ARVY
Sa fire exit kami ng shop lumabas ni Vin hanggang ngayon pa ay hawak parin nya ang kamay ko kaya binawi ko.
"Oh ba't ka bumitaw?" napa-tigil si Vin sa pag-takbo dahil sa pag-bitaw ko.
"Yan na yung sasakyan mo oh!" turo ko sa kanyang Mustang. "At ayaw kong masanay kase alam kong sa huli bibitaw ka din" pero syempre di ko masabi!
"Tara na baka, hina-hanap na nila tayo"
Nakaka-binging katahimikan ang bumalot saming dalawa. Seryoso syang nagmamaneho. Hanggang sa di na sya maka-tiis.
"Pikachu..." naputol ang sasabihin nya dahil may tumatawag sakanya. "WHAT?! Ok I'm on my way now. Just wait for me. I'll be there" naka-tingin ako sa kanya na para bang nagta-tanong. "Uuwi na tayo Pikachu, yung mga gamit mo ipapakuha ko nalang kina Ram"
"Hah! Bakit?"
"Nasa Pilipinas ang kaibigan ni mommy at ang..."
"Ang...?"
"Anak nilang babae, si Jana"
"Jana? As in Jana Haquin? Yung sikat na model at artista?"
"Yup, sayo ko lang sasabihin sayo to. May upcoming project kami. Suportahan mo ako ah! Ikaw kase ang number one fan ko Pikachu" napa-tingin ako sakanya dahil sa sinabi nya. Wow! Sabagay maganda si Jana baka nga isang araw ibabalita na nya sakin na nagu-gustuhan na nya si Jana o baka sila na. "Umiiyak ka ba Pikachu?"
"Huh?" pinunasan ko ang pisngi ko, basa nga at parang kinukurot ang puso ko. Saan ba ako nasasaktan? Sa katotohanang may mahal sya iba? O yung katotokanang hanggang fan nya lang ako? Siguro, kase sabi nga nila I was born to be your fangirl but not your girl.
"Ui! Okay ka lang?" naka-ngiting tanong nya. Pero kahit hanggang fangirl mo lang ako Vin at least naging bahagi ka ng buhay ko yun lang masaya na ko.
"Oo, inaantok lang ako" naka-ngiting wika ko.
"Sige gigisingin nalang kita mamaya medyo malayo pa tayo"
"Ok" kasabay ng pag-pikit ko ay bumuhos ulit ang luha ko. Ano ba to? Bakit ganito? Ilang beses ko palang syang nakasama pero bakit apektado nako ang sobra? Mahal ko na ba sya bilang sya at hindi bilang si Vin na idol ko? Natatakot ako na baka mas malalim ang pagka-hulog ko at mahihirapan na akong bumangon. Should I stop being a fangirl now? Pero alam kong di ko na kaya kase parte na sila ng buhay ko lalong-lalo na si Vin. NO! Di ko kayang talikuran ang pagiging fangirl ko. I will always be a fangirl! At wala akong karapatang pigilan ang nararamdaman nya kung dumating man ang araw na makita na nya ang babaeng mamahalin nya ang tanging magagawa ko lang ay suportahan sila at maging masaya para sa kanila.
"Oi! Tulala ka nanaman dyan! Ano na Arvy? Mula noong umalis kayo ni Vin sa hotel ganyan ka na? May nangyari ba?" tanong ni Weba. Dalawang linggo na mula noong umuwi kami ni Vin, sa condo nya ako natulog pero this time sa kabilang kwarto ko na sabi nya mahirap daw akong gisingin kaya binuhat nalang daw nya ako at pinatulog sa kwarto at umalis papunta sa mansyon nila at mula non di na kami muling nag-kita dahil busy sila.
"Oo. So ano na? Kaylan tayo magap-apply sa magiging full time job natin?" tanong ko sa kanila.
"Bukas nalang kaya? Tutal Sabado naman at walang klase tsaka hapon naman ang pasok natin sa MC's" wika ni Mj
"Sige" di muna ako pupunta sa white house ngayon. Malapit na din ang Christmas break kaya balak naming mag-trabaho.
"Kausapin kaya natin si ma'am Remee para mag-full time tayo dun" suwestyon ni Mj.
"Sige subukan natin syang kausapin" pagsang-ayon naman ko naman.
"Oh my!" napa-tingin kami kay Weba at nanlaki ang mata nya sa hawak nyang cellphone. "Look" pina-kita samin ni Weba ang cellphone nya at ganun nalang din ang gulat ko dahil yun yung video nila ng P7 sa Bangkok kung saan masaya sila at higit sa lahat ay pinakilala nila si Jana sa lahat maging si Daire ay nandon din. Masaya si Vin habang hawak nya ang kamay ni Jana at kinakantahan pa nito ang dalaga, naka-ngiti ako pero may kung anong kirot sa puso ko.
YOU ARE READING
ONE of the CROWD
Teen FictionHe's the man of my dream, the one who stole my heart, the one whom I love the most and the man who CAN'T BE MINE. Why?! Because I'm ONE OF THE CROWD. But what if one day, nag-krus ang landas namin. May mababago ba? O baka forever na akong fangirl.