Chapter 14 - Haven

319 6 10
                                    

Subalit. Datapwat. Wala lang.

Pagkalapag ng dalawa ay agad-agad chineck ni Chaeng si Jisoo. Magugulat na lang siya na ito ay nakangiti at tumatawa.

Jisoo: Isa pa kuya! Paakyat naman! *Hahawakan ni Chaeng ang noo ni Jisoo at sisiguraduhing okay ito.*

Chaeng: Jisoo, how many fingers do you see? Are you okay? Can you walk?

Jisoo: Park Chae Young, kahit pagsama-samahin mo pa lahat ng fears at worries ko sa mundong ito, hindi nila mahihigitan ang pagmamahal ko para sayo. *Hahawakan ni Jisoo ang kamay ni Rose na nasa noo niya. Iipitin niya ito ng kanyang dalawang kamay, hahalikan at ilalagay sa puso niya.* Hinding-hindi ako mabobore o magkukulang o matatakot habang nandito ka sa puso ko. At wala rin akong hinihinging kapalit. Gusto ko lang malaman mo na kahit na ginagawa kong kalakohan lahat ng bagay, seryoso ko sayo. I'm Jisoo. and I'm yours.

Manager Alvin: Maam, malalate na po tayo.

Jisoo: Ay oo nga. Let's go? *Hindi makakapagreact si Chaeng habang dahan dahan siyang hinahatak ni Jisoo papunta sa sasakyan. Sasakay lang ito at uupo sa tabi ni Jisoo. Hawak pa rin ni Jisoo ang kanyang kamay at hinahaplos haplos at walang masabi si Chaeng.* Manong kumusta? Hindi ka naman nainip?

Manager Alvin: Ayos lang po maam Jisoo. May nakita po akong maliit na park dyan lang tapos nag-ikot lang po ako. Parang tambayan po yata talaga ng mga driver maam. Nakakatuwa nga po e.

Jisoo: Manong, hindi ka driver. Manager ka namin na sobrang bait to the point na inaabuso na namin. Kami ang maraming utang sayo, tandaan mo yan. Ikaw ang buhay ng blackpink. Kung wala ka, windang kami. Okay? Yung luto ko, tinikman mo ba?

Manager Alvin: Alam ko naman un maam e. Joke!! Ay yung luto niyo maam, grabe. Naghati-hati nga kami e. Sarap maam, at hindi lang ako nasarapan, lahat po sila nabitin rin. Biased kasi dila ko kaya baka di kayo maniwala pag ako lang nasarapan.

Jisoo: The best ka talaga manong, bukas ipagluluto kitang adobong kabayo.

*Habang patuloy na nag-uusap ang dalawa, nakatingin lang si Chaeng sa mga dumadaang tanawin sa labas. Hindi niya alam kung anong sasabihin niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya.*

Chaeng: Uhmmm...

Jisoo: Ay nabuhay!! Joke. Yes?

Chaeng: I'm just a bit surprised pero... kelan pa kayo naging sobrang close ni Manong Alvin?

Jisoo: Mahabang kwento. At ito yung totoong mahaba. Pag dating natin sa hospital malalaman mo rin.

Chaeng: Pupunta tayong hospital??

Jisoo: Patients my dear...

4:37 PM na ng dumating sa parking ang tatlo. May kukuning paperbag si Jisoo sa likod at pagkatapos ay dali-daling bababa ang dalawa na hindi pa rin nagbibitiw ng holding hands (ewww, pawis much). Papasok ng elevator ang dalawa habang nagpapark si Manager Alvin ng sasakyan. Ihohold ni Jisoo ang open door button.

Chaeng: What are we doing here and why aren't we going up?

Jisoo: May bibisitahin, ano pa bang ibang gagawin sa hospital? At hinihintay natin ang ating mahal na manager... MANONG!! TAKBO!!! BILISAN MO!!

Manager Alvin: Susginoo, naaalog ang taba ko...

Ngingiti lang na parang batang may sikreto si Manager Alvin at Jisoo. Susunod lang si Chaeng sa paglalakad ng dalawa at may lalapitan si Manager sa 3rd floor. Pagkayari makipag-usap, at kumaway sa mga blinks na nakakita sa kanila, ay ihahatid sila ng nurse sa isang kwarto. Mauunang pumasok si Manager Alvin at isasara pinto.

Marupok Pero Hindi Mabaho [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon