Chapter 1

64 3 0
                                    

Scrapbook

Magdadalawang araw na din na hindi pa gumigising si Patricia dito sa ospital. Naaksidente siya nung isang araw. At halos ang ulo niya ang may sugat. Nagmamaneho siya pauwi noon at sabi ay mukhang lasing pa siya. Mukhang wala naman siyang problema nung araw na 'yun, bakit naman iinom ng alak si Patricia? Sabi ng doktor ay mukhang matatagalan na hindi gigising si Patricia dahil sa sobrang pagka-aksidente niya, swerte daw dahil may buhay pa siya ngunit mukhang ooperahan pa siya. 

Sobrang lungkot ko nung nalaman ko ito, dahil una at huling naglasing si Patricia ay last year, yung araw na naghiwalay sila ng boyfriend niya, si Gian. Napakasaya niya noon dahil  high school pa lang ay ayan, mukhng mahal na mahal niya na si Gian. Fourth year high school kami nung sinagot niya si Gian. Nakita kong napakakontento na niya nung nakuha niya na si Gian. Araw-araw niyang kinukwento ang mga nangyari at makikita mong kilig na kilig siya. Hanggang pangarap lang si Patricia kay Gian  noon dahil nga malayo ang agwat ng katayuan nila. Sikat si Gian sa school at si Patricia ay hindi naman ganoong kasikat, tama lang siya.

Naalala ko ay may journal slash scrapbook si Patricia na sa'kin niya lang sinabi na may ganun siya. Halos araw-araw ay nagpapadevelop siya ng litrato at dinidikit sa scrapbook niya at magsisismula na siyang magkwento doon kung anong nangyari. Kahit kailan ay hindi ko nakita ang mga litrato at kahit ang journal ay hindi ko pa nababasa. Third year college na kami at ngayon pero hindi ko pa nakikita ang journal na 'yun. 

Naisipan kong tignan 'yun para makita ko na din kung bakit naglasing siya nung isang araw. Alalang-alala ang mommy ni Patricia. Sakto ay inutusan ako ng mommy ni Pat na kumuha ng damit para kay Pat sa bahay nila. 

Pumunta ako at dinamihan ang damit niyang pantulog. Kinuha ko na din ang kumot niya, dahil ayaw niya ng ibang kumot. Habang kinukuha ko ang kumot ay biglang nakita ko ang journal niya sa ilalim ng kumot. Parang librong malaki at makapal ang journal niya. Alam kong masamang makialam ng gamit pero binuksan ko na. Unang pahina palang ay sobrang malikhain na ang hitsura. May sticky note na nakalagay sa page na ito.

Sabagay, nabuksan mo na, pwede mo ng basahin :)

Pinag-isipan kong mabuti kahit nakalagay na na pwede kong basahin. Iniwan ko ulit sa kama niya at inayos ang mga gamit na dadalhin ko.

Inayos ko na ang dalawang bag at bago ako lumabas ay tinignan ko ulit ang journal niya. Kinuha ko na at baka nandoon ang sagot kung ano ang problema niya.

Sumakay na ako ng kotse at sakto ay andyan na ang driver. Nung nagsimulang umandar ang kotse ay binuklat ko ang journal.

Mukhang 6 or 7 years ago.

First day to be a high school student. Ang saya din pala kaso ang hirap maghanap ng directions dito sa school na ito. Hinahanap ko kasi si Ayeesha. Best friend ko siya since i dont know basta dati pa. Habang hinahanap ko siya ay bigla na lang may lalaking nakabunggo sa'kin at sobrang nagmamadali siya. Natumba ako at tinignan niya ako. Nakakasilaw ang mata niya at naamoy ko ang amoy niyang mabango. "Sorry miss, may hinahabol kasi akong tao." Ngumiti siya at itinayo ako. Pakiramdam ko mas nahulog at natumba pa ako nung ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Tumayo ako agad kasi nakakahiya dahil nakatingin lahat ng tao samin pero okay lang kung ganoong kagwapo naman ang nakaharap sayo, diba? Siguro sikat itong lalaking ito kasi kita kong may mga babaeng kinikikig ang tingin sakaniya. Hindi niya na nasabi pangalan niya dahil umalis siya kaagad. Halos hindi ako makahinga nung nakita ko siya at parang nakatayo na nga lang ako doon na sinusundan ng tingin ang lalaking yun.

Kaya pala nakatayo lang siya nung nakita ko siya doon at mukhang nakakain ng matamis na pagkain at halos parang nakanganga pa. Ang bestfriend ko talaga!

"Pat!" sigaw sa likod ko. "Huy!"  dagdag pa. Tinulak na ako ni Ayeesha. "Nakakita ka ata ng multo." sabi niya sabay bigay sakin ng isang cheese bar. Ngumiti lang ako at sinabayan na siyang maglakad. Ayaw ko munang magsalita dahil baka su,abog ang dibdib ko dahil sa nakita ko.

Nakarating na ako sa ospital nung natapos ko yung page na ito. Pagtingin ko sa ibaba ng page ay nandoon ang picture namin dalawa sa harap ng school garden. Napangiti ako dahil nasakaniya pa ang litrato na ito.

Pumasok ako sa kwarto ni Patricia at nakita kong nandoon ang mga pinsan niya. Mukhang malungkot din sila at pinalibutan ang kama ni Patricia. Dahan dahan kong binaba ang mga gamit sa upuan at sinimulan ko ulit basahin ang susunod na page. Napansin naman nila ako at ngumiti ako, nag grocery daw kasi si tita, ang mommy ni Pat.

Acquaintance Party ng freshmen ngayon at andaming tao. Sad to say hindi ko pa alam ang pangalan ng nakabunggo sa'kin pero sabi naman ay senior siya dito kaya hindi ko na inaasahan na nandito siya. Sayang! Hindi ako kikiligin. Kasama ko si Ayeesha ngayon.

Hawak ni Pat yung camera niya noon dahil sabi niya "Every moment, big or small, must be treasured."

Nagsimula ng magsimula ang program. Magkaklase kami ni Ayeesha kaya magkatabi kami sa bench na ito. Natapos na ang dasal ay pinakilala bawat klase at napakalakas ng energy ng batch namin. Nung natapos yun ay may mga tinawag para sumayaw. Hindi ko masyadong pinansin yun hanggang sa nakita kong unang lumabas ng stage ay yung lalaking nakabunggo sakin. Ang mga ngiti niya sumisilaw sa mata ko kahit na napakalayo niya. Tumayo ako at kinunan ng litrato habang sumasayaw siya.

Nakita kong halos tumigil na ang oras nung nakita niya ang mga sumasayaw. Naalala ko noon ay si Gian nga ang sumasayaw. Napakagaling sumayaw ni Gian. Madaming talent si Gian. Senior siya pero nagperform siya sa harap naming mga freshmen.

Hinintay kong ipapakilala sila pero hindi nangyari. Nag CR ako saglit at sakto ay nakita kong nadoon yung lalaking yun. Bago ako pumasok ay kalalabas niya sa boys' cr. "Hey!" sabi niya. Hindi ako sigurado kung ako yung sinasabihan niya nun pero nakatingin siya sakin. Nagising statwa ang itsura ko nung mga oras na 'yon. Tumingin ako sa likod ko pero walang andoon. "Ako nga pala si Gian, sorry pala nung last week ah." sabi niya at inabot ang kamay niya para makipag kamay. "Patricia." sagot ko at tinanggap ang kamay niya. Pakiramdam ko ay lumulutang ako nung hinawakan niya ang kamay ko. Technically, ako humawak ng kamay niya pero siya nag-alok. Basta nahawakan ko kamay niya. Habang hinahawakan ko ang kamay niya, nasisilaw ako sa ngiti niya. Ayaw ko na maghugas ng kamay. May isang mabagsik na kuryente ang dumaan sa mga kamay ko nung nakipag kamay ako. "See you around!"  aniya at umalis na. Nakatayo lang ako noon na mukhang statwa at inaabsorb ko pa ang mga nangyari.

Hay nako Pat! Alam kong kilig na kilig ka dahil nung panahong ito halos sabunutan mo ako sa kilig nung bumalik ka sa tabi ko eh. Yun ang unang pagkakataong nakita kong kilig na kilig si Pat. Hindi talaga siya mahilig tumingin sa lalake pero si Gian lang nakapagpabago nun.

Kung bakit ganoon? Dahil sa daddy niya. Iniwan sila ng daddy niya nung 9 years old siya. Nag-iisang anak si Pat kaya lahat ay nakukuha niya except for her dad's attention. Kitang kita niya ang lahat kung pano sila iniwan ng daddy niya. Sabi niya, halos lumuhod na ang mommy niya. Lagi siyang tulala nung panahong yun. Hindi na din siya ganoong kasaya at kakulit. Masaya naman kami nung unti unting bumabalik siya sa dati pero ayaw na ayaw niyang pinag-uusapan ang daddy niya.

Sinusustentuhan padin siya ng daddy niya kahit na kaya naman siyang buhayin ng mommy niya.

"Ayeesha, baka gusto mong maglakwatsa muna baka naman nabobore ka na dito." sabi bigla ni tita at ngumiti. "No tita, mas okay po ako dito." sagot ko. "Okay!" sabi niya at ngumiti padin. Nakarating na pala si tita. Hapon na din pala.

Buti na lang at di niya tinanong kung anong binabasa ko.

Tanghali pa lang at mamaya ay dadalaw daw sila mama dito.

Every hour ay chinecheck ng doktor si Pat. Hindi padin siya nagigising pero baka ooperahan ang tuhod niya mamayang gabi. Dahil daw halos magcrack na sa pagkabali. Sobrang nakakaiyak ang kalagayan ni Pat ngayon kaya ayaw kong umalis dito hanggang hindi siya gimigising. Ang kamay niya ay naka bandage dahil napilay daw kaya nakatriangular bandage ito. May sugat siya sa noo niya sanhi ng pagkauntog niya sa manobela ng kotse niya. Naipit ang tuhod niya kaya nabali.

Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon