Chapter 8

28 4 1
                                    

Chance

"Bakit ka ba andito?" Tanong ni mommy kay daddy. Kasalukuyan kaming nakaupo dito sa living room at kalmado na si mommy.

Pinaghahanda kami ni Ate Kris at mukhang masarap naman na black forest cake ang nilagay niya sa table.

"Doon muna po ako." Sabi ko at kumuha ng cake. Alangan naman iwan ko lang ung cake ko. Umalis din ako dahil mukhang kailangan nila ng private moment.

Pumunta kami ni Ate Kris sa front yard. May kunting makikita sa sala kaya sumisilip kami ni Ate Kris.

"Ang pogi naman pala ng daddy mo sa personal! Kala ko sa picture lang! Chos!" Sabi ni ate habang tinutulak ako.

Para kaming nagpipicnic na dalawa dito sa grass, maarte kasi kami kaya ito andami naming alam at kakain pa dito.

"Malamang! Maganda din ako kaya kailangangang pogi din ang daddy ko." Sabi ko at hinampas patalikodbyung hair ko. Oh diba? Haba ng hair!

"Echosera ka! Sana dun na lang ako lumabas sa mommy mo para mas maganda ako!" Dagdag ni ate at halos sobra na kaming nagtatawanan.

Napasilip kami kunti at mukhang nagtataray si mommy at si daddy mukhanh pliniplease padin si mommy. HAY! WAG NA CHOOSY MOMMY! PINAPAHABA NIYO PA STORYA EH!

Nagselfie selfie kami ni Ate Kris dahil nga nakabili na siya ng bagong phone niya. Samsung Galaxy S4! Kapal talaga ng mukha nito. Sorry siya! Naka Iphone 5c ako eh!

Ilang oras din na nag-usap sila mommy. Ano kaya pinag-uusapan nila?

Paalis na si daddy ngayon kaya ayun nagpapaalam na ako kay daddy at si mommy naman mukhang seryoso sila ni daddy.

"Bye daddy!" Sabi ko at niyakap siya. "Ano pinagusapan niyo?" Bulong ko sakaniya. "Text ko na lang." Sagot niya at kinalas na ang yakap ko sakaniya. Maarte din pala si daddy eh, siya pala pinagmanahan ko ng kaartehan. May text text na siyang nalalaman.

Nadinig naming nakaalis na ang kotse ni daddy.

Tinignan ko si momny at mukhang kinikilig diya na hindi maintindihan, galit?

From: Daddy

She said that she will be convinced to cancel the annulment if I'll court her properly. He he he

To: Daddy

I see. So, kilig ka na ngarud, dad. Hahaha!

Tinignan ko si mommy at bigla siyang nagsalita. "Bakt ganiyan ka makatingin?"

Nagblublush si mommy! Omg! No joke!

"Nagblublush si mommy! Ayiee!" Sigaw ko at tumakbo dahil kahit lawyer si mommy pag siya inasar ko makakalimutan niyang lawyer siya at magtatakbuhan talaga kami.

"Oh no no no no no!" Sabi ni mommy at hinabol ako.

Sobrang hirap tumakbo halos naikot na namin yung buong garden dito! Si Ate Kris naman tawang tawa dahil sanay na siya saming dalawa na ganito.

Hanggang sa napagod kami at napagisipang mag shower na dahil medyo madilim na din at magdidinner na din after mag shower.

Habang nagshoshower ay hindi ko makalimutan ang ngiting nakita ko nung inasar ko si mommy. Sana magkabalikan na sila. Sana sana...

Kinaumagahan ay hindi ko mapigilan ang ngiti ko dahil kila mommy at daddy. Well, dahil ito, nandito ngayon si daddy pagkagising ko. He is actually cooking pancakes. Alam niya kasing favorite ko yun eh! Naks! At sabay kaming nagising ni mommy at nakitang andun si daddy naka formal attire at nagkaapron at nagluluto!

Naka formal si daddy kasi nga, hindi ko ba nabanggit na isang CEO/owner ng Autogear Company si daddy? Isang kilalang kompaniya ng mga sasakyan dito at sa iba't ibang bansa sa Asia.

"Good morning my Queen and Princess!" Bati samin ni daddy habang pinapaupo kami. "Good morning daddy!" Sagot ko.

Tinignan ko si mommy at nakikita kong nagpipigil ng ngiti si mommy. Hay! Mommy kasi eh, kita mo, napapangiti ka padin ni daddy. Pakipotpa kasi eh! HAHA

Sabay sabay kaming kumain at hinatid din ako ni daddy sa school. Si mommy naman ay kasama si daddy today!

Yes! My broken family is starting be complete again! I'm so happy!

Pagpasok ko sa school ay sobrang blooming ako at sobra din ang ngiti hanggang sa may bumulaga sa'kin. 

"Pat!" Sigaw niya. (Si ayeesha yan! Sino pa ba diba?) Ang galing! Nakauwi na pala siya!

"Uhmm, sorry?  Do I know you po?" Sagot ko at syempre joke ko lang ito.

Nawala ang saya sa mukha niya at nagsisimula ng tumawa ang buong katawan ko. "Hindi mo ako kilala? Pat! Ako ito si Ayeesha!" Sigaw niya at masyadong dramatic ang way. Tumawa ako ng malakas dahil sobra na, malapit na tumulo ang luha niya.

"Joke lang!" Sabi ko at lumiwanag na ang mukha niya.

"Ikaw talaga! Loka loka!" Sabi ba naman sakin. Ang isnag Patricia Kyla Garcia ay tinawag niyang Loka loka!

Hahaha! Nakakatuwa kasi siyang tignan.

After class ay kinuwento ko sakaniya ang tungkol sa pagbalik ni daddy dito sa isang fast food restaurant.

"Kaya pala sobrang full of energy ka." Sabi niya at nagkakwentuhan pa kami. May mga pasalubong din siya sakin na damit galing HK.

Ayeesha

"Kaya pala full of energy ka." tugon ko sa kinuwento niya sa'kin tungkol sa pagbalik ng daddy niya. That is thanks to me! Why? Of course, sa'kin lang naman nakuha ng daddy niya ang contact number ng natatanging prinsesa niya. Hay! Napakabait ko kasing best friend! At syempre gusto ko din kayang mapigilan ang separation ng parents ng best friend ko. 

"Yee! Bakit naman isa lang itong Minnie Mouse na stuff toy?" aba! Nagreklamo pa pala itong loko. "DI KA PA NAKUNTENTO! NAPAKALAKI NA NGA NIYAN HALOS MAGKASINGTANGKAD NA KAYO!" Sagot ko sakaniya!

"Sus! Itong best friend ko masyadong high pitched ang boses! Kalma kalma din pag may time ano po?" sagot naman nitong si Pat. Nagtawanan pa kami at nagtawanan hanggang sa dumating na ang kinahihintay naming order natapos na ang isang kwento at ayun nandiyan na!

Kitang kita ko ang tuwa na nasa mata ngayon ni Pat. Mata? talaga? basta sa mukha ganon! Haha! Hirap ipaliwanag pero sa tingin ko hindi pa maabsorb ang ibang tuwa ang sasabihin ko kay Pat kaya siguro kung medyo mabawasbawasan ang pagfrefreak out niya dahil sa parents niya na nililigawan na ulit ni tito si tita. 

Yung sasabihin ko? Aba! Wag kayong atat! Ha ha ha! Baka hindi niyo din maabsorb. Clue na lang? Osige. 

Siguro kung sinabi ko ang dapat sabihin ay baka mahimatay ang best friend ko. Ayaw ko naman 'yun at baka naman bigla pa siyang maging super ultra mega hot girl on fire kung biglang lumabas ang galit niya sa sasabihin ko imbes na tuwa ang mangyayari. 

Kailangan tyempo tyempo din! Kilala ko na itong si best friend. Lalo na at hindi ko pa alam ang buong kwento ng paglalasing niya. Mahirap na kaya! Tapos diba, maygalit na mananaig daw sa nararamdaman niya kung nangyari man ang tinanong ko sa kaniya nung gabing n'yun. Remember ? Hindi? Aba! Problema niyo na 'yun! *Evil  Laugh*

Kung pwede nga lang iharap ko na ang taong ito para matapos na ang story pero guess what guys, sobrang maarte pa ang characters, o ayan mapapahaba pa ang story. Bye!

Author's Note: Naiintindihan niyo po ba si Ayeesha? Kung hindi po, bagtit po talaga yan! Joke! Peace Peace! And the next update ay magyayari lang kung may 5 votes ang chapter na ito :) Nahihiya na po kasi ako dahil mukhang iisa lang talaga ang nag-eenjoy sa story ko. Kung nahihiya po kayo magcomment, vote na lang po :) hindi naman binabayaran yung vote eh! Chos! pero thank you sa mga nagbabasa dito. 

Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon