Chapter 13

28 4 0
                                    

Better Be

Ayeesha

"Mukhang problemado?" tanong ko kay Karlo. Well, as usual may 'meeting' daw ulit. "Well, mukhang nakilala na ni Pat si Gabby. Gian already explained everything. I think we should start planning." sabi niya at halos nakatingin lang sa phone niya. Andito kasi kami ngayon sa mall, naglalakad. hinihintay namin si Gian, may inasikaso about sa company nila, kasi nga diba? Magiging ganap na ganap na siyang CEO kaya kailangan alam niya na ang bawat detalye. "Ano bang sabi ni Gi--" 

"Sorry guys! I'm late." biglang bungad sa likuran namin. Lumingon kami at si Gian yun. "It's okay." sagot ko naman at ngumiti. "So, uhmm.. Gian, total at malapit naman na ang birthday ni Pat. Don't you think na mas magandang gumawa tayo ng surprise party for her? Besides, close ka naman sa parents niya, we can coordinate with them." suggestion ni Karlo. Na akala mo isang business proposal. Alam niyo bang ang formal ng suot ng dalawang ito? Tapos ako?! Ito! Naka jersey! Pasensya na galing ako sa training! Pawis pawis pa ata ako. 

"Oo nga! Diba hindi niya tinuloy yung debut niya dati for some reasons? Why cant we have a late debut party? It's not bad after all." sabi ko naman. May english yan baka sabihin nilang taga Jupiter ako at hindi ako gumagamit ng formal language nila! 

"Nice idea. Bakiit nga ba hindi tinuloy ni Pat ang debut? I heard about that, you know, I am updated but not always detailed." sabi naman ni Gian at tumingin kay Karlo ng because-of-your-kulangness-sa-info-hindi-ako-masyadong-updated. Tinaas naman ni Karlo ang kamay niya na parang inaaresto at eto at tumawa kaming tatlo. 

"Hmm.." sabi bigla ni Karlo. Tumingin ako sakaniya at tila parang ang lalim ng iniisip. "Kung, ganito kaya since we have 2 weeks to prepare. Baka pwedeng kayong dalawa ang bahala sa pag oorganize. Just tell me kung magkano. Hire some organizers and the like para maging best debut ever ang mangyayari. I will be the one to inform her parents. Besides, si tito, ang daddy niya, ay malapit na kaibigan ng company namin at si tita, syempre ang tanging lawyer who is in-charge of our company's properties and some what." confident na sinabi ni Gian.

"TEKA NGA! PWEDENG BANG MAG TAGALOG DIN TAYO? TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN GUYS!" sabi ko bigla dahil literal na literal na dumudugo na ang ilong ko. As in! 

"Yung ilong mo! It's red!" sigaw  naman ni Karlo. "Bakit tinitignan mo lang? Bigyan mo na ng tisyu!" sigaw naman nitong Gian. Makapagpanic itong dalawang ito. OA! "Akala ko kasi Strawberry jam." sabi naman ni Karlo. *face palm* Kahit na pala pogi itong Karlo na ito at super hot may taglay din na katangahan. 

Days passed at hindi muna nakipagkita si Gian kay Pat at halos hindi ko pa nakakausap si Pat. Mukhang normal lang ang emotion ni Pat. Naayos na din namin ni Karlo ang surprise late debut party niya. 2 days na lang ay ipapakita na samin ang location at madami pang arte para sa debut. At, ganito na ba kayaman ang Gian Gonzales? And guess what pala, Si Gabby din tumulong. Siya pumili ng flowers at color theme. Nung nakita ko, Aba! parehas ng taste si Pat at Gabby. Fuchsia ang color at Carnation ang flower na pinili. 

"Ayeesha." biglang kalabit sakin ni Gabby. Andito kami ngayon sa tita nila na mananahi at magpapadesign ng gown ni Pat. "This color fits her." sabi niya at ngumiti. Isang honeysuckle na color ng tela ang pinakita niya at oo nga at tutugma sa kulay ni Pat iyon. 

Agad na sinabi ni Gabby sa tita nila na yun ang gusto niyang kulay for the gown at ayun at umalis na din kami. 

"So, pano pa nagkakilala sila Gian at Pat?" biglang tanong ni Gabby. Kung umasta siya parang magkaedad lang talaga kami. I like her! "nagsimula sa isang banggaan sa school." sabi ko. Natuwa naman siya doon. "Corny yet romantic and sweet!" 

Kinuwento ko ang lahat lahat hangang sa kasalukuyang nangyayari. "But, alam mo ba? My conscience is killing me. Kasi, kung hindi lang naman ako inatake ng asthma, edi sana hindi umalis si Gian at hindi din naaksidente si Pat. Bakit nga kaya siya naglasing noon?" --Gabby. 

"Hindi mo naman kasalanan 'yun. Well, at least Gian is making effort naman eh. Hinay hinay lang yan. Hard to get lang talaga si Pat." sabi ko at ngumiti. "Hindi niya pa nasasabi ang tamang dahilan puro irrelevant ang sagot niya kung tatanungin ko siya." 

"Hay! Howabout youand Karlo?" biglang tanong niya at may ngiting kakaiba. Naramdaman ko uminit ang pisngi ko. "You're blushing!" sabi niya ba naman. WTF! ano itong nararamdaman ko! "What do you mean?" tanong ko at ngumiti sarcastically. "Well, iba nag tinginan niyong dalawa. You know, I can see that.  Bagay kayo!" 

ABA MATINDE DIN PALA ITONG KAMBAL NI GIAN! MASYADONG MADAMAM AURING! ANG GALING! HAAAAY! TSAKA BAKIT AKO NAGBLUSH?!

Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon