Chapter 4

42 4 3
                                    

Baby, you're my superman

Paggising ko ay may sticky note sa lamp shade ko sa bedside table ko.

Darling, hindi na kita nahintay magising. I love you! kay mom galing ito halata sa sulat kamay. Napangiti ako sa note na 'yun.

Pumunta ako sa cr ng kwarto ko at naghilamos at nagtali ng buhok. Pagkatapos ay nagtungo ako sa dining table para kumain.

Pag tingin ko ay nagulat ako sa nakita ko.... si.. "Gian?" tumingin siya sa'kin at ngumiti. Baby, nakakasilaw. "Pat, Good morning baby!" sabi niya. Ngumiti lang ako at nagulat sa sinabi niyang 'baby'. Kami na ba or what? Kasi naman, may Pat na nga, may baby pa! San ka pa? 'Di nakuntento. Joke.

"Tulog na tulog ka pa kasi kanina kaya lumamig na yung pancake mo, dibale kumain naman si mommy mo." sabi niya at pinaupo ako sa upuan. (Malamang Pat, sa upuan ka pauupin diba?)

Umupo siya sa harap ko at tinitignan niya lang ako at ngumingiti siya. Yung totoo? Nanaginip pa ba ako o gising na talaga ako? Sinimulan ko ng kumain pero pinapanood niya padin ako. Gian, wag ka muna tumitig please. Nakakasilaw ang ngiti mo.

Nung natapos ako kumain ay kinuha niya ang platong pinagkainan ko at hinugasan ito. Naalala ko na umalis pala si Ate Kris dahil tuwing Sabado ng umaga ay namamalengke siya at nag grogrocery.  Tinitignan ko lang si Gian. Pinagmasdan ko siya, yung abs niya bumabakat sa shirt niya, yung ibang muscles niya ang hot at yung mukha niya damn! Ang hot mo Gian! Bakit naman sobrang blessing ang natatanggap ko dito? Hay!

Naalala ko na gagawin pala 'yung kama ko ngayon kaya pala may mga karpintero sa labas at pati ang designer naroon.

"May gagawin ka ba?" tanong ni Gian sa'kin. "Uhmm, ano.. tatanggalin ko yung mga gamit ko para mamaya ay maipasok na ang kama doon." sabi ko at ngumiti. "Teka, tulungan na kita." sabi niya at dumeretso sakin. "Ah? Hindi na, nakakahiya." at halos iwagayway ko na ang kamay ko. (Pakipot pa Pat eh.)  "Sure ka?" tanong niya. "Ahh, oo." sagot ko at ngumiti ulit. (Panay ata ang ngiti ko ngayon?) "Baka mahirapan ka." aniya Gian. "Hindi naman." sagot ko at umakyat. (Sarcastic ba?)

Linagay ko sa box  ang nga gamit ko at nilagyan ko ng pangalan kung anong naroon. dahil halos lahat ay babaguhin dito.

Yung kumot at unan ko ay linagay ko sa laundry room. Mga isang oras lang naman ako nag-ayos at sakto ay dumating na si Ate Kris.

"Ahy may pogi!" sigaw niya. Tinignan ko kung bakit dahil palabas na ako para tignan ang ginagawa ng mga karpintero.

Pagkalabas ko ay bumungad sa'kin si Gian. (And yes). Si Gian na topless at tumutulong sa paggawa ng mga cabinet.

 Nakita kong tapos na yung kama. Nakaganda pero mas nakukuha ng atensyon ko ay katawan ni Gian. Agad ko tinakpan ang mukha ko. Naramdaman kong papalapit siya sa'kin.

"Pat." ramdam kong nasa harap ko na siya. Tinanggal niya ang kamay sa mukha ko at nakita ko ang  dibdib niya. Agad akong pumikit at nagsimula siyang nag-chuckle. "Magdamit ka muna please."  pakiusap ko sakaniya. "Okay baby." sabi niya at pinamulat niya ang mata ko at okay na, may damit na siya. Naku! papatayin na ako ng kilig dito eh!

"Ayeesha, kamusta naman ang kalagayan ni Pat?" tanong ni Kuya Jo. Andito kasi ako ngayon sa bahay niya dahil birthday ng anak niyang babae. "A-ayos naman kuya, gising na siya kaso hindi siya kumikibo at kailangang nasa  ospital padin siya para mamonitor siya ng doctor." sagot kong matamlay. " Hindi bale at babalik din siya sa dati." sabi niya at ngumiti. "Sana nga kuya." sabi ko at nagsimulang kumain ulit. 

Paano kaya ang daddy niya? Alam na kaya niya? Ang selfish naman siguro ng daddy niya kung hindi niya dadalawin ang prinsesa niya. 

Nagpaalam na ako kay kuya at dumeretso na ako sa bahay. Wala naman na akong klase ngayong hapon kaya didiretso na ako sa bahay. Parang ayaw ko pa kasing tumungo sa ospital ngayon nang dahil sa kalagayan ni Pat. Ako ang nahihirapan kung nakikita ko siya. Pero, sa tuwing binabasa ko ang journal slash scrapbook niya ay nawawala ang sakit na nakikita siyang nakahiga at halos walang magawa.

Habang nagtratrabaho din si Gian ay tinitignan ko lang siya dahil hindi ko akalaing kahit anak mayaman siya ay alam niya kung pano magtrabaho ng ganito. "Pat, baka matunaw si pogi sa kakatitig mo sakaniya." sabi ni Ate Kris. (Minsan kasi hindi kailangang ipahalata ang kilig ko Ate Kris eh!)

Hindi ko ba nasabing bading si Ate Kris?

"Ate naman!" sabi ko at tinigil ang kakatitig kay Gian. Nakita kong napangiti si Gian doon. 

Araw-araw na nanligaw si Gian kay Pat dati. 2 years din ang paghihintay ni Gian. Nakakatuwa nga ang mga kwento ni Pat dito eh. Andami ko na ngang nabasa at halos sobrang sweet lagi ni Gian. Nung grumaduate si Gian ay tuloy padin siyang nanliligaw kay Pat at mas sobrang sweet pa. Sa pagkakaalam ko ay Accountancy ang kinuhang kurso  ni Gian. Matalino din kasi siya kaya alam ko at alam naming lahat na kakayanin niya ito. Araw-araw niyang sinusundo si Pat sa school. Hanggang sa nag 4th year high school na kami ni Pat at 3rd year college na si Gian ay biglang may nangyaring hindi namin maintindihan pero kasama ako dito.

Ewan ko ba at biglang tumawag sa'kin ang daddy ni Gian. 

"Hello po?" pagsagot ko ng tawag. "Patricia, Gian is in the hospital. Bigla siyang nabunggo siya habang nagmamaneho kani-kanina lang. We're on our way to the hospital." sabi niya.  Tumulo ang luha ko sa nadinig ko. "Osige po." sagot ko at binaba na ang tawag.  Binilisan ko at pumara na ng taxi. Sobrang nagmadali ako at pati si manong driver ay pinapamadali ko. 

Pagdating sa ospital ay nagtanong ako agad kung saan ang room ni Gian Gonzalez at sinabi namang sa room 107 at sinabi din na kalalagay niya palamang doon at katatapos na pagalingin ang mga sugat niya.  Sobrang kinabahan na ako at tinakabo ko ang kwarto yun pagkalabas ng elevator. 

Pumasok ako sa kwarto at halos mangiyak iyak na sa tabi niya. Mukhang wala pa siya  malay. Sobrang kinabahan ako at sinabi kong, "Gian, please, gumising ka naman oh, uy!" alam kong parang tanga lang pero kasi mahal na mahal ko ang taong ito kahit hindi pa kami. Sinabi din ng daddy at mommy niya na medyo 50/50 ang buhay niya. Kita ko nga sa mga sugat na natakpan na. "Gian, mahal na mahal kita, p-promise pag nagising ka ay sasagutin na kita!" sabi ko at umiiyak na ako. Inihiga ko na ang ulo ko sa tabi niya habang hawak ang kamay niya. 

Gulat ako nung bigla siyang nagsalita, "I love you too." sabi niya at  nung tinignan ko ay sobra ang ngiti niya. "Tayo na ba?" tanong niya. Tinignan ko siya at gulat ang mukha ko. "Sabi mo, pag gumising ako diba?" sabi niya na pa. "Akala ko hindi ka pa gigising." sabi ko. Pinunasan niyaang luha ko at medyo natawa pa. "Akala ko mamatay ka na." dagdag ko. "Hindi Pat. Joke lang ito oh." sabi niya at tinanggal ang bandage sa ulo niya. 

Kakutchaba ako nung panahon na ito. Buti na lang at gumana nga.

"Hindi ka naaksidente?" tanong ko. "Hindi baby." sabi niya. "Wag kang mag-alala." sabi niya pa.(Ay! Masamang biro ito!)

Pinalo ko ang dibdib niya. "Nakakainis ka naman!" sigaw ko at tumayo. Tumayo din siya at hinarap ako sakaniya at hinawakan niya ang dalawang braso ko. (Kinikilig ako na naiinis!)

"Oops! sabi mo tayo na pag gumising ako." aniya Gian. "Ano? Wala ah!" sagot ko. Nako! May sinabi nga pala ako! "Bawal ng bawiin." sabi niya at ngumiti.

"Patricia, will you be my girlfriend?" tanong niya at naging seryoso  ang mukha niya. Tinignan ko lang siya at ngumiti siya. Nako Gian! Heto nanaman tayo sa ngiti mo eh.

"Yes." sagot ko at napasigaw ang daddy niya. "Yes!" Ramdam ko ang saya ni daddy niya. Nagulat ako ng biglang pumasok sila mommy at Ayeesha  sa room. "Omg! Tita! sinagot na si Gian." sabi ni Ayeesha. "Buti naman." sabi ni mommy at nakitang kong ngumiti siya. Niyakap ako ni Gian, "I love you baby." 

 Author's Note:  Magulo po ba ang narration? Sorry po.:) At dahil ambisyosa po akong author ng story na ito. Itutuloy ko lang po ang pag-uupdate kung may magpaparamdam sa comments :) at i-vote niyo para naman po hindi ako nahihiyang i-update (Sorry demanding) Kumpleto na po ang book, inu-unti unti ko lang pong i-update. Paramdam lang po :D Vote and Comment <3

Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon