18 years.
Ewan ko ba at nadala ako ng Audi ko dito sa mall. Mall, kung saan si Gian ay nakita kong may kasamang babae na nagshoshopping! Masakit! Hahahaha. Kadramahan ng Patricia oo!
"Miss, I'll take these." Sabi ko sa saleslady ng botique shop at inabot sakaniya ang tatlong piraso ng damit. Regalo ko kay mommy at daddy 'yan at syempre yung pangatlo sa'kin! Fuchsia ang color ng t shirt na ito tapos may nakalagay na, I Love My Mom And Dad, sakin yan tapos, I Love My Wife and Daughter, at syempre kay mommy ito, I will love them forever.
Ang sweet ko na ba? Hahahahaha. Bait kong anak noh? Joke lang!
Hay! Sana may kapatid ako para may kasaksama ako pagdating sa ganitong bagay eh. Diba? Ano kayang feeling na may kapatid? Hay! Erase Patricia! Kung ano ano nanaman ang iniisip mo eh.
From: Ayeesha
Pat! Kita tayo sa parking. Nasa mall ka naman diba? NOW NA!
ABA! DEMANDING ANG LOKO! OO NA HINDI NA AKO KAGREREPLY! PUOUNTAHAN NA KITA AYEESHA!
Habang naglalakad ay sobrang nagmamadali ako dahil sa NOW NA ni Ayeesha. Hay! Kung di ko lang ito bet friend eh ipapablatter ko na! Hahaha!
Pagdating ko sa pinakamamahal kong Audi, nakatayo ang babaeng mahaba ang buhok, naka doll shoes, at casual dress. Guess who? Sino pa ba? Edi ang napakademanding na tao sa balat ng lupa ngayon!
"Pat!" Aba excited pa soyang makita ako! Grabe! "Yee!" Sumbat ko sa sinabi niya. Sobrang higpit pa ng yakap niya sa'kin nung nakalapit ako sakaniya. Sobrang higpit! Sobra sobra sobra! "Hindi na ako makahinga!" Sabi ko at sinubukang kalasin ang yakap niya. "Hahaha! Sorry!" Sabi niya at kinalas na ang yakap at halos pulang pula siya. Tama ba itong nakikita ko? "In love ka ba?!" Sabi ko sakaniya ang hinawakan ang pisngi niyang namumula.
Agad nawala ang ngiti ni Ayeesha. Haha! Parang nalugi ang babaeng ito. "Hindi ah!" Pagtanggol niya sa sarili niya. "Ows? Eh bakit excited kang makita ako? Miss mo ako agad?" Biro ko sakaniya. "Kapal mo naman! Syempre may sasabihin lang." Sabi niya.
"Ano yun? Importante ba?" Sagot ko sakaniya at masaya pa dahil sobra ang ngiti niya as in! Parang in love talaga. "Kasi uhmm.. ano..." hala hindi ,an lang maituloy ang sasabihin nito! Ayaw ko ng naiinip. "Kasi ano, wala lang! Tara na!" Sabi niya at mukhang namangha pa siya sa Audi ko. Hahahaha. Yes! I'm so proud!
Pagkasakay namin ay mukhang may linilihim si Ayeesha. Halatado ko yun sakaniya dahil sa kinilos niya kanina at kinilos niya ngayon. Mukhang malalimlalim na masaya ng balita niya o kung anuman ang linilihim niya. Hindi mahirap tignan sa mukha ni Ayeesha kung nagsisinungaling siya o hindi. Alam kong may gusto siyang sabihin.
Hay! Nagpahatid lang siya papunta sa bahay nila at buong time ay nakangiti lang siya. Para talaga siyang in love grabe! Sino kayang lucky guy?
Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko si mommy na naghahanda ng hapag. Mukhang mas maaga pa siya nakarating sa'kin dahil halatang nagluto siya. Nilapag niya na ang sinigang na niluto niya. Si Ate Kris naman ay inihahanda yung juice at mas magulat kayo, si daddy ayan pasunod na hawak ang pinggan ng kanin! Omg! Ang bilis naman maibalik ang feelings ni motherhood kay fatherdear! Please, Lord, tell me that this isn't just a dream. Please tell me it's reality.
"My Princess is home!" Bungad ni daddy at nilapag na ang kanin sa mesa at tsaka ko lang nahalata na naka-apron din siya tulad ni mommy. Nakangiti lang si Ate Kris at kilig na kilig hanggang hindi napigilan ay nagsaluta din ang bading. "Nako! Pat! Buti na lang ay dumating ka na! Di ko na keribels ang kelegmuch sa mommy at daddy mo! Halika damdamin mo din ang kilig na mayroon dito!" Sabi ba naman at halos nakahawak siya sa didib niya. "Wag ka nga! Inggit ka lang eh!" Asar ko naman sakaniya. Tumawa lang sila daddy. Hay!
Kumain kaming lahat at katabi ko si Ate Kris at magkatabi din sila mommy at daddy. "Hija, how's the Audi which your dad gave you?" Tanong ni mommy in a sweet manner. Tumingin ako kay mommy at sobra ang ngiti ko. "It's great ma! Actually, I love it." Sagot ko naman sakaniya. "I already bought that a year ago. That should be your debut birtday present, but, I heard you didn't want to have one." Sabi ni dad. Oo nga pala, hindi ako nagdebut. Kasi nga, wala ka dad! Hay! At broken hearted kaya ako nun sus! Hahaha!
"Well, thanks dad! And maybe it's just a waste of money." Sagot ko kay dad at ngumiti. "Hay! Choosy! Dati mo pa kaya gusto mo debut! Wag chuningaling bebe!" Singit naman nitong Ate Kris na ito! Nagdradrama yung tao dito! Wag mong sirain!
Natawa naman si daddy sa sinabi ni Ate. Hay!
'Di nagtagal ay natapos na din kaming kumain. Nagpaalam na si dad with a smile on his face. Sobra na din ang ngiti ni mommy parang si Ayeesha lang kanina. Hay! Mga tao ngay lumalablayp! Wag niyo ako painggitin please!
Kasalukuyan akong nakahiga na ngayom at ito nagfefacebook sa phone ko. Scroll lang ng scroll hanggang sa naalala ko ang pagcancel ko ng debut ko. Gusto ko talaga magdebut. 5 years old palang ako pinangarap ko na yan kasi umattend kami dati ng debut ng pinsan ko. Ayun, naiinggit ako!
"Darling! Everything is set for your debut 2 weeks from now!" Masayang balita sa'kin ni mommy. Kami ni Ayeesha ang nagplano sa itsura ng debut kaya ito na ang best debut party ever. Kaso, nung sinabi ni mommy na handa na, pakiramdam ko hindi pa, hindi pa handa ang nararamdaman ko. Wala na nganag boyfriend ko, hindi pa aattend si daddy! "Cancel it na lang mommy."
"But--" humarap ako kay mommy. "I dont feel like having a party."
Hindi na umangal si mommy at halatang tinawag niya na sa organizer na i cancel but I heard na babayaran niya padin ang kunting gastos at idodonate na lang ang party sa ubang debutant.
Nagulat ang lahat at lalo na si Ayeesha. Sobrang excited na siya dahil nakapatahi na siya ng isusuot niya tapos hindi ko itunuloy. Sobra akong nasasaktan ngayon at sana mabawasan na ang sakit.
--
"Pat! Okay na ba ang tuhod mo? Pwede na bang magsayaw?" Tanong ng isang babae sa cheerdance. Nandito kasi ako sa gym. Pinapanood kong magtraining ang mga basketball players at magpractice ang mga cheerdancers. Sobrang naiinggit na ako sa mga nagprapractice at mas lalong nainggit nung lumapit ang babaeng ito at nagtanong. "Hindi pa eh." Sagot ko. Umalis na siya at ngumiti lang. Nagpractice ulit siya.
Teka! Tama ba ang nakikita ko? May dalawang player na bago! At hindi lang bago! Dati ng player!
Karlo?! Gian?!
Sobrang nagugulat ako. Lumapit ako kunti at oo nga! Sila nga. Si Gian! At Karlo! Tama ba ito? Bakit ganito ang nararamdaman ko?! Parang lumulutang na hindi maintindihan! Pat! Wag mong sabihin na bumabalik ang feelings mo! Erase!
"Okay! Break muna guys!" Sigaw ng coach nila. Bakit nandito sila Gian? Diba dapag si Gian at Karlo nasa isang job at nagtratrabaho?
Isa isa silang nagsiupo sa bench na malapit sa inuupuan ko. Mas elevated ang inuupuan ko kaya kitang kita ko sila. Hindi ba ako nakikilala nila Gian? Karlo? Hindi na nila ako kilala. Hindi man lang mapasulyap sa'kin.
Katititig ko kay Gian di ko namalayang napasulyap na siya sa'kin. Hindi lang sulyap pero titig na din. Yung titig na parang freshmen palang ako at senior siya sa high school. Pakiramdam ko hindi kami magkakilala pero may tinatagong lihim na maganda. Umiinom siya ng tubig nung nakita kong nakatitig din siya pero agad kong tinggal ang tingin ko sakaniya. Bakit pa siya bumalik!
"Guys! Si Gabby!" Sigaw nung isang player. Hindi ko kilala eh. Tinignan ko kung sinong tinuro nila. Isang babaeng naka skater skirt, vans, at simpleng tucked in na shirt at yung hair niya big curls gaya nung akin! Mahaba din! Omg! Napakaganda niya! I looked closely and... Oo nga! Siya yung babaeng kasama niya sa mall! Bakit parang mas bumata ang itsura? Mukhang college student lang siya.
Niyakap niya agad si Gian nung nakarating siya. Hindi ko na tinignan dahil masakit na! Harap harapan pa!
Ang saya nung Gabby? Gabby ba yun? Ano ba yan! Bagay talaga sila kasi magkamukha sila. Diba ganoon yun? Kadalasan magkamukha ang bagay? Ish. Bakit ba? Medyo dun din kaya ang basehan.
Tinignan ko ulit sila dahan dahan at nakita kong pinupunasan na ni Gabby ang pawis ni Gian. Naalala kong ganoon din ako nung ako pa ang girlfriend. Ganito pala pakiramdam ng masaktan. Nasaktan noya na ako dati nung umalis siya pero as of what I can see, I feel like the ground is starting to eat me! Wtf! I can't believe this! Alangan namang lalapit pa ako kay Gian ngayon diba? Wala ng silbi, besides, may Gabby na siya. Hay!
BINABASA MO ANG
Hands Off My Girl (ON GOING SERIES)
Teen FictionThere's still another chance for our love story. It's just that, fate always brings us back together. (It's been a year, but, it seems that it was just a while ago since you left. I never knew why. I never had the privilege to ask you why.) It's be...