ARVY
Sumibol ang kakaibang paki-ramdam sa puso ko dahil sa boses ni Vin na di ko maipaliwanag kung naiinis ba sya o galit o sadyang assuming lang talaga ako? Kase kung galit man sya ay wala akong makitang rason para magalit sya.
"Pinag-sasabi mo?" tangkang tanong ko.
"Wala"
"Akala ko ba nasa L.A pa kayo?" ayon kase sa update na nabasa ko.
"Kahapon pa kami naka-uwi"
"Ganun?"
"Yea" anong klaseng kausap to? Isang tanong isang sagot. Bahala sya basta ako diretso na ako sa kusina at nilagay sa ref ang mga tsokolate pagka-tapos naman nun ay kinuha ko ang flower vase at nilagay ko ang binigay ni Hans na rose.
Nasa sala lang sya pero bakit parang ang layo parin namin sa isa't-isa? Kung sabagay ako lang naman kase ang umaasa. Sa aming dalawa ako lang yung talo, sa dinami-dami ba naman kase ng nagma-mahal sa kanila di na nya kaylangan ng pagmamahal na alay ko. Ni hindi ko nga alam kong bakit nya ginagawa to. Ayaw kong bigyan ng mas malalim na kahulugan ang lahat ng to dahil sa huli ako lang ang lugi! Ako yung TALO! Kaya hanggat nandyan sya iEnjoy ko nalang muna.
"Anong ginagawa mo dito? Ba't ka naka-pasok? Trespassing yan ah!"
"Baliw! Di nyo nai-lock kaya ang alam ko may tao kaya pumasok nako kaysa naman may makakita sakin sa labas"
"Kahit na! Oh eh anong ginagawa mo dito?" ako
"A-ano..."
"Ano nga?"
"I just want to see you" halos pabulong na wika nya. Eto na nga ba sinasabi ko! Konti nalang bibigyan ko na yan ng mas malalim na kahulugan.
"Suss! Ikaw Vin tigil-tigilan mo ko baka mamaya maniwala ako dyan sa kabaliwan mo" mas mahinang bulong ko sa last part.
"May sinasabi ka?"
"Wala! Congrats nga pala. Lahat ng pinuntahan nyo naging successful ang concert nyo, lahat sold out!"
"Haha, salamat. Para sa mga fans naman yun, binabalik lang namin ang pagma-mahal ng binibigay nila"
"Sila lang?! Eh pano naman kaming walang pambili ng ticket para sa concert nyo?"
"Syempre kasama na rin kayo dun, kahit na di man namin kilala yung iba nagpapa-salamat parin kami sa effort nila kahit na sa simpleng bagay man lang mapasalamatan namin kayo"
"Oo nga pero ang swerte parin nila ano?"
"Bakit? Dahil sila nasa mismong concert?"
"Oo! Ang daming moments na dapat makita din namin kaso, wala eh! Kapos sa pera"
"May video naman"
"Alam ko. Kaya nga dun nalang kami umaasa eh pero nakakainggit lang. Kumain ka muna pag-pasensyahan mo na ito lang ang meron kami" inilapag ko sa mesa ang nilagang saging.
"Salamat. Diba nga dapat sila ang maiingit sayo?"
"At bakit? Eto nga ko di makapunta sa concert"
"Dika nga maka-punta sa concert pero ako naman ang pumupunta sayo"
Ano ka ba Vin! Wag kang ganyan! Kung magpa-kilig ka naman eh!
"Hahaha. Mas maswerte parin talaga ako noh?"
"Syempre! Ikaw ang pikachu ko eh!" wika nga habang kinukurot ang pisngi ko. Namiss ko pala tong samahan namin. Idol and fangirl relationship.
"Masakit!"
"Ang cute mong masaktan"
Whaaat!!! Kaylan pa naging cute ang masaktan?! Baliw din tong idol ko eh! Ano?!
"Aray! Bat mo ko binatukan?"
"Ang gwapo mo rin palang masaktan"
"HAHAHAHA"
"Sana Pikachu, walang mag-bago sa samahan natin"
"Oo naman, ang samahan natin ang isa sa pinaka-magandang bagay na nang-yari sa buhay ko Vin"
"Laking pasalamat ko at nakilala namin kayo, biruin mo yun? Yung akala kong simpleng pag-tapon mo lang sakin ng gulaman ay syang babago pala ng takbo ng buhay natin"
"Suusss! Ano to? Maalala mo kaya? Oh geh umpisahan na natin. Dear Charo...Aray ko!" batukan ba naman ako
"Ang ganda na ng moment eh! Panira ka talaga!"
GROWWLLKK
"Sinong panira?"
"Gutom na ko Pikachu" wika nya habang hinihimashimas ang tyan nya na animong parang bata.
"May binili si Hans kanina sa isang kainan, wait lang ihahain ko lang"
"Hep! Hep! Hep!" hinawakan nya ang kamay ko kaya natigilan ako.
"Oh? Bakit? Akala ko ba gutom ka?"
"Oo"
"Eh naman pala eh! Ihahanda ko lang ang pag-kain"
"Iihhh" pangdra-drama nya na parang batang nawalan ng candy.
"Hala para kang bata Vin"
"Ah basta! Ayaw ko nung bigay ni Hans" wika nya habang humahalikipkip ang kanyang braso.
"Edi padeliver ka! Yung sayo!"
"Pero... Aiisstt sige na nga! Teka lang" wika nya habang may kinakalikot sa cellphone nya.
Kaya habang hinihintay ko syang matapos ay inayos ko ang mesa sa kusina at nag-handa ako ng fruit salad.
"Tumawag ako sa bahay, gusto ko homemade spaghetti. Ano yan?"
"Fruit salad"
"Tulungan na kita"
"Sige, paki-hugasan at hiwain mo tong mga apples"
"Ganito ba?" pinakita nya sakin ang paraan nya ng paghiwa ng apple.
"Oo. Akin para ihalo ko na" pinanood nya akong paghalo-haloin lahat ng prutas at ilagay ko ang ibang kasangkapan.
"Sanay na sanay ka ah"
"Oo gustong-gusto namin to eh"
TOK TOK TOK
"Sila na yan, wait lang"
Maya-maya pa ay bumalik sya sa kusina at may dalang tatlong paper bags. Amoy palang nakaka-takam na. Kumain na ako kanina pero nagutom ulit ako. May spaghetti, kaldereta, relyenong bangus, tortang talong, tinola at bistek! Inayos ko ang mesa namin at kumuha naman sya ng pingan.
"Abo? Lagi bang may pakain sa bahay nyo?"
"Wala pero mahilig si mom sa pagluluto"
"E ba't ang payat mo?" sa katunayan di naman sya ganung kapayat. Sakto lang. Naisip ko tuloy ang tinapay na tinatago nya. Ano kayang pakiramdam ng maka-hawak ng ganun?
"Oi, laway mo tumutulo na" dali-dali kong pinunasan ang laway ko. Jusko po! Meron nga nakakahiya at si Vin tuwang-tuwa pa. Lupa kainin mo na ko.
"Ano nanaman ba ang naglalaro sa isip mo Pikachu?"tanong nya habang pinupunasan ang luha nya.
"Wala" gusto ko sanang sabihing ang ABS nya pero dahil nakakahiya yun, wag nalang.
"Ano ang ABS ko?"
"Wala akong sinabi" pandepensa ko.
"Kasasabi mo lang eh, gusto mong hawakan?" Kinuha nya ang kamay nilapit sa may bandang ABS nya. Jusko! Eto na po. Arvy! Wag malandi! Kaya agad ko ding binawi ang kamay ko mula sakanya, pero may parte sakin na nanghihinayang ako.
Tapos na kaming kumain at nahugasan ko na rin ang mga plato kaya pinuntahan ko na si Vin sa may sala. Nadatnan ko syang abala sya sa pagbabasa ng naiwan kong notes sa lamesa.
"Pikachu? Kung hindi ba ako sikat may pagkakataon kaya na maging mag-kaibigan parin tayo?"
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.