Chapter 33 - Goodbye

195 5 0
                                    

Pagkauwi ay matutulog agad ang apat. Mag-uusap sandali sa sala si Jennie at Chaeng

Jennie: Hubby, hindi mo pa rin ba sasamahan si Jisoo? Ano bang problema? Wala na naman sila ni Bogum e.
Chaeng: Its hard to explain...

Hindi nila mamamalayan na nakabukas ang pinto ni Jisoo at maririnig niya ang dalawa.

Chaeng: I can't help but ask... Kung nabitawan ni Jisoo yung relasyon nila ni Bogum, what assurance do I have na hindi niya ko bibitawan. I think you know more than I kung gaano katibay yung pinagsamahan nung dalawa. I can't help but think and compare.
Jennie: What matters is that she's with you now. Dapat sulitin niyo yung ngayon. We don't know what will happen tomorrow.
Chaeng: I know that. Hindi ko pa lang kasi kayang tignan siya ulit ng hindi natatakot. Ayokong maiwan Jennie. I've felt that before and I don't want to feel it again. Maybe its better if I just move away before I love her to the point na hindi ko na kayang mabuhay ng wala siya.
Jisoo: Tama na yan. Masyado ka ng nag-iisip. Sinasaktan mo na lang sarili mo.

Magugulat si Chaeng na narinig lahat ni Jisoo yun. Wala siyang mukhang maiharap at maiiyak na naman ito.

Chaeng: I'm sorry Jisoo. I didn't mean that... I think. I don't know... I'm really sorry.

Lalapit si Jisoo at hahawakan ang dalawang pisngi ni Chaeng. Dahan-dahan aatras si Jennie at papasok sa kwarto ni Lisa kung saan si Lisa pala ay nagtatago at nakikinig din. Tatabi siya dito ay sabay silang mag-eeaves drop.

Jisoo: Stop thinking Chaeyoung. If love could be explained with words and theories, then it wouldn't be fun, and exciting. It wouldn't be love. Words can't explain this.

Hahalikan ni Jisoo si Chaeng at ibubuhos niya lahat ng pagmamahal niya sa isang segundo na magkadikit ang mga labi nila.

Jisoo: I can't give you the assurance that you need because I can't control the future. All I can do is hope that all of me would be enough for you. That's all I can give, my everything. Take all the time you need baby. I'm not going anywhere.

Bukod sa effort ni Jisoo sa deretsong English, matitigil din si Chaeng dahil sa kanyang pilit na pag-iisip. Mararamdaman niyang bibitaw si Jisoo. Hahalikan ulit nito ang kanyang pisngi at papahirin ang mga luha nito.

Jisoo: Good night babe. Try to get some rest please.

Lalakad na pabalik sa kwarto niya si Jisoo, pagtalikod niya kay Chaeng ay hihingalin ito. Naubos kasi ang english sa lungs niya. Si Chaeng ay nakatayo pa rin ng marinig niya ang isang sigaw.

Lisa: HUY! Gumalaw ka dyan!! Ioff mo muna utak mo at makinig ka sa puso mo. Naghihintay yung bebe mo!!
Jennie: Pag hindi pa kayo nagbati, ikukulong namin kayo sa cage ni Dalgom.
Dalgom: Ay wow. Nadamay ako. Hindi na nga ako nagpapabida sa kwento niyo pero ako lagi. At ano ung cage? Ayoko nun. Pwede lumayas?

Gagalaw na finally ang katawan ni Chaeng. Hindi niya alam kung dahil ba sa dalawang tsismosa or sa mapanghusgang tahol ni Dalgom. Patakbo siyang papasok sa kwarto ni Jisoo at mashushoot sa mga naghihintay na braso dito.

Jisoo: Welcome home bebe ko.
Chaeng: Sorry I took so long.
Jisoo: What matters is that you returned.
Chaeng: I love you baby.

Susubukan halikan ni Chaeng si Jisoo ngunit pipigilan siya nito at sasabihing wait.

Jisoo: OO! BATI NA KAMI!! BUMALIK NA KAYO SA KWARTO NIYO, MGA TSISMOSA!!!
Lisa: Ayiiieeee~~~
Jennie : Gusto niyo ba background music? Careless whisper? Versace on the floor? Maybe the night?
Jisoo: Gusto mo bang ibalik ko lahat ng pag-istorbo ni Lisa sa aming dalawa tuwing dun kayo matutulog sa kwarto mo?
Jennie: Hoy!!! Wag!!! Good night na nga e. Lisa dun tayo sa kwarto ko.

Marupok Pero Hindi Mabaho [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon