Pumunta kami ni Vin sa upuan na gawa sa kawayan sa likod ng aming bahay.
"Tungkol ba to sainyo ni Daire?" ang engot mo Arvy! Halata na nga eh! Tinanong pa!
"Oo, bakit ganun Pikachu? Ang sakit sakit na" aniya habang umiiyak. "Mahal na mahal ko sya, pero bakit ang dali para sakanya na iwan ako?"
"Siguro kaya tayo iniiwan ng mahal natin kase may ibang naka-laan para satin, oo masakit pa sa ngayon pero kung di talaga kayo edi hindi, pero kung lalaban ka pa siguraduhin mong makakaya mo pa, dahil baka sa susunod di mo na kayanin pa"
"Mahal ko sya Pikachu"
"Kung mahal mo edi ipag-laban mo at wag kang susuko" ang sakit pala ng ganito yung ikaw ang nagpu-push sa taong gusto mo.
"Sinubukan kong kausapin sya pero, sh*t lang pinag-tabuyan ako at mas pinili nya ang career nya kaysa sakin" para sakin hindi bakla ang isang lalakeng umiiyak, para sakin sila ang tunay na lalake dahil di sila takot ipakita ang tunay nilang nararamdaman. "Ang sakit Pikachu, gustong kong mag-lasing kaso pag-gising ko maaalala ko lang ang katotohanang iniwan nya ako" tuloy-tuloy parin ang pag-agos ng luha nya at gaya ng dati niyakap ko nalang sya dahil ito lang ang tanging magagawa ko.
"Tahan na" tama na Vin.
"Hoy baks! Mukha kang panda!" wika sakin ni Mj
"Grabe to! Huy! Nag-ensayo lang ako kagabi ng kakantahin ko" sige lang Arvy! Mag-sinungaling ka pa!
"Sus! Excited"
Kung alam nyo lang!
Friday ngayon at gaya ng dati nandito ulit ako dito sa white house. At least dito tahimik at ako lang mag-isa.
"PIKCHU!!" binabawi ko na di ako mag-isa!
"Bakit ba?!" Anong ginagawa nya dito?
"Ayaw mo atang nandito ako eh" advance tong mag-isip
"Hindi naman sa ganun pero, wala ka bang gagawin o practice?" ang alam ko busy sila sa ngayon.
"Wala pa kaming gagawin dun at saglit lang naman ako dito, nga pala tuwing friday ka lang pumunta dito?"
"Oo, bakit?"
"Wala naman"
"Teka ano ba yang dala mo?" kanina ko pa napansin yun dala nyang basket.
"Pag-kain picnic tayo dun" turo nya sa dalampasigan, sakto di ako nag-baon ng pag-kain ko.
"Sige, gusto ko yan!" abot tengang ngiti ko.
Habang inaayos ang kumot ay napa-tingin ako kay Vin, gaya ulit ng dati. Malungkot na naman sya at nung tumingin sakin ay ngumiti.
"Ang plastik ng ngiti mo"
"Bakit na naman?" maang-maangan lang?
"Kahit anong ngiti mo di mo parin maitatago ang tunay na nararamdaman mo" Smile can hide everything.
"Tuluyan nang umalis si Daire papuntang syang Korea pinigilan ko kaso umalis parin sya. At alam mo bang pinapili ko sya kung ako ba o yung career nya. Pinili nya yung career nya"
"Kung alam mo na ang sagot, wag mo na kaseng tanungin, parang ikaw na mismo ang sumaksak sa puso mo"
"Di ko na alam ang gagawin ko kung wala ka pikachu" aray ko!
"Yung pinsngi ko" ugali na nya ata ang kurutin ang pisngi ko.
"Kumain na nga lang tayo, aalis na din kase ako mamaya" binuksan nya ang basket at inilabas ang spaghetti, chicken lollipop at ice cream. Inabot nya sakin ang isang plato na puno ng pag-kain. Nag-laway tuloy ako dahil sa spaghetti dahil ang daming meat balls.
"Salamat" agad kong nilantakan ang spaghetti at yung isang kamay ko ay may hawak ng isang chicken lollipop. Sarap!
"Kumain ka na Vin"Maya-maya pa ay tumawa sya, yung totoong tawa.
"Anong tinawa-tawa mo dyan?" wika ko kahit puno ng pag-kain ang bibig ko.
"Para kang bata kung kumain pikachu, at narealize ko para ka talagang si pikachu naka-dilaw at namumula at parang siopao yang pisngi mo tas isama pa yang bilbil mo" ano daw? Bilbil? Hello ang sexy ko kaya! Pero atleast naka-ngiti na ulit sya.
"Pikachu pala ah, ayan! Bleh!" pinahidan ko ang mukha nya ng ice cream. Wrong move Arvy! Waahh takbo!
"Hoy pikachu bumalik ka! Pag ikaw nahuli ko ikukulong talaga kita!" ayaw ko na po! Ang bilis nyang tumakbo! Sa tangkad ba naman nya kase.
"Huli ka! Ikukulong na kita sa Pokemon ball" waahh. Pero teka nga niyakap nya ako mula sa likod.
"Waahh, suko na ko!" mas lalo pa nya hinigpitan ang pagkaka-yakap nya sakin.
"Mula ngayon bihag na kita" hayy nako Vin, kahit hindi mo ako ikulong matagal mo na akong bihag.
Kanina pa naka-alis si Vin at ako eto naka-tunganga pinapanood ko ang bawat pag-hampas ng alon sa paa ko. Alas-otso na pero di pa ako inaantok. Maya-maya pa ay naisipan kong pumasok dahil lumalamig na ang simoy ng hangin. Naka-isip na rin ako ng kakantahin ko sa intrams. Maya-maya pa ay nag-ring ang cellphone ko. Isang tawag mula sa unknown number. NiReject ko agad at maya-maya pa ay tumawag ulit. Masagot na nga!
"Hello?" ang ingay! Siguro nasa bar ang caller. Papatayin ko na sana nang bigla syang nag-salita.
"Mahal na mahal kita Daire, bumalik ka na please" umiiyak nanaman sya. Hanggang kaylan ka ba iiyak Vin?
"Vin si Pikachu to!" di ko na hinintay ang sagot nya at binababa ko na ang tawag. Makatulog na nga.
Maaga akong nagising at kinapa ko ang cellphone ko kase kanina pa may tumatawag.
"Hello?"
"Bakla!" agad kong inilayo ang cellphone sa tenga ko.
"Bakit?"
"Open mo twitter mo dali!"
"Oo na, sige bye" binaba ko ang tawag at sinunod ang sinabi ni Mj.
Sana pala di ko nalang sinunod si Mj. Bumungad sakin ang picture ni Vin at Daire sa South Korea na magka-yakap. May caption pa na 'I will fight until the end' at may hashtag na #VindreForReal. Agad kong binaba ang cellphone ko. Diba kahapon lang umiiyak si Vin at kahapon umalis si Daire? Pero ngayon sila na ulit at ang saya pa nila. Hayys Arvy! Tapos na ang role mo sa buhay ni Vin. Di na sya pupunta dito o samin o kahit pa sa trabaho ko para may lang may maka-usap. Sa buhay ni Vin isa akong panyo na syang pupunas sa kanyang luha at ngayon di na nya ako kaylangan, ganito siguro pag fangirl ka lang. Di baleng masaktan ka wag lang ang idolo mo o ang taong gusto mo. Sana pala tumakas na ako noong panahong ikukulong nya ako.
Monday na at mukha na naman akong human panda na zombie kung mag-lakad. Sina Weba at Mj puro sila Vindre at ako nakikisali din. Ayaw kong ipakita sa kanila na apektado ako sa relasyon ni Vin at Daire.
"Bakla tignan mo to" pinakita sakin ni Weba ang pictures ng Vindre na mag-kasama at ang sweet nila.
"Ang sweet nila at bagay na bagay pa" wika ko ng walang halong kaplastikan pero may halong kurot.
"True! Teka nga asan ba kase yung cellphone mo?"
"Ayung nag-give up na!"
"Ano ba yun?" turo ni Mj sa kumpol ng mga tao sa gymnasium.
"Tara tignan natin"
Dahil intrams ay walang klase kaya mas pinili kong umuwi at doon nalang mag-praktis. Pag-dating sa bahay ay agad akong nag-palit at dumiretso sa likod ng bahay. Nanlaki ang mata ko dahil sa mga taong naka-talikod.
"Anong ginagawa nyo dito?" trespassing na to ah!
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Novela JuvenilHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.