Chapter 17

15 4 0
                                    

Ayeesha

Hindi pa kami nagkikita ni Pat. Ano kayang itsura niya? Malamang maganda nanaman. Hay! Napakaswerte ni Pat dahil mahal na mahal siya ng taong alam kong mahal niya din.

Unti unti ng nakaupo ang mga bisita sa table na nakaassign sila. May mga ushers naman na nagaassist sakanila at guess what, si Gian rinequest na kaming dalawa ni Karlo ang emcee. Oh Gian, kung hindi lang ito para sa best friend ko, hindi ko ito gagawin. Yung mag emcee okay lang pero itong mag gown? Omg!

"May I request the family, friends and guests of the debutant to please settle down already because the celebration is about to start in 5...4...3...2... and 1. Thank you!" Pag announce ko. Buti naman at formal ang mga tao dito kaya naman mabilis lang makiusap.

"Before we start we will be having first a prayer by the debutant's cousin, Justine." Masayang sinabi ni Karlo.

"Let us remember that we are in God's presence. In the name of the Father, and of the Son and of the Holy Spirit. Amen.   Heavenly Father, we thank you for giving us a beautiful and kind cousin, daughter and a friend. We are here to ask you to give her blessings..."

Mahaba ang dasal ni Justine na akala mo speech kaya di ko na maalala yung ibang sinabi niya.

"Ladies and gentlemen, may I now introduce you our late debutant, Patricia Kyla Garcia!" Pagpapakilala ko kay Pat at siya na ring umakyat sa stage na nakita kong inalalayan ni Gian hanggang umupo sa nakaset-up na royal chair dito sa stage.

Nagsipalakpakan silang lahat at tsaka nahalata na kay pat na siya ay naiiyak na.

"Partner, kita mo naman, sobrang natouch si Patricia!" -Karlo

"Yes naman partner!" -Ako

Nilakad si Pat mula dito sa stage ng isa sa mga pinsan niya paikot dito sa garden para makita ng lahat habang si Karlo naman ay binabasa ang description for Pat.

Pagkatapos nun ay sumunod ang cotillion na kasama ako si karlo at ang mga kamag anak ni Pat. Hindi muna kasama si Gian.

Pagkatapos nun ay sumunod and 19 candles.

Ako ang pinakauna at sumunod si Gabby at huli ang mommy ni Gian at Pat.

"The next thing we're going to witness is the 19 roses." -Ako

Tumugtog ang kantang Use Somebody na version ng Boyce Avenue. Isa isa siyang sinayaw ng mga pinsan niya, ibang friends at si Karlo din guys! Haha!

Nakikitang naluluha na sa tuwa si Patricia. Pang anim palang ang sumasayaw sakaniya. Mukhanh matagal siyang sinasayaw ng bawat isa. Mukhang nag uusap pa sila at nagtatawanan.


Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon