VIN
Di ko alam kung pang ano ko haharapin si Daire pero pag nandito si Pikachu alam kong kaya ko. Sa totoo lang sa kanya ako humuhugot ng lakas para harapin si Daire. Sya ang unang babaeng minahal ko. Binigay ko amg lahat ng gusto nya pero sa tuwing kasama ko sya alam kong may mali. Ayaw kong ranungin kong ano iyon dahil alam kong masasaktan lang ako. Noong nag-hiwalay kami gumuho din ang mundo ko sa halos dalawang taon kaming magkasintahan at mahigit isang taon ko syang niligawan. Patago ang relasyon namin dahil alam kong may mga fans kami na ayaw nilang makipag-relasyon kami pero mas pinili parin naming ilihim ang lahat.kaya labis akong nasaktan noong nakipag-hiwalay sya sakin dahil sa lahat ng pag-subok napag-tagumpayan namin.
"Abo, siguro ito na ang tamang panahon para pag-usapan nyo ang tungkol sa inyo" wika ni Arvy.
"Pero..." mas lalo ko pang hinigpitan ang pag-hawak sa kamay nya. Pero imbes na mag-salita ay ngumiti lang sya. "Sige, nasa baba na sina Ram. Hintayin mo ko, mabilis lang to"
"Take your time Abo" dahan-dahan kong binitawan ang kamay nya at pinag-masdan ko sya bago tuluyang sumara ang elevator.
"Anong pag-uusapan natin?"
"Pwedeng wag dito"
Gaya ng gusto nya. Pumasok kami sa kwarto ko, sa tapat lang ng kwarto nina Pikachu.
"It's been a while Vin" naka-ngiting wika nya.
"What do you want?" ang dami pang satsat.
"I'm here to say sorry"
"It's okay Daire, mula noong tayo pa man ramdam ko na. Oo sa una nagalit ako, hindi sayo kundi sa sarili ko. I'm so selfish. Di ko kayang ibigay ang totoong kaligayahan mo" nanlaki ang mata nya dahil sa sinabi ko.
"Vin..."
"Si Sim, sya talaga ang gusto mo diba? Kaso noong sinabi ko sa kanila na gusto kita at balak kitang ligawan dumistansya sya sayo. Ayaw nyang masira ang pagka-kaibigan namin kaya mas pinili nyang magpalaya, mas pinili nyang saktan ang sarili nya at alam kong bata palang kilala nyo na ang isa't isa. Ngayon ako naman, pinapalaya na kita Daire"
"Minahal kita Vin bilang kaibigan ayaw ko nang lokohin ang sarili ko, ang sama-sama ko. Ikaw ang kasama ko pero sya ang nasa isip ko. Patawad" mas lalong bumuhos ang kanyang luha. "Di ko alam kung mapapatawad mo pa ako, ayaw kong masira ang samahan nyo kaya mas pinili kong umalis at hiwalayan kita pero di ako pinapa-tulog ng konsensya ko. Labis kitang nasaktan Vin pero mas mahal ko talaga sya. I'm sorry"
"It's okay Daire" pinunasan ko ang luha nya.
"We're still friends? Right?"
"Oo, naman" kahit papano ay naka-ngiti na muli sya. At kahit alam ko di na ako ang rason para maging masaya sya, tatanggapin ko parin ng buo. Ang mahalaga naging totoo kami sa isa't isa.
"Yung babae kanina, is she your girlfriend?"
"Hindi, kaibigan lang namin"
"Do you like her?"
ARVY
"Oi! Dahan-dahan naman baks! Baka isipin nila na hindi ka namin pinapa-kain sa bahay" Mj
"Ang sarap kase" pagdating ko kanina dito agad akong naka-ramdam ng gutom pano ba kase lahat ng gusto ko nandito.
"Kung pag-kain ang labanan siguro si Arvy na ang makakatalo kay JK" Jim
"Tumahimik ka nga Jim, kaya di ka tumangkad eh" JK
"HAHAHA"
"Sige lang tawa pa"
"HAHAHA"
"Hi guys" natigil amg asaran namin dahil sa pag-dating ni Daire at Vin. Umupo si Daire sa gitna ni Sim at JP samantalang umupo naman si Vin sa harap ko.
