Chapter 7

31 4 1
                                    

Mysterious Guy

Habang nagmamaneho ako papuntang mall ay isa isa ko ng inisip kung ano ang bibilhin ko at kung ilan. (Ano ba?! HAHA Arte ko eh!)

Pinark ko na ang kotse ko sa parking area at nagsimula na akong naglakad papunta sa bibilhan ko ng mga damit. 

Una kong pinasukan ang  botique shop na una kong nadaanan  at dati na din akong bumibili dito, Habang tinitignan ko ang mga damit ay parang gusto kong bilhin lahat pero mukhang wala ng maiiwan na pera. Hanggang sa may nakita akong blouse na sobrang ganda at may design na Eifel Tower.

Kukunin ko na sana pero  biglang may nakahawak sa kabilang side. (Echosera naman! Nauna ako dito excuse me?)

"Ahy sorry!" sabi ko dahil nagulat akong may kumukuha na din pala sa damit na ito (Oo promise).

Babae din na medyo mas matanda sa'kin ng kunting taon lang. Napakaganda kaya ako na ang bumitaw. (Pasalamat ka at maganda ka ano po?)

"Miss! May ganoon pa bang shirt?" tanong ko sa nagbabantay doon. "Sorry ma'am. 'Yan na po ang huling stock niyan." sabi niya at tinignan ko ang babae at may kasama na siya ngayon. Si... "Gian?" sabi ko at nakatingin ako sakniya. Kasama niya ang babaeng ito? Girlfriend niya ba o ano?! Mukhang magkaedad sila kaya impossibleng kapatid niya at mag-isa niyang anak, tapos ano ba ito?! Malas nga naman. 

Umalis na ako agad nung sinabi ko 'yun. Nakita kong tinignan niya lang ako na umalis. Ano ba itong nararamdaman ko? May kirot sa dibdib ko at halos naiiyak na ako. Dumeretso muna ako sa isang milk tea shop at nagpalamig muna doon. Ang hope ko kanina nawala. Nawala nung nakita ko siyang may kasama pero ramdam ko magbrebreak din sila! HAHAHA! *EVIL LAUGH* 

Kinakalma ko pa lang ang nararamdaman ko. Tinawagan ko si Ayeesha kahit na alam kong magiging mahal ang babayaran ko sa line ko. 

"Yee!" sabi ko. 

"Pat""

"Na-Nakita ko si Gian." 

"Ano?! Paano?!"

"Dito sa mall! May kasama siyang babae!" sabi ko.

"Kinausap ka niya ba?" 

"Hindi eh pero nakita niya ako." 

"Hayaan mo na lang muna, okay?"

"Bakit?"

"Baka nashock!"

Pagkasabi niya nun ay biglang nag off ang phone ko pero nadinig ko pa siyang tumawa. Talaga itong Ayeesha na ito, minsan loka loka talaga!

Naalala kong hindi ko nacharge. Naglibot libot na lang ulit ako at narerefresh sa utak ko ang itsura ni Gian kanina. Napakagwapo niya padin at makikita mo padin ang pagka-hot niya as is H-O-T! pero may kasama siyang babae ngayon. Siya ba ang pinalit sa'kin?!  Pero 'yung nararamdamn kong galit mas lumalabas ngayon pang nakita ko siya!

Nabili ko naman na ang mga kailangan kong bilhin kaya bumalik na ako sa parking area. Sinakay ko sa likod ng kotse ang mga binili kong iba't ibang damit. Sumakay na ako at biglang ayaw magstart ng kotse ko. Bakit ngayon pa?! Kabago bago ng kotseng ito biglang tumitirik! May gas pa naman. Sinubukan ko ulit istart pero ayaw talaga. Hindi ko alam gagawin ko dahil hindi ko pa kabisado ang kotse na ito. Lumabas ako ng kotse at nag-iisip kung paano ako makakaalis dito dahil nakakainis pa dahil low bat ang phone ko. (MALAS TALAGA)

"Need help?" biglang may nagsalita sa harap ko. Tumingin ako at nakita ko ang itim na kotse na pinagsasandalan ni Gian. Bakit ba? Ano bang meron at si Gian andito? "No thanks." sabi ko at ngumiti. (Please, help me!)

Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon