Chapter 19

12 4 0
                                    

"Pat."

Seryoso akong tinawag nung saktong umalis si Karlo at Ayeesha. Tinignan ko siya habang umiinom ako ng water.

"Hmm?"

Ngumiti lang siya at tumingin ulit sa pagkain niya. "Sana hindi nalang kita iniwan." Pagkakwan sinabi niya yun. Syempre nagulat naman ako diba?

"Bakit naman?"

Tumingin siya sa'kin ng sobrang may meaning ang mata niya. Not to say, ang hot niya padin. "Para siguro ngayon, hindi ka nasasaktan."

Hindi na ako nagsalita dahil medyo totoo nga naman. Sobrang totoo.

"Nako! Partner, kailangan na natin iready ang tissue natin!" -Ayeesha

"Bakit naman partner?" -Karlo

"Kasi yung susunod na activity natin ay yung pagbibigay natin ng message kay Patricia." -Ayeesha

"Oo nga! So ladies and gentlemen, the first one who will be rendering his message is her father, Mr. Garcia!" -Karlo

Paakyat na si papa sa stage na nakangiti ng sobra sa'kin. Si Gian naman ay pumunga sa table ng mommy niya.

"Good evening! Siguro po nagtataka kayo khng bakit 19 years old na si si Patricia pero ngayon lang nagdebut. Hindi na po big deal yun dahil ako ang mag kasalanan." Nagsitawanan naman sila kaya naman natawa na din ako.

"Pero sabi ko, babawi ako sa anak ko. Madami akong pagkukulang dahil nga ayun. As a father, I still have the right before to follow her, right? When she was a child, I always see her playing with her best friend, Ayeesha, sa play ground ng bahay namin dati. Until, medyo nagdalaga ang unica hija namin, naisipan ko baka pwedeng may makilala din siya na, alam niyo na." Tumango tango naman ang mga bisita. Nagulat ako sa sinabi ni papa.

"I went to Mr. Gonzalez before to ask him about his son. Sabi ko 'Pare, baka gusto mong ipakilala ang anak mo sa anak ko?' Sabi niya pa, 'Pare naman, hindi mo pa ba alam?' Syempre hindi ko alam kasi hindi ko naman nakakasama ang anak ko nakikita ko lang. 'Kasasagot lang ng anak mo ang panliligaw ng anak ko. I think that was last week.' Sabi ko naman 'Aba! May prince charming na ang anak ko!' And there sabi ko sa sarili ko, my daughter is happy." Tumatawa sila pero sa huling katagang sinabi ni papa nag-awww sila.

Nagulat ako dahil balak pa pala nila kaming i-arrange. Hay!

"Until, one day, I came back at buti na lang ang mag ina ko, winelcome ako with open arms. So anak, basta tatandaan mo, laging andito si papa at mama para bantayan ka, damayan ka, at siyempre mahalin ka. Happy birthday Princess!"

Doon ko nasimulang maluha. Inabutan ako ng tisyu ng isa sa mga waiters na katabi ko kaya tinanggap ko ito.

Sumnod naman si mama na nagsalita halos parehas din lang naman silan ng sinabi ni papa.

"What a heart warming message from her mother!" -Karlo

"Oo nga partner, siguro mas heart warming ang susunod na speaker." -Ayeesha

"Talaga? Sino naman yan?" -Karlo

"Edi si Gian!" -Ayeesha

At ayun binigay na kay Gian ang micrphone. Pinalakpakan naman siya bago siya magsalita. Tumingin lang ako sakaniya at inayos na ang sarili ko.

"Good evening." Paninimula niya. "Everyone sees Pat, as a beautiful, kind and sweet. Well, I won't deny that I see her like that too but i can wee her beyond those qualities. She's like an angel that guided me to be a good person. Luckily, she did it perfectly but I made it imperfect. Well, that's a long story but I hope someday, she will forgive me completely." Narinig kong nag-aww yung mga tao at bigla ko nanamang napansin na tumutulo na ang luha ko.

"Patricia." Pagtingin niya sakin. "Thank you for everything. I love you and I will always do. Happy birthday!" Sabi niya at tsaka bumaba na ng stage.

Sumunod naman na sila Ayeesha at iba pang close sakin. Pati nga si Gabby nagmessage tapos you know, nagsosorry siya kasi siya daw ang dahilan ng pagiging imperfect ni Gian.


Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon