Chapter 3

35 2 0
                                    

Shut up and hold me

Ang haba ng hair talaga. Hindi ko mapigilan ang kilig ko. "Hatid na kita ah." sabi ni kuya. "Baka malate ka." sabi ko. "Hindi 'yan." aniya. Pumayag din ako at dumeretso kami sa school. Pagkababa ko ay nagpaalam na si kuya at sinabi kong dadalaw ako kay Pat mamaya at sabi niya susunduin niya ako sa ospital. Pagpasok ko sa gate ay nagmadali akong pumunta sa classroom ko sa pinakadulong building. hangang 3 lang ako ngayon. Psychology ang kinukuha kong kurso kaya ganito lang ang schedule ko. Sa kamamadali ko ay may nabunggo ako. Si.... Karlo?!

Best friend ni Gian si Karlo. Bat siya narito? Hindi ba dapat ay nandoon siya sa trabaho niya? Ngumiti lang siya at umalis na. Halatang may tinatakbuhan ganun? Hindi ko man lang nakausap. Ang pogi niya padin grabe!

Pagpasok ko sa classroom ay sinimulan ko ulit basahin ang journal. 

Naging masaya ang pag-uusap naming tatlo nila mommy pero nagugulat padin ako dahil pinaalam ni Gian kay mommy na manliligaw siya sa'kin. Tama ba talaga ito?  Ang pinakapoging senior student sa school nanliligaw sakin! Hinatid na ako ni Gian sa bahay kahit sinabi kong sasabay na lang ako kay mommy pero ayaw niya padin. Pagdating ko sa bahay ay naroon na si mommy. Nakangiti lang siya at tinitignan ako na parang may sinasabing pang aasar. Hanggang sa siniko siko niya na ako. "Mom! hala!" sabi ko at tumawa. "Pogi din pala ang anak ni Mrs. Gonzalez eh." sabi niya. Yes mom! Sobra as in Sobra! Ngumiti lang ako. "Pero anak,ligaw ligaw lang muna ah. Dont make sagot sagot first." sabi niya at tumawa.Natawa naman ako ng sobra sa sinabi ni mommy.

Isang araw na lang ay intrams na sa school. Maglalaro daw si Gian ng basketball. Syempre Pat! 

Kasalukuyang nandito ako sa canteen. Kasama ko si Ayee at kinuwento ko sakaniya ang lahat. Sobrang nakita kong kinilig din siya. Gusto ko din sana sabihin na may gusto sakaniya si Karlo pero gusto ko si kay Karlo niya malalaman ito at hindi sa'kin. Hay Aye! kung alam mo lang kung gaano siya patay na patay sa'yo.

Speaking of Karlo? Ayun nadaan ko dito sa school na dapat wala naman siya dito at mukhang may tinatakbuhan. Well, medyo patapos na din ang klase na ito. Kunting minuto na lang. Tinignan ko ang relo ko at saktong natapos na ang klase. Dumeretso ako sa library dahil bakante ko naman hanggang 1. 

Pauwi na ako ngayon at kasama ko si mommy. "Wala ako sa weekend darling, pero pupunta ang mga carpenters sa bahay 2 lang sila at make sure na matapos lahat ng ipapagawa sa kwarto mo at sa kusina. Gagawin nila ang kama mo at ang ibang cabinet at computer table mo." sabi ni mommy habang papasok kami sa bahay. "Yes mom." sagot ko. Bumungad naman samin si Ate Kris at sinabing kumain muna kami. Siya lang ang kasama namin ngayon dahil pinagbakasyon ang iba pati ang driver ni mommy. Habang kumakain kaming tatlo nila mommyat Ate Krisay nagtatawanan kami sa mga kwento namin. Napakasaya kahit wala si dad. Alam kong nagkamali siya pero nasa puso ko padin ang mag-alala pero alam kong masaya siya ngayon. Hay! 

Inaayos ko ngayon ang isusuot ko para bukas. Cheer dancer kasi ako. Yes naman Pat. Sumasayaw na kasi ako ngayon. Sumali ako sa mga dancer nung mga unang buwan sa school kasi nalaman ko na basketball player si Gian. Para mastalk ko siya ay sumali ako doon.

Calling... Gian...

"Hello?" pagsagot ko.

"Good evening, beautiful!" sabi niya at medyo namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Ang sexy pala ng boses niya sa phone. 

"Patawa ka talaga Gian." sagot ko. 

"Good luck for tomorrow." dagdag ko at ngumiti. Kahit hindi niya nakikita ang pag ngiti ko. 

"Thank you." sabi niya. "Ikaw din. Wag sana masyadong maikli ang skirt niyo." sabi niya. 

Nagulat naman ako dahil tinignan ko ang skirt kanina ay kasing haba lang ng cycling ko.

Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon