Chapter 5

35 4 0
                                    

Miracle

Bukas daw ay lalabas na ng ospital si Pat. Mabuti na lang at itinawag ni tita sa'kin 'yun dahil mukhang hindi ko siya madadalaw ngayon  dahil madami akong gagawin. Sabi din ay gagamit muna siya ng wheel chair habang hindi pa gumagaling ang tuhod niya. Hindi parin daw siya kumikibo hanggang ngayon. Bakit nga ba Pat?

Naset-up kasi ako. Tama ba ang nasa utak ko? Boyfriend ko na si Gian?! Oh my! Tapos 'di nagalit si mommy kagabi? Grabe! Hindi ko pa maabsorb. 

Bigla na lang akong nagising sa kagagahan ko nung tawagin ako. "Pat!" sigaw sa likod ko. "Ms. Garcia! Ano bang nasa labas at nakatingin ka lang diyan?" pasigaw na tanong nung teacher sa harap. Nako! "Sorry po." sagot ko. Pasensiya naman, ano po? Taong naiinlove lang 'yung nandito at tumitingin sa labas ng bintana!

Ang bilis ng oras at uwian na ulit. Hay! High school nga naman. Wala kasi si Ayeesha ngayon. Ano ba 'yan! Boring tuloy. 

Hay! Kamusta naman kaya si Gian? College siya ganon. Tapos 'yung course niya mahirap, edi mas boring 'yung sakaniya? Haha! Joke lang po. 

Habang palabas ako ng school ay nagulat na lang ako nung biglang 'yung mga babae ay nagsisigawan na akala mo may artista sa gate. Mga babae nga naman. 

Pagkalapit at pagkalapit ko ay sumalubong sa paningin ko ang itim na kotse at si..

"Gian?" sabi ko at halos tumingin pa ako sa likod kung may iba siyang inaantay ganon. "Baby." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Panaginip ko lang ba ito?! 

Hindi ako makapagsalita sa mga nangyayari at bigla na lang akong pinasakay ni Gian sa front seat ng kotse niya. Pumasok na din siya at pinaandar ang kotse. Nakangiti lang siya habang medyo nakalayo na kami sa school. Naka-uniform pa ako. Ano ba?!

"Surprised, Baby?" sabi niya at tumingin sa'kin. (Sobra!)

Nakakamatay 'yung tingin niya at ngiti. Nako po!  "O-oo.. Bakit mo pa ako sinundo?" sabi ko at tinignan ko siya. (Aayae pa Pat eh)

"Ayaw mo?" tanong niya. "Hindi naman pero kasi.. hindi ako na-inform na susunduin mo ako. Ayan tuloy, pinagkaguluhan ka pa sa school." sabi ko.

"Hindi ko kasi kayang hindi ka makita ngayon eh."  sabi niya at mukhang naging seryoso siya."Bakit?" tanong ko. "Syempre, sino bang lalake ang ayaw makita ang napakagandang girlfriend niya?" 

May isasagot pa ba ako?

Hindi na ako sumagot at ngumiti na lang. Oo nga pala, kami na pala!

Hinatid niya ako sa bahay. Sakto ay naroon si mommy. 

"Hello po tita!" sabi ni Gian. "Hijo!" sabi naman ni mommy. Nagkakwentuhan kami saglit at umuwi na din si Gian.

May masasabi pa ba ako kung gano kasweet si Gian? Sana nga lahat ng lalake katulad niya.

Araw-araw noon nung sila pa ay sobrang punong puno ng saya. Malapit na siila mag 2 years noon. Walang araw na nag-away sila pero dumating 'yung panahon na sobrang saklap at sobrang sakit ang mga nangyayari kay Pat. 

Bakita ganon? Bakit? Halos 2 weeks na na hindi nagpaparamdam si Gian? Baka busy sa school? Magkaiba kasi kami ng school. Pero bakit kahit tawag hindi niya sinasagot? Dati nakakatext ko pa siya kung busy siya. Nahihiya naman akong itanong sa parents niya. 

Sinubukan kong tawagan pero wala talaga. Nilapitan ko si Ayeesha pero sabi niya lang ay lapitan ko siya, puntahan sa bahay nila. Gusto kong gawin pero parang ang desperada ko.

Tiniis ko na lang kasi baka may rason siya  ganon.

Hanggang sa, hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pumunta ako ng umaga sa bahay nila ngayong sabado dahil bakante ko pa naman. 

"Ate, si Gian po?" tanong ko. "Ahy sorry ma'am! Kakaalis niya lang." sagot niya. "Ha? San nagpunta ate?" tanong ko ulit at parang si ate hindi makapagsalita. "Ma'am sa airport po." sagot niya bigla at nanlaki ang mata ko. "Ano?!" pasigaw kong sinabi."Saan siya pupunta?! Bakit?!" Hindi na sumagot si ate pero sinabi niyang "Sorry." 

Nagmadali akong umalis at halos paliparin ko na ang kotse ko. Pumunta ako agad sa airport at hinanap siya. Nakita ko siya pero, pasakay na siya at mukhang hindi niya ako nakita. Bakit naman hindi man lang nagpaalam si Gian? May nagawa ba ako? 

Ano?! 'Yun na ang huli niyang sinulat?! Bakit Pat? 

Buklat buklat pa Aye. Puro pictures na lang ito ng magkasama kami o ng mga pinsan niya ganon. Nag picture album na hala!

Hanggang sa last page may nakalagay.....

Pretending will never be easy.

Ngayon na iuuwi si Pat kaya papunta ako sa bahay nila para tumulong mag-ayos ng "Welcome Home Party" niya. Nandito din ang ilang naging kaibigan namin sa university at pati ang mga pinsan niya narito. 

Ilang oras na ang nakalipas at biglang nagtext ang mommy niya na parating na sila. 

Narinig na naming huminto ang kotse nila sa harap ng bahay at tsaka namin binuksan ang pinto at pinasok na si Pat na naka-wheel chair at medyo lumiwanag na ang mukha niya. 

"Welcome home Patricia!" sigaw nilang lahat sa likod ko. Tinignan ko si Pat at nakitang kong medyo ngumiti siya at dahil doon ay masaya na ako. 

Kinamusta siya at sumasagot naman na siya at nakakakain na. Siguro ay nawawala na ang trauma niya sa aksidente. 

Naglilinis na ang dalawang kasambahay nila Pat nung dinala ko siya sa garden nila dahil hiniling niya na dalhin ko siya doon. Pagkarating niya doon ay bigla siyang nagsalita.

"Ano bang nagyari nung naaksidente ka?" tanong ko dahil nung nahanapan siyang naaksidente ay mag-isa lamang niya sa kalyeng iyon at halatang walang ibang biktima. Ngumiti siya at parang walang nangyari. "Hayaan mo na 'yun. Gabi na kasi kaya hindi ko nakita ang daan. Tsaka lasing ata ako nun." sagot niya. 

"Lasing? Paano?" tanong ko at halos nanlaki ang mata ko. Tama nga ang hinala nilang lasing siya. "Napunta lang ako sa bar. Aywan ko ba kung bakit."

"Nakita kong nabasa mo na ang journal ko." sabi niya at natawa kunti.

"Ang gaga ano? Parang isang malaking libro 'yun na isipin mo, ganito kakapal." sinukat niya gamit ang daliri niya.

"Ganito kakapal na katangahan ng buhay ko." sabi niya at nakangiting lumuluha. "Pero kahit papano,  masaya na ako."

"Kung babalik siya para magpaliwanag tatanggapin ko." dagdag niya. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa alam kung bakit siya umalis?" tanong ko.

"Nag-aral siya doon at pagdating niya dito ay siguradong siya na ang magiging CEO ng kompaniya nila." sagot niya at tila namumula siya.

Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari kay Pat. "Ahh." sagot ko. Ngumiti lang siya. 

Natanong ko pa siya. "Pano kung bumalik siya?"

Ngumiti siya at sinabing "Hindi ko alam." Ano daw? Hindi pa pwedeng hindi na?

"Kailangan ko lang naman ay isang totoong eksplanasyon." Dagdag niya at ngumiti.

Mahal na mahal niya talaga si Gian at sa kahit anong binigay na sakit ni Gian ay hindi niya padin naisipang kalimutan siya.

"Pano kung hindi ka na balikan?" Tanong ko pa.

Sige! Ayeesha! Saktan mo pa ng tanong si Pat!

Ngumiti siya at halatang ito ang pekeng ngiti. 

"Sorry." sabi ko na lang dahil halatang ayaw niya ang tanong.

"Ayos lang. Pero alam ko namang hindi niya magagawang iwan na lang ako ng basta basta." sagot niya at tinignan ako. "Pero sa tingin ko, mas mananaig ang galit ko kung nakita ko siya."

Author's Note: Dahil may nagrequest ng update, ito na po :) Comment and Vote po para naman isunod sunod ko na :)

Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon