Chapter 28

19 2 0
                                    

Gian

Ang saya ko dahil nabigyan ako ng second chance. I knew that Pat will accept it though I never imagined that I will be this happy in matter of seconds of her saying yes.

Habang nasa rest house kami hindi ko parin mapigilang mapangiti at mapatitig kay Pat. Is that crazy and weird? Well I don't care as long as I am with her I won't mind being crazy.

Ito namang si Karlo ang bagal bagal kumilos. It's been years simula nung makilala ko si Pat at ang best friend niyang si Ayeesha pero wala parin siyang ginagawa. I mean alam kong gusto niya talaga si Ayeesha pero ang torpe talaga nito hindi lang talaga halata. Wala man improvement simula nun pati nung umalis ako. Kung hindi pa ako nagpatulong sa kanya na sabihin din yung plano kay Ayeesha baka wala talagang nangyayari. Hindi ko nga alam kung may improvement ba talaga or naging close lang sila.

Siguro Pat will be happy kung gumawa kami ng plano para magka-aminan na yung dalawa. We may not know but there might be a development. It's time to bring Karlo the favor kahit wala siyang hininging kapalit.

I woke up early today because I'm excited to see Pat. Alam ko namang nagkita kami kagabi pero bakit ba.

***

Patricia

Late na akong nagising pero ayaw ko pang bumangon, siguro dahil na rin sa pagod.

"Yee?" Chineck ko si Ayeesha kung gising na siya pero wala na pala siya dito sa room. Maya maya may kumatok.

"Bakit kailangan mo pang kumatok Yee? Room naman natin itong dalawa ah! Pasok ka lang. Inaantok pa ako eh—"

Nagulat ako pag harap ko sa door. O my goodness bakit ang ganda naman ata nitong umaga ko. "Gian? A-ano bang ginagawa mo dito?"

He chuckled "Good Morning Beautiful, breakfast in bed?"

Nananaginip ba ako? Gandang bungad naman nito sobra naman yata.

"Hindi ka nananaginip. Kain ka na may pupuntahan pa tayo." Anu daw?

"Saan naman tayo pupunta? Bakit hindi ako informed?" Nilapag niya yung tray na may pagkain sa table katabi ng bed ko. "That's because I just thought of it earlier. Don't worry babe, It's just a normal date."

"Ah ganun ba? Sige prepare na ako ha!" pupunta na sana ako sa Restroom pero "Oops, where are you going? 'Di ka pa nga kumakain eh and I won't let you skip today's breakfast."

Oh come on. "What? Eh sabi mo lalabas tayo dba?" Tumawa nanaman siya "Oo nga, pero hindi naman ako nagmamadali ah. Sige na punta ka na sa cr, I will allow you to do your morning exercises but after that you'll eat all of this okay?"

"Lahat yan? Ang dami naman niyan grabe. Parang ang dami ko namang tao eh. " Nagpout ako.

" You're really cute when you do that babe, pero hindi ako madadaan sa ganyan. If I know hindi ka lagi kumakain sa bahay niyo ng breakfast. That's a big NO for me. "

"Eh hehe. Alright, you go na I'll prepare already." sabay smile ko ng sweet sa kanya "Okay. Bilisan mo ha. Baka lumamig yung niluto ko" pumasok na ako sa restroom, ang lakas ng tibok ng puso ko.

Nako Gian baka masiraan ako ng ulo kung ganyan gagawin mo lagi. Hayyy. Ayun minadali ko maligo and all. Nagsuot ako ng simple dress na kulay peach with an open shoes na kulay pink. Energetic na nga ako eh.

Paglabas ko nakita ko si Gian na nakaupo sa bed ko. Ang pogi niya talaga may suot siya na V-neck tas shorts na maong and vans.

Naayos na yung bed ko. "Bakit ka pa nandito? Akala ko ba mamaya pa?"

"Eh gusto kitang makita agad eh and I want to see you eat the breakfast I made. So come here, sit beside me please" kahit naman hindi niya sabihin na please uupo talaga ako dun. Tatanggihan mo pa ba ang pogi?

I started eating pero nakoconscious ako sa mga titig niya. "Gian please don't look at me like that." sumagot siya ng painosente "Like what?" hay nako Gian!

"Like I'm going away. Dito lang ako, kakainin ko ito, don't worry" hindi parin siya natinag "Oh, I'm not worried about that, I just want to look at you all day long. Are you enjoying the food?"

"Oo naman. Masarap naman eh. Gusto mo ba? Baka hindi ka pa kumain. Ganito dahil hindi ko ito kayang ubusin I'll share the food with you." tumingin siya sa baba.

"Actually hindi pa nga ako kumain. Excited na kasi akong makita ka eh" Tignan mo itong lalaking ito. Makapagpakain wagas pero siya pala itong hindi kumakain.

"Open your mouth and say Ahh." Saka ko sinubo sa kanya yung punong spoon. "sarap diba? Gusto mo pa? Hahaha." natawa ako kasi para siyang bata nung tumango at punong puno yung bibig niya. Ayun natapos naman namin lahat nung niluto niya pero mas marami kay Gian shh lang baka magalit sakin eh. Hehe.

Mga 1:00 pm eh pumunta na kami sa Mall. "Gian ano mga gagawin natin dito sa mall? Wala ka naman nasabi sakin kanina eh. "

"Normal things that couples do when going out. So where do you want to start?" sagot niya.

"Shopping or eating? Hmm eating? Haha. Tara dun sa may yogurt ice cream please?" alam ko naman na hindi ako mareresist nitong lalaking ito.

"Sure, ikaw ang masusunod ngayon" see? Sabi ko na nga eh.

"Yay!" sigaw ko at tumawa nanaman siya sabay hawak ng kamay ko. "Ho-hoy wala yan sa usapan. Bakit may pahawak hawak pa ng kamay?" pakipot ako pero gusto ko na talaga mahawakan kamay niya dati pa.

"Dahil ikaw masusunod ngayon pwede bang kahit ito lang masunod naman ako?" sabay ngiti. Sabi ko nga eh may kapalit at hindi rin kita matatanggihan. "hmmm. Uhmm hmm ikaw talaga syempre naman! Tara na bilis!"

Bumili na kami tapos naglibot libot pa lang sa konting stores kasi tinatamad pa kaming bumili ng kahit ano. Napansin ko si Gian may tinitignan pero hindi ko alam kung ano.

"Uy Gian, san ka ba nakatingin? Pansin ko kanina ka pa lumilingon sa likod. May nakita ka bang kakilala natin? Tara punta tayo?"

"aahh wala naman. Akala ko lang kakilala ko. Dibale na pabayaan nalang muna natin. "

"Okay sige. Saan na tayo? Ayun gusto ko dun tara!" Dahil masunurin ako hahaha yay!

Author's Note: Thank you @sofia_blue7 for this update :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon