Banner
Dumating na sila mama at tinigil ko muna magbasa ng journal. Nag-uusap sila ni tita habang nagbibigay ako ng pwedeng mainom nila mama, kasama niya ang pamangkin ko, anak ng kuya ko.
Lumabas muna ako para bumili ng kailangan ko para sa school, dala ko ang journal ni Pat. Ako na ang nagmaneho ng kotse dahil mukhang pagod ang driver ni mama. Kotse ni mama ito kaya nakikigamit lang ako.
Traffic papuntang bookstore at medyo mainit init pa.
Sakto ay may nagtext sa'kin. "Yee, anong nangyari kay Pat?" galing kay Julia. Kaibigan din namin siya. "Naaksidente siya, dalawin niyo sa ospital. Room 119 siya." reply ko. Hindi na siya nagreply at sa tingin ko ay papunta na sila.
Mga 10 minutes ay nakarating na ako sa bookstore. Nung nakuha ko na ang kailangan ko tumingin tingin ako sa mga libro na pwede kong mabasa. Wala akong napili kaya binayaran ko na ang kinuha ko.
Kumain ako saglit sa isang kainan sa mall mag-isa para mabasa ko ulit ang journal. Umorder ako ng sandwhich at peach mango juice.
Naging friends na kami ni Gian after nung meeting namin na yun. Sobrang saya ko dahil halos araw araw na ay kasama ko siya pero hindi ko pinapahalatang may gusto ako sakaniya. May halos kalahating taon na na may pasok kaya naging close kami ni Gian. Lagi niya akong pinapansin sa tuwing dadaan siya at kadalasan sinasamahan niya kami sa school.
"Pat, labas tayo bukas." sabi ni Gian. "Ah? Osige, tanong ko si Yee kung gusto niya sumama." sagot ko kay Gian. "Sige, hintayin kita dito." sagot niya. Nasa classroom kasi si Ayeesha, may tinatapos na project. Pinuntahan ko siya para itanong yun. Nung nakarating ako doon ay mag-isa niya lang na nag aayos ng project. Tapos na kasi yung samin kaya kampante na ako. "Oh? Akala ko kumakain ka?" tanong niya at ngumiti. "Ahh kasi, si Gian nag aaya na lalabas. Sama ka?" tanong ko. "Kailan daw?" sagot niya. "Bukas, wala daw kasing pasok eh." sagot ko din. "Pupunta kasi kaming probinsiya bukas, kayo na lang." sabi niya at nagpepaint ulit. "Ahy osige." sagot ko. Parang ayaw ko na din tuloy sumama dahil hindi ako sanay na wala siya. "Halika na, maglunch ka na din." sabi ko at tumayo. "Sunod na lang ako." sagot niya at ngumiti. "Sure ka ah?" sabi ko at uminom ng tubig. "Oo." sagot niya.
Nagmamadali ako noon para matapos na yung project na 'yun. Palibhasa yung mga kasama ko sa project na yun hindi tumutulong. Hindi na din ako sasama nun at palusot ko na lang na pupunta kami ng probinsiya para naman makapasyal sila ni Gian. Ang saya niya noon nung naging close sakaniya si Gian at yung ibang kaibigan ni Gian.
"Pat, halika na." sabi ni Ayeesha sa'kin. "Ah osige." sagot ko. Pupunta pa kasi kami sa mall. Kakain lang. Nagtaxi kami papunta dahil medyo malayo layo din.
Nako! Mag gagabi na pala. Kailangan ko na bumalik sa ospital. Tumayo ako at dumeretso na sa ospital. Habang nasa daan ay inaalala ko ang lahat ng nangyari sa mall nung araw na yun pero di ko maalala limitado kasi ang pagkukwento niya sa aaw na ito. Tinignan ko ang picture sa journal pero picture lang yun nung kumakain kaming dalawa.
*Knock! Knock!*
Binuksan ng pinsan ni Pat ang pinto at pumasok ako. Linagay ko sa lamesa ang pagkain na dala ko. Nung naibigay ko ay aalis na sana ako pero sinabing ooperahan siya dahil kaya na ulit ng katawan niyang maoperahan. Inoperahan lang kasi nila ang ulo niya at tinanggal ang mga bubog na nadoon nung mismong gabi ng aksidente.
Hindi muna ako umalis para masiguro kong okay siya na ooperahan ang tuhod niya.
Nakatulog ako habang hinihintay siya sa lobby at nung nagising ako ay naka comma ulit si Pat. nakabandage na din ang tuhod niya. Hindi ko maintindihan bakit kailangang naka comma siya. 3 days na. Lalo akong kinakabahan sa mga nangyayari ngayon.
BINABASA MO ANG
Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)
Ficțiune adolescențiThere's still another chance for our love story. It's just that, fate always brings us back together. (It's been a year, but, it seems that it was just a while ago since you left. I never knew why. I never had the privilege to ask you why.) It's be...