Pag-uusapan ng apat ang naging biglaang pag-alis ni Manager Alvin noong madaling araw. Sigurado si Jennie na si Jeremiah ang may pakana nito, ngunit kahit nagagalit man sila, hindi maikaila na makakatalong nga sa sakit ni Jianne ang pupuntahan nilang lugar. Dahil dito, wala silang magawa kundi tanggapin ang mga pangyayari. Umaasa na lang sila na mabait ang papalit ng manager. Tuloy lang ang kanilang discussion during breakfast.
Lisa: Hindi naman siguro tayo bibigyan ni Jeremiah ng newbie manager.
Jennie: For sure kung sino man maassign satin, magrereport yun directly to him.
Chaeng: Which means we have to be more careful with all our actions. Ayaw natin siyang bigyan pa ng pwede niyang ipangblackmail kay Jennie.
Lisa: Pero hindi naman niya nahalata na alam na namin di ba? Kumusta ung usap niyo Jisoo-unnie?
Nasa gitna ng pagnguya si Jisoo ng kausapin siya ni Lisa. Halatang nag-sstress eating ito. Hindi man niya pinapakita na nalulungkot siya, alam na ng tatlo na pag nagtatakaw si Jisoo, meron siyang hindi nilalabas na hinanakit. Kaya ayun, tinatabunan na lang niya ng kanin at mang tomas.
Chaeng: Baby, dahan dahan lang. Baka makain mo na yung plato.
Jisoo: Kasi naman, kung natulog tayo maaga, hindi sana ko pagod tapos nakausap ko pa sana si Manong bago siya nawala. Kaso hindi e. Pinangunahan tayo ng tawag ng laman. Huhuhu. Manong, sorry... Kung alam ko lang na huling pagkikita na pala natin yung kahapon, e di sana, gumala na tayo, nagfud trip, nag-inom, lahat na sana. Huhuhu. Bakit ang unfair ng mundo? Bakit laging ako??
Jennie: Chu, ang OA mo naman. Kung makaemote ka, akala mo namatay si manong. Mamaya tatawag na rin yun.
Jisoo: I'm sorry. I seem to have lost my apetite.
Tatayo ito at kukuha ng plato ng pitong pandesal bago pumunta sa kwarto niya. Susundan naman siya ng tatlo.
Lisa: Sorry unnie. Dapat talaga pinilit kitang gisingin. Worried lang kasi kong kumatok, baka maistorbo ko kayo ulit sa gitna ng---
Jennie: Hindi. Wag tayo magkanya-kanyang angkin ng sisi. We have to be happy for both of them.
Jisoo: Masaya naman ako. Naiinis lang ako sa sarili ko at nagsilent pa ko ng telepono. Saka ikaw kasi eh.
Titingin ng naiinis na nalulungkot na simangot ni Jisoo kay Chaeng na kasalukuyang katabi niya sa kama at pinapalaman ng chiswis ang mga pandesal ni Jisoo.
Chaeng: Bakit ako? Anong ginawa ko?
Jisoo: Sabihin ko yung ginawa mo, yung umiikot na tornado something. Saka yung ginoogle mo na akala mo madaling gawin, tapos magkandabali-bali likod natin saka ---
Mapapangiwi si Jennie at Lisa habang may gagawing weird hand movement si Jisoo. Bago pa matapos ni Jisoo ang description ay papasakan ni Chaeng ng pandesal ang bunganga nito.
Jennie: OKAY NA!!! Lets talk about something else please!
Lisa: Jisoo, nahalata ba ni Maya na alam mo na?
Jisoo: Malaki ang chance na oo. Gusto ko rin talagang malaman niya na alam ko. Pero hindi namin pinag-usapan. Dinaan ko sa tinginan at telepathy.
Jennie: What?? Are you sure? Jisoo, delikado tayong apat pag nalaman niya na alam niyo na.
Chaeng: Baby, paano kung ikaw naman itarget niyang kasunod.
Jisoo: Di naman niya alam na involved na kayong dalawa. Sa tingin ko ha. Ayoko lang isipin niya na walang katulong si Jennie. At since ako naman ay technically involved na, hinayaan ko na malaman niya.
BINABASA MO ANG
Marupok Pero Hindi Mabaho [COMPLETED]
Romance[COMPLETED] I started writing this because I was bored. And I needed something to do while waiting for BLACKPINK's concert. And my friends liked it. So I kept writing and now, March 3, 2019, the Asian leg of BLACKPINK'S world tour just ended. So I...