"Ito pa o Pikachu" nilagay ni Vina ang isang slice ng chocolate cake sa harap ko.
"Salamat Abo"
"E yung para sakin Vin? Asan?"
"Oi, Ram ikuha mo daw ng chocolate cake si JN" Vin
"Bakit ako? Sige na JN ikuha mo din ako, salamat" Ram
"Bilhin mo nalang kaya ang isang buong cake" wika ni Mj.
"Tama! Sige na Mj samahan mo si JN" JK
"Oh baks, ingat a baka mawalan ka ulet ng balanse. Mahirap na!" Weba
Sa dami ng nakin ko ay nauna na sila sa activities na gagawin namin. Syempre naiwan din si Daire kaya ang awkward kami lang dito sa may pool area.
"Arvy, right?" ang sexy nya! Yung pulang bikini na mas lalong nagpa-lutang ng ganda ng kutis nya.
"Opo Ms. Daire"
"Ano ka ba ang masyadong pormal, Daire nalang" ngumiti nalang ako bilang pag-sagot. "Alam mo, gusto din kitang maging kaibigan pero alam kong naiilang ka sa ngayon pero siguro pag tumagal na ay hindi na"
"Kase, sikat ka tapos ang ganda mo pa"
"Maganda ka naman a, tapos sina JK sikat naman. Mas sikat nga sila kaysa sakin e"
"Naging malapit lang naman kami dahil kay Vin"
"Edi maging malapit din tayo dahil kay Vin"
"Ehh?"
"Hey, don't get me wrong okay? Alam kong may alam ka sa past namin ni Vin pero tapos na yun. Sa totoo lang gusto kong magpa-salamat sayo"
"Para saan?"
"Basta. Salamat Arvy. Oh sige na may gagawin pa kase ako ngayon e. Paki-sabi nalang sa iba na nauna na ako. Bye, see you soon" tumayo sya at naki-pag beso beso sakin.
"Bye Daire. Ingat ka"
"Yung kasama mo?"
"Sino? Si Daire ba?"
"May iba pa ba?"
"Sungit mo! Wala umalis na, may gagawin daw"
"Tsk! Buti naman"
"Ang bad mo"
"You don't know anything" halata sa boses nyang nahihinayang sya. Dahil siguro kaibigan nila si Daire? Pero hindi eh.
"Dahil siguro di ako tsismosa, pero wait! May dapat ba akong malaman?"
"Wala" brrr bakit biglang lumamig ang paligid?
"Oi. Sim! Ano nga kase?" hinabol ko sya at hinawakan ang braso nya pero napa-lakas ang hatak nya kaya nadulas ako.
"Di lahat ng bagay, dapat mong alamin"
"Anong ginawa mo?" galit na tanong ni Vin. Di ko napansing nandito na pala sya.
"Wala to Abo, kasalanan ko"
"May problema ba tayo dito Sim?"
"Wala" Sim
"Alam kong meron, lagi ka namang ganyan eh. Yung walang paki-alam pero sa totoo lang ikaw ang pinaka-naapektohan" Vin
"Di ko alam yang sinasabi mo" Sim
"Sana Sim maging open ka naman samin, kaibigan mo kami pero di mo man lang sinasabi samin ang nararamdaman mo"
"Do you wanna know everything? I love Daire. Nagpa-bigay ako pero sa huli nagka-sakitan lang kayo. Pinili ko ang pagka-kaibigan natin dahil ayaw kong masira ang meron tayo, pero ngayong wala na kayo nagui-guilty ako sa nang-yari" what?!! Oh em!!
"Mahal ka din nya. Wag kang mag-alala Sim una palang alam ko na, ramdam ko at pareho tayong ayaw masira ang meron tayo ngayon, pero sana piliin mo ang magpapa-saya sayo ngayon. At alam kong sya yun" naka-ngiting wika ni Vin. Ibig bang sabihin neto naka move-on na sya? Ang bilis naman ata.
"May isa pa akong sasabihin" Sim
"Ano yun?"
"JK likes Arvy and I guess Ram likes her too"
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.