nanlaki ang mata ko dahil katabi ko si Vin at napatingin ako sa left side ko.
"Itikom mo nga yang bunganga mo mamaya mapasukan pa yan ng langaw" oh my gawd! Si Sim! At sa likod nandun sina Jim, JK at JPna naka-ngisi sa harap naman ay si Ram samantalang si JN ang nagmamaneho.
"Ang gu-gwapo nyo naman para maging kidanaper" kung sana alam ko na kayo pala ang sakay ng van na to edi sana kusa nalang akong sumama. May pa Run Run Run pa akong nalalaman.
"Sino ba naman kaseng nag-sabing kikidnapin ka namin?" ani ni Jim. Matangkad kaya sya pag naka-tayo na?
"Sabi ko nga. Teka nga anong balak nyo?"
"Nakita kita kanina kaya isasabay ka nalang namin pauwi, ikaw tong tumatakbo dyan eh" wika ni Vin.
"Malay ko ba kaseng kayo yun! Hello? Uso kaya kidnap for ransom" pano nalang kung ganun na nga?! Edi wala! Forever na akong bihag!
"Wag ka ngang maingay, inaantok na ko" tignan mo tong taong gatas na to ang sungit. Oo na titigil na.
"Diba ikaw yung chicken girl?" tanong sakin ni Ram.
"Oo ako nga, bakit?"
"Magka-kilala kayo ni Vin? I mean close friend or something?" di ko nga alam kung friend ang turing nya sakin.
"Syempre kilala ko si Vin, sikat kaya kayo" at ultimate bias/ crush ko kaya sya.
"Ok, sabi ko nga" aniya
"Hoy Pikachu! Gising na" aray ko tenga ko.
"Ba't ka ba sumisigaw dyan?!" katabi ko lang sya pero parang ilang bundok na pagitan namin.
"Nandito na kase tayo, di namin alam kung saan ka naka-tira kaya diniretso ka nalang namin dito sa AA Entertainment bldg" napa-tingin ako sa labas.
"Ba't ang daming sasakyan?"
"Malamang nasa basement tayo, parking area! Malayo pa ba dito ang bahay nyo?"
"Oo eh" bumaba na kami sa van at kami nalang pala ang nandito "Vin salamat"
"Wala yun, saan ba bahay nyo? "
"Malapit sa Tropical village, sasakay nalang ako sa dumadaang jeep dyan"
"Sumabay ka nalang ulet sakin, hintayin mo nalang ako dito kukunin ko lang amg sasakyan ko" waahh. Nako po! Sige gusto ko yan Vin!
"Ok"
Maya-maya pa ay may huminto sa harap ko na itim na Mustang Shelby GT350
"Pasok na" NGANGA! Ang astig ng dating nya at perstaym ko to! "Huy! Ano na?"
"Ah Eh? Eto na" dali-dali akong pumasok sa Mustang nya. Ang yaman ng taong to! Naisip ko tuloy ang bahay nila.
Naka-tingin lang ako sa labas habang pauwi samantalang sya kausap si Daire. Sana pala di na ako sumabay yan tuloy para kong tinu-torture ang sarili ko. Naka-ilang I Love You na sya at miss na miss na daw nito. Parang kagabi lang mag-kasama sila! Halatang mahal na mahal nga nya ang dalaga.
"Vin, dito nalang ako" wika ko nang maibaba nya ang tawag.
"Hah? Wala pa namang bahay dito ah?"
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.